(HH)

4 1 0
                                    








"Yo wassup, Manila girl!" napatingin ako at nakita si Berto na karga karga ang isang sako na puno ng mga niyog.

Napatawa ako at kumaway sa kanya. "Yo wassup, Province boy. Kamusta ang buhay probinsya?" pagsasabay ko sa trip nya sa buhay.

Si Roberto Pestañio na mas kilala dito samin na "Berto", isa syang anak nung mabait na tanod dito. Isa sya sa mga pinagtritripan ni George at Ota noon, pero lagi nyang prinoprotektahan ang dalawang yun.

"Ayos lang naman, Manila girl. Ganon pa din naman, naging matiwasay ang pamumuhay ko dito simula nung umalis ang dalawang unggoy." tukoy nya kay George at Ota. "Pero nakakamiss silang dalawa, hindi na kasi maingay eh. Medyo nakakabingi na masyado ang katahimikan." malungkot pero tumatawang sabi nya.

"Bibisita naman iyon, Province boy. Wag ka na umiyak." pangaalaska ko sa kanya, natawa lang sya.

"Wag nalang, guguluhin na naman nila si Russel," tukoy naman nya sa anak nya na pinapaiyak nila Ota. "Hinahanap nga lagi ni Russel si bulilit," pagtukoy nya kay Ota.

"Sabihan ko yun na bisitahin ka dito," natawa ako nung mabilis syang umiling iling kaya yung ibang niyog nahulog.

"Ay p-ota," naiiling na nilapitan ko ito saka tinulungang kuhain ang niyog. "Salamat, Manila girl." sabi nya nung nakuha na namin lahat.

Nag salute ako sa kanya. "Walang anuman, Province boy." tapos sabay na kaming natawa.

Nagkwentuhan kami saglit, tinanong nya din ang kalagayan ni George at Ota. At kung nagtitino na ba ang dalawa.

"Rina apo, halika n—oh magandang hapon sayo, Berto." bati ni Lola kay Berto nang makita sya nito.

"Magandang hapon po, Aling Anna." bati naman ni Berto kay Lola na nakangiti sa kanya.

"Nasaan pala ang tatay mo? Kailangan ko syang makausap," napakamot ng ulo si Berto. Hindi nya ata alam kung nasaan ang tatay nya.

"Hindi ko ho alam, Aling Anna. Kanina pa kasi iyon umalis." tumango tango si Lola habang binubuksan ang pamaypay nya at nagpapaypay.

"Pakisabi nalang sa tatay mo kung kailan ko sya pwede makausap," tumango naman si Berto saka nagpaalam na aalis na.

Isa si Lola sa opisyal sa barangay. Siya lang ata ang natirang myembro na nasa saysenta anyos na.

"Tara na po, Ma? Anak?" sulpot bigla ni Mama na may kinakalkal sa sling bag nya habang hawak ang suklay.

"Ma," tawag ko dito at inabot ang pantali ng buhok na nasa wrist ko. "Gamitin nyo na muna, basa pa naman may lang buhok ko." tinanggap iyon ni Mama saka nagtali ng buhok.

Matapos magtali ay naglakad na kami papunta sa sakayan ng taxi. Habang naglalakad ay panay ang kwento ni Lola at Mama sa mga nangyari nung umalis ako.

Kung paano nagcome-out-of-the-closet ang siga siga kong pinsan, kung paano nakipagcat fight ang kapatid ni Lola na ugod ugod na sa kapit bahay nitong chismosa, kung paano umibig yung pinsan kong bente bente ang chix sa isang bakla, at iba pa.

Natatawa at nagugulat nalang ako sa mga nangyari, madami talagang nangyayari sa ilang buwan lang.




—————









"Bibili lang kami ng pagkain doon, apo. Kayo na muna ang magusap." ngiti ni Lola sakin habang inaalalayan sya ni Mama na tumayo.

Nangmakatayo ay naglakad ito papunta sa isang gawi kung nasaan nandoroon ang mga nagbebenta ng mga pagkain.

GLAD YOU CAME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon