"Ship ko kayo, sis!" tili ni Ciara tapos kinukurot kurot ang kawawang si Leo na nakangiwi at hindi pumapalag.
"Mas bagay kami diba, Rina Babe?" singit ni Belle na punong puno ng ice cream ang bibig.
Napailing nalang ako at sinulyapan si Watanabe na tahimik na kumakain sa tabi ko. Pizza ang kinakain nya pero tinatabi nito ang cheese. Ayaw nya sa cheese? Ang weird.
"Magaling ka pumili, Ba–ballet? Tama ba ang pag pronounced ko sa pangalan mo?" ngiting tanong ni Jack sakin. Siya ang moreno sa kanila ni Leo.
Ngumiti ako sa kanya. "Rina nalang," mahina kong siniko si Ajay na nasa tabi ko. "Kaklase ko lang 'to diba, Ajay?" tumango naman siya.
"Ay wait!" biglang tumayo si Janice saka itinuro si Watanabe na tinignan lang siya. "Akala ko si Yubi!"
"Ang ingay mo talaga, bubwit." ngiwing sabi ni Vanessa kay Janice na umupo lang ulit sa tabi ni Belle at inirapan si Vanessa bago kumagat sa burger nya.
Si Vanessa ang mukhang mataray sa kanila. Mataray din talaga sya. BS in Business and Management ang course na tinetake nito.
"Akala ko talaga ikaw, Yubi. Bagay kayo ni Rina yiii." pangaasar pa ni Janice na kaharap si Watanabe. "P're, baka sya na yung—aray naman, Belle! Bat mo ako sinipa?" baling nito kay Belle na painosenteng tinignan sya.
BS in Science and Technology. Janice Lim. I am quite familiar with her, anak sya ng isang sikat na senador at artista. Babaeng babae sya sa mga magazines, pero ngayon na kaharap sya? Butch. Pusong lalaki pala sya.
"Huh? Bakit, p're?" sumubo ulit si Belle ng isang spoonful na ice cream at saka ninguya ito. "Gusto mo? Luh, asa ka."
"Tang-ina mo, Belle." umirap si Janice saka bumaling kay Erich na tahimik na nakamasid lang samin. "Wer iz Kaolin Baby, mga chung? Miss ko na baby ko."
"Miss ka ba ng crush mo? Walang talo talo diba?" taray na sabi ni Vanessa na nakangiwi pa din.
Classy. Intimidating.
Yan ang mga salitang maihahalintulad kay Vanessa. Ang pormal lang nyang pumostora at manalita. Hindi mo aakalain na mapapasama sya sa ganitong grupo, silang dalawa ni Erich. Kasi si Belle? Kahit saang grupo mo sya isalang, she can easily fit.
Si Vanessa at Erich kasi yung mukhang mabebelong sa mga grupo na girly at galing sa mga rich kids na tinatawag na royal blooded.
"Ang bitter naman, saka lang naman nagkaroon ng walang talo talo nung binasted ka ni Yubi." napatingin ako kay Watanabe na inaalis ang cheese sa kinakain nyang pizza. Binasted nya si Vanessa?
"Natutunaw ako, Prido." napalunok ako at umiwas ng tingin ng tila slow motion ang pag galaw ng labi nya.
It was just an accident, pero jusko. Puso ko, tang-ina mo.
"First mo iyon?" muli akong napatingin kay Watanabe na nakangisi. "Ang cute mo magblush, Josephina."
I rolled my eyes at her. "I'm not blushing."
It was my first.
"Kinikilig ka sakin?" ramdam ko ang pangaasar sa boses nya. "Crush mo ba ako, Josephina?" Bakit nya nalaman ang second name ko?
Noong nakaraan Ballerina at Prido, ngayon naman yung second name ko. Baka kamo ikaw may crush sakin?
"Psh. Hindi kita crush."
"Ah, baka hindi mo ako type maging crush kasi type mong magustuhan? Let alone, ibigin?" tinignan ko ito at inirapan. Kapal ng mukha nito.
"Ha? Hakdog. Dream on. Hindi kita type, kahit ano sa sinabi mo hindi ang sagot." umirap ulit ako. "Tsaka ayoko ding umibig sa taong hindi pa tapos umibig sa past nya." biglang tumahimik si Watanabe.
Did I cross the line?
"Right, hindi tayo pwede. Siya lang ang nasa puso ko, hindi ko alam kung saan ka pa magkakasya kung sakali."
Ouch pain, Ballet.
"Sa ngayon, hindi ko pa alam." dugtong nya sa sinabi nya. "Wag kang mahulog sakin, Josephina. Kasi hindi ko alam kung masasalo kita."
I must admit. What Watanabe said stung a little, it somewhat ripped something. "Ballet. Ballet ang first name ko, hindi tayo masyadong close para tawagin ako nyan." pangbabara ko sa kanya para machange topic. Ayoko sa ganyang usapan.
As if mahuhulog ako sayo. I told her in my mind. Crush pwede pa, pero gaya ng sabi ko. Ayokong umibig sa taong hindi pa tapos magmahal sa past nya. At wala naman akong plano sa ngayon. I'm still broken. Hindi ako handa sa ganyang bagay. Quits.
Ramdam kong umusog ito, palapit sakin pero hindi ko sya nilingon. "Hindi pa ba tayo close," biglang bulong nito sa tenga ko. "Baby," ramdam kong nagtaasan ang mga balahibo sa batok ko.
Peste. Santomas mangtomas. Demonyo layuan mo ako!
Napatayo ako ng wala sa oras at masamang tinignan si Watanabe na nakataas ang kaliwang kilay at may maliit na ngiti sa labi nya, halatang nageenjoy sa ginagawa nya.
"May problema, Rina Babe?" boses iyon ni Belle na alam kong napahinto sa pagkain nya ng ice cream.
"Hoy, pre, baka pinagtritripan mo yang si Rina." boses naman iyon ni Janice.
"Rina," nilingon ko si Erich na halatang nagtataka. "Bakit namumula ang pisngi mo? May sinabi ba si Yubi sayo kaya namumula yang pisngi mo?"
"Naku, Rina, wag kang maniwala sa isang yan. Papaibigin ka lang nyan, pero hindi ka sasaluhin." ani Jack.
Umupo ako ulit. "Wala, may naalala lang ako." palusot ko saka nilingon si Ajay na nakayuko lang sa tabi ko. "Di ka pa papasok? Diba magkaklase tayo sa susunod na meeting? History II?"
"Oo, aalis ka na?" tumango ako. "Tara na?" tumango ulit ako. "Tayo na?" napatawa ako sa pabirong paghihirit nya.
Tumayo ako at isinukbit ang bag ko sa shoulders ko. "Anong tayo na?" I gave Ajay a sly smile and whispered. "Alam ko ang sekreto mo, Ajay. Wag ako ha."
Akala nya ata hindi ko pansin.