Nagdaan ang ilang linggo, malapit na ang Christmas break. Pakiramdam ko ang bilis masyado ng panahon.
"Rina," tawag sakin ni Kaolin na nasa banyo at naliligo. Pinaligo ko na sya dahil sobrang basa nya dahil sa ulan.
"Oh?" lumapit ako bahagya sa may pinto para marinig kung ano ang sasabihin nya.
"Towel please," napatingin ako sa upuan ng study chair ko kung saan ko iniwan kanina ang towel na gagamitin nya at nakita ito doon. Kung ano ang posisyon sa pagkakalagay ko, ganoon parin ito. "Nakalimutan ko kasi," napailing nalang ako saka kinuha ang towel saka kumatok sa pintuan ng banyo. Bumukas iyon ng bahagya kaya inabot ko ang towel. Kinuha naman iyon ni Kaolin kaya inilabas ko na ang kamay ko, saka isinara ni Kaolin ang pintuan ng banyo. "Thank you!"
"Welcome," bumalik ako sa pagkakahiga sa kama ko saka muling tumitig sa kisame.
It's been four days since I had a talk with Ota, she told me things I didn't expect to hear. Especially from her.
"Ate Letty?" dali dali kong ipinahid ang mga luhang nagsiagusan galing sa mga mata ko.
Umupo sya sa tabi ko saka niyakap ang braso ko. "I love you, Ate Letty." napangiti ako dahil sa sinabi nya.
"I love you too, Ota. Why are you so sweet bigla?" panggagaya ko sa conyo nyang pananalita. Natawa sya saka kinurot ako ng mahina.
"Wala lang po. I just wanna say I love you to you. I wanna make you feel that you are love," ngiting sabi niya sakin habang nakatitig sakin. "That you are worth to love, and there is nothing wrong with you."
Unti-unting nagsibagsakan ang mga luha ko ulit. Why are you so mature, Ota? At the age of 16.
"Straight english na ha," pangaasar ko sa kanya kaya natawa din sya saka kumalas sa pagkakayakap sakin at itinukod ang mga kamay sa buhangin.
"Kuya Timothy taught me how this and that works, Ate, he is a good brother." ngiting sabi nya habang nakatingin lang sa harap namin.
We stayed in silent for a minute. No one dared to break the comfortable silence, not until Ota decided to.
"Ate Erich told me what happened," panimula nito kaya napatingin ako sa kanya. Pero gaya kanina, ang tingin nito ay nasa dagat lang. The darkness was embracing the ocean. "Don't you think that woman has her own set of reasons, Ate?" tahimik lang ako at nakikinig sa kanya. "Because if she only did those things just to play with your heart, I don't mind standing inside the court because she pressed charges against me for breaking her bone." Ota turned her head towards me and then smiled sadly. "I hate it when you guys are hurting, pinipiga ang puso ko, Ate." malungkot ang boses nya. Mas lalo akong naiyak.
"I wanna hate her, Ota. I wanna hate her." pagiyak ko sa harapan nya. She moved closer and then hugged me.
"I love you, Ate."
I cried in her arms that night, while she just told me how much she loves me. How much Erich and George, along with my family and friends loves me.
As I cry, she caressed my hair and my back. I felt safe. More than safe when her little figure hugged me. Hindi nya ako pinilit na magsalita o magkwento, she let me cry on her. Gaya ng ginawa nya nung namatay ang isa sa mga taong lubusan kong iniingatan.
Pero ang nakakatawa, nung matapos akong umiyak ay siya naman ang umiyak. Pinipigilan lang pala nyang wag maiyak nung umiiyak ako dahil ayaw nyang maramdaman kong kinakaawaan ko sya.
She hated it when someone pitied her. Gaya ng sabi nya noon sakin noong nawala ang nanay at tatay nya na walang nakakaawa sa kanya, she just had the darkest times of her life pero hindi siya kawawa.
"Nangyayari ang dapat na mangyari, Ate, hindi ko kinukwestyon ang May Kapal. Alam kong hindi nya ako bibigyan ng problema na hindi ko kayang hanapan ng solusyon."
For someone 3 years younger than me, she's more mature than me and Erich. Even George.
"Rina, um, pahiram damit?" I raised my head but then ibinalik iyon sa kung ano ang pwesto kanina when I saw Kaolin na nakatapis lang.
Itinuro ko ang direksyon ng aparador. "Kuha ka nalang dyan, may drawer sa loob nyan. Sa left na gilid, may mga unused panties dyan. Kuha ka lang."
Si Kaolin ang lagi kong nakakasama simula nung makauwi kami galing sa date naming apat ni Ota. She is somewhat aloof sa tropa nila maliban sa kaclose nitong si Belle.
Speaking of Belle, hindi ko na din sya masyado nakakausap sa school pero minsan nagkakausap kami sa skype or sa messenger. She's busy. Busy sa studies at kay George.
Napailing nalang ako sa pinaggagawa ni George para makuha ang atensyon ni Belle na walang ibang ginawa kundi ang barahin at barahin sya.
Tho, palagi silang nagbabangayan sa gulo ni George na nadamay ako. Pero George is good with words and assurance, so I guess okay silang dalawa. Ang kailangan lang talagang malusutan ay yung papa ni George.
Rinig kong bumukas ang pintuan ng aparador, naghahanap na ata ng damit si Kaolin.
"Mahilig ka sa maluluwang, Rina, ano." pansin ni Kaolin sa mga damit ko.
"It's comfy," tipid na sagot ko habang nakatitig pa din sa kisame. "Sobrang luwag ba sayo?"
"Not really, hindi lang ako sanay sa mga maluluwag masyado."
"I'll borrow Erich's clothes para mas kumportable ka, dyan ka lang." pagtayo ko saka dumiretso agad sa pintuan.
Nakasalubong ko si Erika na pababa na nakatutuk sa cellphone nya. "Erika," huminto ito saka tinignan ako.
"Bakit?" mataray na tanong nya sakin habang nakataas pa ang kaliwang kilay, nag away na naman siguro sila ni tinderong kapitan.
"Si Erich?" nagkibit balikat sya. "Pwede mo bang pahiramin ng damit si Kaolin? Maluluwag kasi masyado sa kanya ang mga damit ko,"
"Punta ka nalang sa kwarto ko, kuha ka ng damit don." sabi lang nito at umalis na siya ng hindi ako nililingon.
Napailing nalang ako saka tinungo ang kwarto ni Erika. Pagbukas ko sa pintuan sobrang dilim kaya kinapa kapa ko ang switch, nang makapa ko ang switch ay binuksan ko ang ilaw.
Malinis ang kwarto ni Erika pero may mga damit na nagkakalat sa kung saan saan, may pagka burara talaga iyon.
Tinungo ko ang aparador ni Erika saka kumuha ng isang shirt at isang pajamas pagkatapos ay lumabas na doon.
I turned the lights off before closing the door saka naglakad pabalik sa kwarto ko, papasok na sana ako sa kwarto ko ng marinig ko ang boses nya.
"Yung pinsan mo, Ri? Si Rina? Nandito ba sya?"
