Nandidiri akong nakatingin sa hawak ni Watanabe na binubuhusan nya ng maanghang na suka.
"Bakit ka ganyan makatingin? Para kang nandidiri sakin." sabi nito saka ininom ang katas ng hawak nya.
"Nandidiri ako sa balut." hindi parin maalis alis ang tingin ko sa hinihigop nya. Jusko. Nandidiri talaga ako.
"Masarap kaya," sabi pa nito habang binabalatan pa yung shell ng balut. "Tignan mo, miss, oh." tapos isinubo nya ng buo ang balut.
Jusko. Nilalakasan pa nya yung tunog ng pagnguya nya. Ang sarap siguro sa feeling na masipa sya. Gusto ko syang sipain! Jusko, Satanas!
"Ang cute nyo po ng boyfriend mo po, ate." tila kinikilig na ani ng babae na sa tingin ko ay anak ng tindera ng balut.
"Hindi ko yan boyfriend," nakangiwing sabi ko habang nakatingin parin kay Watanabi na matunog kumakain ng balut habang nakatingin saakin ng nakakaasar. "Kaibigan ko yan."
"Hindi po ba kayo, Kuya?" tanong ng babae kay Watanabe na ngumunguya parin with sound effects pa.
Umiling si Watanabe tapos itinaas ang isang daliri nya habang nakatingin sa tindera hudyat na isa pang balut, agad naman nitong binuksan ang shell ng balut at binuhusan ito ng maanghang na asin nang makuha nya ang balut.
"Ang cute po ng boyfriend mo, ate." muling pagkausap saakin ng babae. "Bakit nyo po sya dinedeny?"
"Hindi ko nga sya—," biglang may kung anong sinalampak ni Watanabe sa bibig ko. Penoy.
"Daldal mo naman, Prido." nangunot ang noo ko habang ningunguya ang penoy na isinubo nya sakin.
Prido? Ano yun? Parang anak ni Pido at Dida na pinagbidahan ni Rene Requiestas at Kris Aquino?
"Prido po ang tawagan nyo? Ano po ba ibig sabihin non, Kuya?" pangungulit ng babae kay Watanabe na nagbabalat na naman ng balut. Pang lima na iyon.
"Bawal ko sabihin eh, samin lang iyon ng Prido ko." tipid na ngiti pa ng isa sa babae na biglang natulala. Luh sya teh. "Magkano po lahat, ma'am?" dumukot ito sa bulsa nya at inilabas ang wallet nito.
"110 po lahat, sir." ngiting sagot ng tindera na agad naman binayaran ng isa. "Salamat po, balik balik po."
"Tara." at nauna pa ito maglakad kaya napasimangot ako.
Siya itong namilit na isama ako tas iiwan nya ako. Boang.
"Hindi mahilig si kuya ng PDA, Ate, ano?" nakatanaw ito sa isa na huminto naman sa nagbebenta ng mga fish balls, kwek-kwek at iba pa.
"Hindi naman kami non," naiiling na sabi ko. "Salamat po, Ale." pasalamat ko ulit dun sa tindera na nakangiting tinanguan ako.
"Prido!" napangiwi ako sa tawag nya sakin, ang lakas din ng boses nya kaya napatingin halos lahat sa kanya. "Bilisan mo naman maglakad!"
"Maka utos wagas." pagkausap ko sa sarili ko habang nilalapitan sya. "Ano?" bungad ko ng makalapit ako sa kanya.
"Ah!" biglang paglapit nya sakin ng isang stick kung saan tinusok ang limang piraso ng fishballs doon. "Bilisan mo, open." utos pa nya.
"Ah." isinubo nya yung dalawang fishballs sakin. "Hm." masarap.
Napaubo si Watanabe kaya napatingin ako sa kanya. "Wag mo ako pansinin. Sarap?" tukoy nya sa fishballs na agad kong sinagot sa pamamagitan ng pagtango sa kanya.