(GG)

3 1 0
                                    






Limang araw na akong walang klase, hindi ko alam ang dahilan kasi hindi na ako gaano nakakakinig at nakikinig. Tila lumilipad ang utak at isipan ko.

Lahat ng mga professor ko tinatanong ako kung ano ang nangyari sakin. Imbis na tumaas ang marka ko, bumababa ang mga ito.

Simula nung huling paguusap namin ni Watanabe, naging ganito ako. Hindi ko makakalimutan yon.

"So, engaged kayo ni George?" siya ang unang bumasag sa katahimikang meron kami.

"Hm," tumango ako. There is no point of denying it naman. I and George aren't in a romantic relationship but we're formally engaged.

I love George, she loves me too. Just not in a romantic kind of way. We love each others like how siblings love one another.

"Bakit mo tinago sakin?" napatingin ako sa kanya, my eyes met hers. She was looking at me intently, as if trying to read me.

I gave her a small smile. "Hindi ko yun tinago sayo. Hindi ko na sinabi kasi di naman kailangan at wala namang nagtatanong."

"Dapat sinabi mo pa din sakin, Rina." nagiwas sya ng tingin.

"And you could have told me about Sabrina, about your relationship with her. Maiintindihan ko naman."

"I'm sorry, Rina." napapikit ako ng mariin nung tawagin nya akong muli sa palayaw ko. Hindi ako sanay.

"I'm not sorry from keeping things from you, I think it's for the best. If I was too open to you, I would get shattered again." ngiting sabi ko sa kanya habang pilit nilalabanan ang sarili kong huwag maiyak sa harapan nya.

Tama na ang makita ako ni Ota na umiyak. Tama na nasi Ota lang ang nakakita sakin umiyak.

"I'm sorry," tumingin ako sa taas, sa mga bituing nagniningningan.

Dinala nya ulit ako dito, sa lugar kung saan kami naghabulan. Tawa pa kami ng tawa non. Sana mas inenjoy ko and ask na sana hindi matigil ang oras na iyon, kasi ang kasunod non bumalik ang babaeng winasak sya pero minamahal nya. Up until now.

"I guess in this life, kaibigan lang talaga tayo no?" I awkwardly laughed. Masyadong tense naman kasi. "Bawi nalang tayo sa next life kung sakali, Watanabe."

"Hindi mo naman kailangan magpanggap na ayos lang,"

"Wala akong sinabi na okay lang. Kasi hindi okay sakin. Pero anong magagawa ko? You are happy with her naman diba? Enough na yun para maging masaya para sayo." sabi ko habang tumatayo sa kinauupuan ko.

"Salamat sa masasayang alaala, Prido. I will treasure it forever." she smiled at me, kung noon tila hihinto ang tibok ng puso ko. Ngayon pinipiga ang puso ko nung ngumiti sya.

Gaya noon, her eyes are cloudy. But her smile is still breathtaking.

Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ko nung hinalikan ko sya sa noo saka niyakap, ramdam ko din na nabigla sya sa ginawa ko.

"Just give me a minute, Yubi. Kahit isang minuto lang, this might be the last." pinipigilan ko ang wag maiyak. Ito ang unang beses na tinawag ko sya sa pangalan nya, iyong normal na pagtawag. Walang halong pangaasar.

Niyakap nya ako pabalik, mas hinigpitan nya ang yakap namin. Ayokong bumitaw pero hindi pwede.

Kumalas na ako. Ganon din sya. Pero bago ako kumalas, ibinulong ko sa kanya ang mga katagang gusto kong ipagsigawan sa buong mundo, pero hindi pwede.

I stood up and went to the bathroom and went straight to the sink. Again, I came face to face with a girl with a greasy hair, and puffy red eyes.

Napangiti ako, ang familiar ng scene na ito, it wasn't exactly the same pero ang clichè, kakagaling mo din noon sa heart break when I entered this bathroom.

Napailing nalang ako habang naghuhubad ng damit, I need a cold shower. Babyahe pa ako't uuwi para puntahan sya.



—————



"Rina anak," nakangiti si Mama at si Lola nung salubungin ako dito sa Laguindingan airport.

"Mama, Lola." agad na niyakap ko sila. Sobra ko silang namiss. Nung umalis kasi ako, hindi ko sila kinakausap at mas inintindi ang damdamin ko.

"Apo," naiiyak na tawag ni Lola sakin saka pinaghahalikan ako sa mukha nung kumalas ako sa pagkakayakap sa kanila ni Mama.

Natawa nalang kami ni Mama kay Lola kasi para itong bata na pinapahid ang mga luha nya.

Nag-taxi na kami pauwi kasi malayo ang bahay saka ang airport. Habang nasa taxi kami ay nagkwentuhan kami, kinuwento ko ang mga nangyayari doon. Maliban sa hindi pwede sabihin sa kanila.

Nang makarating sa bahay ay agad na inihatid ako ni Lola sa kwarto ko para makapagpahinga.

"Salamat, Lola." ngiting niyakap ko si Lola. "Lola?" pagtawag ko kay Lola na niyakap lang din ako.

"Ano iyon, apo?" masuyong tanong ni Lola saakin.

"I love you po, Lola." halos pumiyok ang boses ko ng sabihin ko iyon.

Napakalas naman si Lola sa yakap nya sakin and cupped my face. "Bakit ka umiiyak, apo? May sakit ba sa iyo? May problema ba? May nangaway ba sayo? Bakit ka umiiyak?" alalang tanong ni Lola kaya mas lalo akong naiyak at niyakap lang sya.

"Mama? Ba—Rina? Bakit ka umiiyak, anak?" lumapit na din si Mama samin ni Lola, niyakap ko lang din sya. "Ano ang problema? May umaway ba sayo doon sa Maynila? Tatawagan ko si Eri–," mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanila.

"Wala po, Mama. Namiss ko lang po kayo. Sobra po." naiiyak na sabi ko habang sumisinghot singhot.

"Hay nako, itong anak mo talaga, Bea. Pinagaalala pa ako jusko." reklamo ni Lola kaya natawa nalang kami ni Mama.

"Sigurado kang ayos ka lang, anak?" tanong ni Mama nung kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanila.

Tumango ako at ngumiti. "Opo, Mama. Namiss ko lang po talaga kayo."

"Oh sya sya, magpahinga ka na muna dyan. Bukas na tayo pupunta doon," hinalikan ako ni Lola sa pisngi, ganon din si Mama bago si pumunta sa kusina para magluto para sa tanghalian.

Napabuntong hininga ako bago sinara ang pintuan ng kwarto ko. Humarap ako at pinagmasdan ang kabuuan ng kwarto ko.

Sobrang linis, walang bahid na alikabok. Nililinisan parin ata ito nila Lola para gaya nitong basta bastang uuwi ako.

Agad na naghubad ako at nagbihis. Nilagay ko sa basket ang mga damit na ginamit ko saka nahiga sa kama.

"Hm," satisfied na sabi ko. Mas gusto ko itong kama ko dito kesa sa kama ko doon kela Tita Esmee. Mas malambot kasi ito kumpara n'on.

Nilingon ko ang night stand na gawa galing sa acacia tree na nasa gilid ng kama ko lang at inabot ang picture frame. Naroon ang picture namin, magkayakap kami at nakangiti.

Ito yung mga panahon na naglaro kami sa isang palaruan dito sa baranggay namin, kami ang nanalo doon. Taob silang lahat samin eh.

Napangiti ako saka pinagmasdan ang mukha nyang nakangiti habang hawak namin ang tropiya. Ibinalik ko ito sa nightstand bago nahiga muli.

Napahinga ako ng malalim. Kumikirot parin ang puso ko, pero unti-unti ko ng natatanggap na wala na sya.

Maybe Ota is right, may rason ba't maaga sya kinuha sakin—samin. At may rason why I and Yubi can't be more than friends. Maybe it is too much to ask from Him.

GLAD YOU CAME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon