Alas dos na ng tanghali natapos ang meeting ng Chemistry 16 namin with Professor Labadan.
First meeting na first meeting, nagpasagot agad ito sa white board. To test our knowledge about his subject.
Out of 10? I just got 4.
Ang gaan sa pakiramdam. As in. Sobra. Please someone notice my sarcasm. Sobrang b-obo ko sa Chemistry, nangongopya lang naman ako noon sa top 3 namin. Bakit hindi sa top 1? Ang damot kasi non sa answer.
Yung tipong magtatanong ka kung naintindihan nya yung mga past topics para sana magtanong sa kanya kasi nga test nyo na, sasabihin nyang hindi nya alam pero kapag kuhanan na ng results. Almost perfect or perfect yung scores nya.
Nasa cafeteria ako ngayon. Mag isa. I didn't have the chance to make friends earlier, lectures and quiz at the end of the topic agad ang bungad ng bawat professors namin.
Parang pinipiga ang utak ko jusko. Lalo na sa Chemistry 16 na iyan.
Kung buhay pa siguro sya, paniguradong tatawag ako ngayon sa kanya. His voice lifts me up. Always.
Napahilot ako sa temples ko. Stressed ako. Can someone give me free snack please? Kahit yung lasagna lang na punong puno ng cheese na nakadisplay sa counter.
"Stressed?" naiangat ko ang tingin ko. And saw a guy holding a tray na may dalawang plate ng lasagna!
Please tell me the other plate is for me. I'd be happy to accept and devour it even if it had poison.
"Sort. I'm dying." madramang sabi ko kasi totoo naman, first meeting pa lang mamamatay na ako.
Natawa ang lalaki at biglang nilapag sa side ko ang isang plate ng lasagna tas ang isa naman sa side nya. "You know stress eating is kind of my thing," and then he winked at me kaya natawa nalang ako sa kanya. Mukhang ewan.
He is probably in early 20s. Base lang sa tindig at porma nito. Ang linis nya din tignan sa uniporme niya at sa haircut nya.
"BS in Psychology student ka rin?" I asked habang tinatangap ang inabot nyang tinidor.
Tumawa ito at tumango. His dimples are cute. "Magkaklase tayo sa Social Science I, Miss Paberecio."
"No way," nasabi ko nalang. "Bakit hindi kita matandaan?"
"Katabi mo nga ako eh." sabi pa nito. "Sinabihan mo nga ako na ang pangit ng pabango ko kasi ang sakit sa ilong." nahiya ako sa sinabi nya kaya nagpeace sign nalang ako.
Naaalala ko na siya. Siya nga iyong katabi ko kaninang second meeting. Sinabihan ko rin ito na he should go for perfumes na hindi masakit sa ilong. I even recommend Axe Chocolate Body Spray sa kanya.
Yung amoy kasi ng suot nyang perfume kanina parang herbal plant na ang sakit sa ulo. Its scent is almost the same with the perfume my Aunt Geraldine used way back 2013 ata.
"Sorry, joke lang mabango naman eh." I awkwardly laughed as I dug the fork into the lasagna. "Ignorante ilong ko."
"Pfft." at natawa na nga ito. "It's fine, I'm not offended. Really. At least you told me the truth diba?" ningitian nya ako kaya lumabas ang dimple nya. Ningitian ko din sya.
Kapag alam kong totoo ang ngiti ng isang tao, nahahawa agad ako.
"Honest kasi ako, thank you dito ha? As in. Gutom at pagod na talaga ako." maiyak iyak na sabi ko habang snilice yung lasagna gamit yung tinidor. Sheemay! Cheese!
Sumubo ito ng lasagna. "Pansin ko nga kanina na sobrang sama na ng timpla ng mukha tapos panay sulyap ka pa sa wall clock na nasa may pintuan." tawa na sabi nito habang ngumunguya.
"Ang bagal ng oras jusko," reklamo ko bago sumubo ulit ng lasagna.
"Pinapansin mo kasi," muling tawa nito. May katangi-tangi tungkol sa kanya, pero hindi ko mapinpoint.
"Ballet Paberecio's the name, you are?" pagtatanong ko sa kanya nang maalala kong alam nya ang surname ko pero di ko alam ang kanya.
"Kilala na kita, Miss Pabrecio. Gabriel Ajay T. Bagares ang pangalan ko pero Ajay is fine."
"Bakit mo alam?" takang tanong ko. Alam kong hindi ko sya naging kaklase noon, for sure. I also don't give my name to a random stranger.
"Kanina nung nagqui-quiz tayo, diba natangay ng hangin ang paper mo? Ako yung kumuha?"
Tumawa ako. "Ay, akala ko stalker kita." natawa na din sya sa sinabi ko. "So, bakit ito kinuha mo?" tanong ko.
"Yung BS in Psychology? Kasi gusto ko maging doctor, Miss Paberecio." ngiting sagot at sabi nya sakin.
"Cut the Miss Paberecio, Ajay. Rina nalang," sumubo ako ng dalawang beses bago uminom ng tubig sa tumbler ko.
Pinunasan nya ang bibig nya ng tissue, ubos na kasi ang lasagna nya. "You're name is unusual, tapos yung Rina ang layo pa sa pangalan mo. Second name mo ang Rina?" umiling ako.
"Ballet Josephina Paberecio ang buong pangalan ko. Wala akong middle name, I used my grand dad's surname."
"Oh," tumango tango ito pero biglang ang mga mata nito ay biglang napatingin sa likod ko, Ajay then said something pero hindi ko narinig kasi medyo mahina.
Sinundan ko ang tingin nya at nakitang nakatingin sya sa kakapasok lang na si Erich, pero may kasama ito. Dalawang lalaki parang milo at gatas dahil sa kulay ng balat nila at isang babae na mukhang mataray.
Siguro nagandahan si Ajay kay Erich. I couldn't blame him. Sobrang ganda ni Erich, mala artistahin ito.
Sophisticated. Classy.
Iyan ang dalawang salita na madedescribe kay Erich.
Erich roamed her eyes, until they met mine. May sinabi sya sa mga kaibigan nya saka itinuro ang gawi ko. Umalis ang morenong lalaki at mataray na babae, tapos si Erich at yung maputing lalaki ay naglakad palapit samin.
"Kilala mo si Erich Yañez?" surprised na tanong ni Ajay sakin. "Bakit hindi mo sinabi?"
"Nagtanong ka ba?"
"Pilosopa mo naman," nilagay nya sa dibdib nya ang kanang kamay nya. "Nahurt ako, bhie." natawa ako.
"Totoo naman eh, pano ko sasabihin? Sasabihin ko ba na hoy, kilala ko si Erich Yañez omo ganon?" tawang tawa sya sakin, hawak pa nito ang tyan nya.
"Paberecio," napalingon agad ako sa kanan ko dahil sa biglang may bumulong sa tenga ko.
Chup.
Para akong nalagutan ng hininga. "Ba—bakit ka nandyan?!" bulyaw ko sa ponchong pilato na katabi ko.
Jusko, Watanabe yung puso ko!
