"Rinaaaa," naiiyak na tawag ni Janice na nakatingin sa akin, akala nya ata galit ako sa kanya.
Tumawa ako saka tinapik sya sa balikat. "Hindi ako galit sayo, Jan."
"Kay," napalunok sya. "Yubi?" agad na umiling ako sa sagot nya. "Bakit?" tila nagulat sya sa sagot ko.
Kita mo, natatakot syang galit ako sa kanila ng kaibigan nya pero nung sinabi kong hindi nagugulat pa at nagtatanong kung bakit.
Ngumiti ako ng malungkot sa kanya. "Maliban sa isang mukhang paa na kilala ko, hindi ko kayang magalit ng matagal. Kailangan ko lang ng paliwanag, Jan, maiintindihan ko naman eh."
"Rina," kung kanina naiiyak sya, ngayon may kasamang paghikbi na ang pagtawag nya sakin kaya natawa ako. Inalo ko sya. "Dapat magalit ka kay Yubi diba?" umiling ulit ako.
"Gaya ng sabi ko, hindi ko kayang magalit ng matagal." sabi ko saka hinagod ang likod nya kasi grabe na ang pagiyak nya.
"Sorry, Rina." mas lalong humikbi sya kaya natawa nalang ako. Ang cute nya umiyak, paiyakin ko to lagi.
Niyakap ko sya and told her it's okay. Na ayos lang ako. But deep inside my heart is tearing apart. Ang sakit.
Bakit mo nagawa sakin yun, Yubi? You gave me false hope.
"Hindi ka okay," hikbi pa rin ng hikbi si Janice. "Alam kong nasaktan ka, pero hindi naman natin sure kung totoo ngang sila."
"What do you mean?" binigay ko ang paper towel na binili ko kela tinderong kapitan kay Janice na tinanggap naman ito.
Umiling lang si Janice. "Pwede bang bigyan mo ng chance na mag explain si Yubi, Rina?" dahan dahan ang bigkas ni Janice sa pangalan ni Watanabe.
Tumango ako saka ngumiti sa kanya. Kailangan ko din malaman bat nya ginawa iyon, tatanggapin ko lahat ng kahit anong explanation basta galing sa kanya. Mula sa kanya. "Oo naman," pero agad napawi ang ngiti ko ng bigla nalang umiyak ng malakas si Janice.
"Rina," ngawa nya pa saka niyakap ako ng mahigpit.
"Hoy, gaga. Yung sipon mo!" natatawa kong itinulak ang mukha nya palayo sakin pero nakayakap talaga sya sakin.
"Rina, huhu." umiiyak parin talaga sya. Tawa lang ako ng tawa. On another thought hindi ko nalang sya papaiyakin, magiging basahan pa ako.
"Oo na nga, tama na nga eh. Puno na ako ng sipon." marahan kong inagaw ang braso ko kay Janice.
"Prido," tila ako binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang boses nya. Dahan dahan ko itong nilingon.
"Watanabe," tawag ko dito pero ang mga mata nito ay wala sakin. Kundi nasa braso ko kaya nagtatakang napatingin ako sa braso ko.
"Bitawan mo si Rina, Jan." dahan dahan pero may kumpyansang sabi nya. "Bitawan mo, Jan."
Binigyan ko ng ngiti si Jan na dahan dahang binitawan ang braso ko. "Ayos lang ano ka ba," tinapik ko ang braso ni Janice na nagpupunas ng mukha nya gamit nung paper towel na bigay ko.
"A–alis na muna ako," tumango ako saka ningitian ulit si Janice. "Rina, yung sabi ko ah?" paalala nya na sa tingin ko ay about kay Watanabe.
Tumango ako saka muli syang ningitian. Isa syang mabuti na kaibigan. "Yeah, layas na nga." birong itinulak ko sya na ikinatawa nya.
Tumango lang si Janice kay Watanabe at ganon rin sya kay Janice. Saka nakapamulsang nilagpasan ni Janice si Watanabe. Halatang may gap sa kanila.
"Bakit mo sya hinahayaan na hawakan ka nya?" tinignan ko si Watanabe na walang expression na nakatingin sakin.
