"Oh," kinuha ko ang inabot nya sakin na Gatorade na kulay blue.
Alala ko, ito ang pinapainom ng lola ko kapag may LBM ako o may sakit. Ewan ko anong rason pero palagi nya ako binibilhan nito.
Nandito kami ngayon sa kung saan ko sya nakausap nung nakajersey lang sya, sa bench rin na iyon kami nakaupo ngayon, dito nya ako dinala.
"Salamat," binuksan ko ang lid ng inumin bago uminom doon. Nakakauhaw din ang sarap ng mga street foods.
"Ngayong taon lang naging kami," napatigil ako sa pag inom. "Siya yung unang babaeng sineryoso ko, Prido." Nanahimik lang ako at nakinig. "Walang kulay yung mundo ko nung hindi pa sya dumadating, wala namang kulang sakin eh, sa pamilya, sa kaibigan pero ramdam kong may kulang."
"Nung dumating sya, naging makulay ang buhay ko. Napuno ng sigla. Cheesy pakinggan pero seryoso at totoo. Mahal ko siya, Prido. Mahal na mahal ko ang taong yun. Pero hindi sapat ang mahal ko siya para manatili siya sakin. Iniwan nya parin ako. Ang sakit parin."
Napatitig ako sa mga mata nyang nasa harapan lang ang tingin. Walang luha. Walang emosyon. Ganon ba talaga kasakit ang nararamdaman mo para maging manhid ka?
"Sa internet lang kami nagkakilala, taga rito lang din sya pero hindi kami nagkakaroon ng tyansa na magkita sa personal kasi madami syang rason para mapost-poned lahat. Hindi ako naghinala ng kung ano non at pinagkatiwalaan lang sya."
"Pinaramdam nya saking mahal nya ako at kontento ako d'on, Prido. Basta ba't mahal nya ako, okay na ako d'on sa kung ano ang ibibigay nya sakin. Pero nung third month namin," huminto si Watanabe sa pagkwe-kwento saka tinignan ako, mata sa mata. "Nalaman kong may boyfriend pala siya,"
Gaya kay George. Pero sa kaso ni George, girlfriend iyon.
"Nadurog ako n'on," binalik nya sa harapan ang paningin nya. "Sobra sobra. Hanggang ngayon ata durog pa rin ako, Prido." mapait syang ngumiti. "Hindi ko alam kung anong kulang sakin, kung anong meron sa kanya na wala sakin."
"Etits, Watanabe. Iyon ang meron sya na wala ka." pagbibiro ko sa kanya saka tumawa ng malakas. "Lah, gagi! Ang sakit non ah!" hinimas himas ko ang parte kung saan nya ako kinurot. "Totoo naman kasi!"
"Oo nga, iyon ang wala sakin pero iyong—argh! Bahala ka nga dyan. Tss." napatawa nalang ako saka tinapik sya sa braso.
"Kwento ka na, binibiro ka lang eh. Naiiyak ka kasi," panloloko sa kanya.
"Tss." reaksyon lang niya bago sya nagbuntong hininga. "Iyon nga, pagkatapos non tinanong ko sya kung minahal nya ba ako. Pero hindi sya sumagot. Umiiyak ako n'on habang katawag sya. Sobrang sakit yung naramdaman ko n'on."
"Nagmakaawa pa ako sa kanya na ako ang piliin nya, Rina. Ang pathetic ko lang." tumawa ito na para bang joke iyong sinasabi nya.
Napailing ako bago tumingin sa harapan namin. Ang dagat at ang langit na tila nagkakaisa dahil sa kadiliman. "Nagmahal ka lang, Yubi."
"Nagpakatanga, oo."
"Nagpakatanga ka kasi nagmamahal ka, wag kang maging harsh sa sarili mo. Wala kang mali na nagawa, ang mali mo lang talaga sa part na yun ay wala kang tinira para sa sarili mo." ramdam ko ang pagtitig ni Watanabe sakin pero nagpatuloy ako sa pagsalita. "Kung tinirhan mo ang sarili mo, siguro out of 100% siguro, nasa 1/8 lang tinira mo."
"Dahil mahal ko sya,"
"Kung talagang mahal mo sya, papakawalan mo sya." nilingon ko si Yubi na halatang nagulat sa paglingon ko sa kanya. I smiled at her. "Yun ang totoong pagmamahal,"
