(W)

4 1 0
                                    








"Rina, can I talk to you for a sec?" napatingala ako at nakita si Vanessa. Pero sa laging mataray face nya, ang seryoso nya tignan ngayon. Sobrang seryoso talaga. I wouldn't dare cracking a joke on her.

Kahit nagtataka ay tumango ako, tinalikuran nya ako saka naglakad paalis. Sinundan ko sya.

Huminto lang sya sa labas ng cafeteria, sa gilid ng entrance at exit. Hinarap nya agad ako.

"Mahal mo ba ang kaibigan ko?" mas lalo akong nagtaka. Sinong kaibigan?

"Sino? Si Belle? Si Janice? Si Ka—," nagbuntong hininga si Vanessa.

"Mahal mo ba si Yubi?" tila nabingi ako sa diretsang tanong nya saakin. "Please answer me honestly."

"Bakit mo tinatanong?"

"Sagutin mo nalang, Paberecio." matigas ang bawat salitang binibitawan nya. "Mahal mo ba sya?"

"Ano bang meron kung mahal ko nga sya?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Huwag mo siyang mahalin, Rina, ikaw ang madudurog." after saying those words, umalis na si Vanessa. Iniwan nya akong nakatanga doon.

Ako ang madudurog? Because?

Kris Aquino, kinakain mo ang sistema ko! Jusko, santomas mangtomas! Ginulo ko ang buhok ko dahil sa asar.

"Love," I mentally face palmed when I heard her voice. It was George's. Nilingon ko nga ito.

"Ano na naman?"

"Bakit ba ang sungit mo?" salubong ang kilay nya habang nakatingin sakin. "Hihingin ko lang naman sana ang number ni Leon." Ni Belle?

"Bakit?" umarko ang kilay ko. "Naku, George, pag sinaktan mo yan—,"

"Hindi ko sya sasalvagegin okay? I'm just going to tease her naman, ang cute nya kasi mainis. And besides, the fact the she knows we are engage naiinis sya sakin." nakangiti sya habang nakatitig sa kawalan, tinamaan ata ang loko kay Belle.

I and George reconciled, napagusapan na namin ang nangyari. At sa engagement namin kuno. I also learnt her life in China, it wasn't easy nga dahil ang dami nyang pinagdaanan. Lalo na nung sa nangyaring issue at sa pagharass sakin ng mga reporters. Pero nandon pa rin yung gap dahil sa nangyari nga sa past namin, pero we're okay. I think. Mukhang nagsisisi din sya sa ginawa nya.

These past few days pansin ko ngang si Belle ang lagi nyang kinukulit at pinipikon. Pikonin pala kasi ang isang iyon, hindi lang halata.

"Hingin mo number nya sa kanya, George. Wala kasing pahintulot nya." sabi ko at nagsimulang naglakad pabalik sa loob ng cafeteria.

"Sige na, pre, please?" nakabuntot pa ito sakin habang ang mga palad nito ay nagsiklop as if she's praying.

Hindi nagdadasal ang demonyo, Ballet.

"Ayaw." pagkabalik ko sa upuan ko ay agad akong naupo at muling gumawa ng seatworks na hindi ko nagawa nung nakaraang araw at kagabi.

"Sige na, we're going to marry anyways. What's mine is yours, and what's yours is mine." niyugyug nya yung braso ko. Buti nalang hindi pa ako nagsusulat kundi line here line there ang nangyari.

"Ano ba, George." naaasar na sambit ko saka inalis yung kamay nya sa braso ko. "Bitaw na kasi. Hindi kita papakasalanan hoy kaya no."

"Aba! Nagkanda hirap hirap ako sa China para lang pumayag si papa tas hindi mo ako papanagutan?" parang tangang tanong nya.

"Ikaw ang gumawa ng problema mo, ikaw ang lumutas dyan. I can't really remember saying yes to your proposal."

"Sige na kasi!" sisikuhin ko na sana sya ng biglang may humawak sa balikat ni George.

"Ayaw nyang hawakan mo sya, miss, bitaw." sobrang lamig ng boses nya.

"Watanabe," mahinang sambit ko sa apelyedo nya pero ang paningin nya ay naroon lang kay George na tinaasan lang sya ng kilay.

"And who might you be?" marahas na inalis ni George ang kamay ni Watanabe sa balikat nya.

Watanabe crossed her arms. "Yubi Watanabe, ikaw? Sino ka? At kaano ano mo ang girlfriend ko?"

Th—ump. Th—ump. Th—ump.

"Girlfriend?" pasimpleng sinulyapan ako ni George at ningisian ako. "Ikaw pala ang pinalit nya sakin?" tumayo si George saka nakapamulsang inilapit ang mukha nya kay Watanabe saka ito tinignan from head to toe.

Hindi nagpatinag ang isa. "Oo, ako nga. Ikaw ba yung pinagpalit?" rebut naman ni Watanabe. I almost laughed when I saw how George's eyes widen, hindi nya ata inexpect iyon.

"Nice, I like you. But it's not enough." sinulyapan ako ni George saka ningitian. "Ciao, see you around, Josephina. Take cate of my betrothed 'kay?" tinapik ni George ang balikat ni Yubi bago naglakad paalis. Tinanaw ko lang ito hanggang sa mawala sya sa paningin ko. Ano kaya ang nasa isip ng isang iyon?

"Hinahayaan mo syang tawagin kang Josephina pero ako hindi," napatingin ako kay Watanabe na nakasimangot na nakatingin sakin. Bahagyang nakanguso pa ito.

Bakit ka nagsinungaling sakin n'ong nakaraang araw? Gusto ko syang tanungin pero hindi ko maakong tanungin.

"Hinahayaan kita, pero binabara kita. Magkaiba yun," sabi ko saka bumalik sa pagsagot ng mga unfinished seat works ko.

Sino ako para kwestyunin ka?

"Parehas pa rin yon, Prido!" padabog syang naupo sa tabi ko. "Ayoko sa kanya. Mayabang masyado. Anong sabi nya? Take care of my betrot?" agad na natawa ako at nailing.

Cute.

"Ayaw nya din naman sayo eh," sinimulan ko ng ihiwahiwalay ang mga seatworks at inilagay ito sa designated folders nila. "Hayaan mo yun, siraulo yun e."

"Sabi nya gusto nya daw ako pero hindi daw iyon sapat, anong ibig sabihin non?" pagtatanong nya.

"Walang meaning yon," kinuha ko ang plastic folder na nasa lamesa saka doon inilagay ang mga folders.

"Tss." tanging react lang nito.

"Una na ako, Watanabe." tumayo na ako saka akmang aalis na ng hawakan nya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Nagseselos ako,"

Th—ump. Th—ump. Th—ump.

"A—anong ga–gawin ko dyan?" para akong biglang natuyuan sa lalamunan. Kailangan ko ng tubig!

"Hindi mo ba ako susuyuin?" halos kumunot ang noo nya dahil sa pagsalubong ng kilay nya.

Bakit kita susuyuin?! "Ah–eh, hindi?"

"Tss." binitawan nya ang kamay ko saka padabog na umupo sa kaninang inuupuan nya. "Katampo."

"Ba—kit ka ba nagseselos?" umupo din ako sa tabi nya. Iniwas lang nya ang tingin nya sakin habang nakanguso pa.

Dude, am I dreaming?

"Wala akong karapatan magselos, alam ko yun, Paberecio." tila mabigat ang bawat salita na sinasabi nya dahil para syang nahihirapan huminga.

"Lahat ng tao may karapatan magselos, hindi naman tayo robot. Tao tayo, may damdamin tayo. Duh," narinig ko ang bahagyang pagtawa nito dahil sa huli kong sinabi. "Ang kwestyunable lang naman kasi, eh bakit ka nagseselos?" nanlaki ang mata ko ng bigla nyang hilahin ang collar ng damit ko.

My eyes widen when she kissed me, at the side of my lips.

"Nagseselos ako kasi gusto kita, Ballet." tila nalagutan ako ng hininga. "Gustong gusto kita,"

Gusto mo ako......pero nagsisinungaling ka sakin.

GLAD YOU CAME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon