(F)

10 1 0
                                    

I stared at the school I.D na nilapag ko sa study table ko. It's been 3 days na nasakin ang I.D ni Yubi Watanabe.

It was last school year's school I.D. Grade 12. HUMSS student. Watanabe's eyes looked different in the I.D picture at sa personal. Kahit maganda ang mga mata nya, walang kalamanlaman iyon. It's so dull and lifeless. Lalo na sa I.D nya, para syang buhay pero patay. Weird sh-it.

"Rina! Kakain na!" nakakarinding sigaw ni Erika mula sa labas ng kwarto ko at minumurder na naman sa pagkatok ang pintuan ko.

"Susunod ako, teka lang!" ang sabi ko lang saka tumayo at itinago iyong School I.D bago lumabas sa kwarto at nagtungo na sa kusina.

"How are you, George?"

I stopped right in my tracks. Oh good sweet Satan, no. It can't be.

Dahan dahan akong gumilid saka sumilip sa loob. Halos lumuwa ang mga mata ko ng makita ko sya.

Nakatalikod ito sa gawi ko pero alam kong siya ito. Tindig at postora pa lang nito kilala ko na agad na sya nga ito.

Kasama nito si Tita Esmee na nasa may refrigerator, Erich na tahimik na pinagmamasdan si George at si Tito Anton may ngiti sa mga labi nya habang kausap sya.

Matapos ang nangyari, may gana pa talaga syang magpakita? Po-ta.

"Rina?" halos mapatalon ako dahil sa gulat nang biglang may humawak sa balikat ko. "Bakit ka sumisilip lang? Hindi ka papasok?" it was Erika na may hawak na dalawang litrong coke.

"Wala, may tuyo tayo?" pagiwas ko sa tanong nya, masyado pa syang bata para malaman ang mga dapat hindi nya dapat malaman. Gulo no?

"Wala. Bilhan kita?" umiling ako sa tanong nya. "Ang weird mo talaga, may bacons naman pero tuyo ang hinahanap mo."

Ngumiti lang ako. "Wala eh, tuyo is the best. Ako nalang bibili. May 20 pesos ka?" imbis na sagutin ako ay ibinaba nito ang dalawang litrong coke at dumukot sa bulsa nya.

"Ayan 50 pesos, baka kulangin ka sa 20 pesos worth na tuyo." an sabi lang nito bago kinarga ulit ang dalawang litrong coke at pumasok sa kusina.

I started to made my way out of the house, out of George's presence.

"Erika, si Phina?" rinig kong tanong ni George kay Erika. Ganon parin ang paraan ng pananalita nya, malambing.

"Bumili ng tuyo. Babalik din yun." rinig ko namang sagot ni Erika na ikinaluwag ng dibdib ko. At least ang dating nakaalis na ako.

Paglabas na paglabas ko ay bumungad saakin ang isang orange na muscle car na ewan ko anong brand at model but it was shiny and it looked brand new. And it was obvious who it belonged to, kay George.

Such a brag.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Ang nasa isip ko lang ay ang makalayo sa bahay nila Tita. Ayoko syang harapin, galit at naasar ako sa kanya. Iniwan nya ako sa oras na kailangan na kailangan ko sya at naguguluhan ako.

Lakad lang ako ng lakad. Tirik na tirik pa ang araw, bagong ligo ako pero heto ako't sobrang pawisan. Napahinto lang ako sa paglakad ko ng sa naramdaman ko ang lakas ng hangin. Napatingin ako sa kanang direksyon at nakita ang dagat. Ang init ng hangin nito.

Umupo ako sa isang bench na naroon. Madaming tao ngayon, mostly mag couples and groups of friends ang nandirito.

Tumingin ako sa harapan ko at pinagmasdan ang kulay asul na tubig ng dagat at ang kulay asul na langit. Ang ganda lang.

Walang pumapasok sa isipan ko, ang tanging ginawa ko lang ay tumitig sa dagat at sa langit.

"Rina Babe?" agad na napalingon ako at napangiti ng makita ko si Belle na may hawak na isang kutsara at isang tupperware na sa tingin ko ay naglalaman ng ice cream.

Denim na below the knee shorts. White loosed t-shirt with color black cat paw prints. White and a hint of black crocs slippers. A bracelet made of wood.

Iyon ang pormahan ni Belle. Ang linis nya tignan. Nakakaattract masyado.

"Belle. Taga dito ka?" ang tanong ko sa kanya na inilingan nya bilang pagsagot. Umupo sya sa tabi ko. "1.5 liter na ice cream? Really? Mauubos mo yan?" amused na tanong ko sa kanya.

"Kahit ilang liters pa yan basta ice cream!" magiliw na sabi nya havang binubuksan ang tupper ware ng ice cream. "Gusto mo?" alok nya.

"Wag na, baka kukulangin ka eh."

"Oo nga, pero of course gusto ko pa din magshare. Ayos lang sayo na iisa lang tayo ng spoon?" Belle took a spoonful of ice cream and ate it. Kapag sinabi kong kinain nya, I meant her chewing it as if she's not eating ice cream. Hindi ba nangingilo ang ngipin nito?

"Of course. I wouldn't mind indirect kiss." kinuha ko ang spoon sa kanya at ako naman ang nagscoop at isinubo yun sa bibig ko.

Unlike Belle, sinusubo ko lang yung ice cream pagkatapos sisipsipin hanggang sa matunaw ang ice cream.

"Indirect kiss? Naniniwala ka don, Rina Babe?" curious na tanong ni Belle saakin na nagsco-scoop ng ice cream. But this time dalawang subo ang ginawa nya tapos sobrang puno pa.

Ang takaw naman nito, but she still manage to look cute unconsciously.

Biglang may tumunog. Cellphone ata ni Belle. May dinukot si Belle sa bulsa nito, cellphone nya nga. "Hala!" bigla itong napatayo, nanlalaki pa ang mga mata nito. "Purge! Waah! Bakit ba sobra akong makakalimutin?"

She's so cute. It's making me sad! Can I take her home?

"Ano nangyari?" tanong ko.

"Hinahanap na ata ako ng lola ko, binibisita ko kasi sya dito. I need to go." ginugulo nito ang buhok nyang nakaponytail. "See you when I see you?" there she go again with her head tilting to the side without her noticing.

"Yeah. See you when I see you." ngiting tumatango ako sa kanya na sinuklian nya din ng isang matamis na ngiti.

Tumalikod na si Belle at akmang aalis na pero nagtaka ako nang bigla itong humarap ulit sakin.

"Wha—,"

Thump. Thump. Thump.

"Bye-bye, Rina Babe! Take good care of my spoon!" and then she dashed somewhere.

Napatingin ako sa ice cream at kutsara na inilapag nya sa katabi ko matapos nya akong halikan.

"Girlfriend mo?"

That voice!

Agad na nilingon ko ito. And right there. Nakita ko sya. Nagtagpo ulit kami ng nagmamay ari ng tsokolateng kayumangging mga mata.

"Watanabe."

Tumaas ang makapal na kilay nito. "Kilala mo ako, miss?"







—————

GLAD YOU CAME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon