Halos tatlong araw na akong walang maayos na tulog matapos iyong sinabi ni Yubi, matapos nyang sabihin na gusto nya daw ako.
"Gusto kita, Ballet." tila huminto ang puso ko ng marinig ko iyon. "Gusto kita," napalunok ako ng dis oras.
"Gusto ko din si Ri—aray naman, Erich! Bat ka ba nambabatok?" napalingon ako sa gawi ni Belle at nakitang katabi si Erich na sa tingin ko ay bagong hilamos.
"Gusto mo mukha mo, ang dami mo namang gusto, Belle. Una, si Kaolin. Sunod ako, tapos ngayon si Rina na naman? Ang daming gusto." si Erich.
"Pake mo ba? Eh gusto ko kayong tatlo bakit? Bawal ba?" hinihimas ni Belle ang sa tingin ko ay binatukan ni Erich. "Sakit ah,"
"Kapag nakita mo siguro si Dakota at Clare, gusto mo din iyon."
"Ballet," napatingin ako kay Yubi na nakatingin sakin. "Gusto kita, pero mahal ko pa rin sya. Bigyan mo ako ng konting panahon pwede?"
"Naalala mo na naman crush mo ano?" napalingon ako at nakita si Jackie na nakangising nakatingin sakin.
Ngumisi ako sa kanya. "Kasama mo kahapon crush mo, Jackie?" nawala ang ngisi sa mukha nya at namula ang buong mukha nya kaya natawa ako.
"Enebe ehe," pabebe na nilagay nya sa tenga nya ang ilang strand ng buhok nya at halata sa mukha nyang kinikilig ito. Panigurado naaalala si Ajay.
Speaking of Ajay, panigurado kasama non si Belle na lagi syang kinakawawa at pinagtritripan. Sila madalas ang laging nagkakasama, naghahanap ng mga chikababes at boylet daw.
Kasulukuyan kaming may ginagawang seat work, absent ang lecturer namin dahil may importanteng pinuntahan daw ito at nagiwan lang ng seatwork.
"Paberecio!" napalingon ako sa kung saan nanggagaling ang boses at nakita ang kaklase namin na iniwan na in-charge samin, nasa may pintuan ito ng room.
"Yes?" tanong ko at tumayo saka lumapit sa kanya nung kinaway nya ako para lumapit sa kanya. "Ano yun?" bungad ko sa kanya.
"May naghahanap sayo," ang sabi lang nito saka itinuro ang labas ng room. Nagthank you lang ako sa kanya saka sumilip sa labas ng room kung sino ang naghahanap daw sakin.
"Hi," bati ng magandang babae na siguro ay kaedad ko lang. "Ikaw ang pinsan ni Richie?" ngiting tanong nya sakin. Richie? Si Erich?
Ang ganda nya.
"Ako nga, bakit?" tanong ko.
May inilabas syang eco bag na kulay red, may laman ito na sa tingin ko ay notebooks. "Pinapabigay ni Richie, hindi nya kasi mabigay sayo kasi may quiz sila ngayon." napatango ako.
"Thank you," ningitian nya lang ako saka tinalikuran ako at naglakad na siya paalis.
Tinanaw ko lang sya. Bagay ang uniporme na suot nya. Sa tingin ko sa Journalism Department. Babagay din sa kanya iyon kasi mukha syang matalino.
Girly and simple.
Iyon ang salitang madedescribe sa kanya, maaliwalas ang mukha nya pero halatang medyo distant sya sa tao. May mga pader rin syang nakaharang. Ang ngiti nya rin halatang may tinatago.
Belle.
Kaparehas sila ni Belle. Pati na rin ng aura nilang dalawa pero mas mabigat ang sa babaeng tinatanaw ko.
"Ballet," napalingon ako at nakita ang seryosong si Yubi na nakatingin sa eco bag na hawak ko ngayon. "Ano yan?"
Ibinuka ko yung eco bag at pinakita sa kanya. "Notebook, pinadala ni Erich. Bakit?" umiling lang sya. "May kailangan ka ba sakin o napadaan ka lang?" nagtaka ako ng muli syang umiling.
"Dumaan ako," tapos biglang may inilapat sa mukha kong malamig. Kinuha ko ito sa kanya. Coke Zero in Can. "Para sayo."
Th—ump. Th—ump. Th—ump.
"Walang lasa to, Watanabe." sabi ko pero binuksan ko parin ito saka ako uminom doon. Libre to.
"Walang lasa pero ininom mo pa rin? Wow ha," nakangiti siya habang amused na nakatingin sakin.
"Bigay mo sakin eh," saka muli akong uminom sa coke. "Thank you, dumaan ka lang para dito?" tumango sya.
"Baka kasi nauuhaw ka, hindi ko naman alam kung ano ang gusto mo inomin." napatango ako sa sinabi nya. "Hindi ka naman mukhang mahilig sa sobrang matamis gaya ni Belle,"
"Mahilig din ako sa matamis, pero paminsan minsan lang dapat. Baka magkadiabetes ako eh." sabi ko.
"Mauuna na ako, Baby, ha?" tila nagskip ng tibok ang puso ko dahil sa tinawag nya sakin.
"Ayan ka na naman sa kaka-baby mo, Watanabe." napabuntong hininga ako. "Hindi ako sya gaya ng sinabi mo nung nakaraan, Watanabe." natahimik sya ng ilang segundo. "Salamat pala dito," ningitian ko sya bago sya tinalikuran at pumasok na ulit sa loob ng room. Tingin nya ba kapani-paniwala iyon? Matapos nya sabihin iyon nung nakaraang araw, biglang may gusto na sakin? Ano daw? Hakdog. Pinagtritripan na naman siguro ako.
"Ayos ka lang?" tanong ni Jackie sakin pagkaupo na pagkaupo ko. "Sino yun?"
"Friend." ningitian ko si Jackie saka inilagay ang eco bag sa loob ng bag ko at ang can naman ng Coke Zero ay inilagay ko sa pocket na nasa gilid ng bag ko.
"You don't look okay, gurl." alalang sabi ni Jackie sakin. She held my left hand and slightly squeezed it. "Nandito lang ako ha?" tumango ako.
"Thank you, Jacks." ningitian lang nya ako ulit saka bumalik na sa kakasagot ng seatwork namin.
Napahawak ako sa dibdib ko at napabuntong hininga.
Don't expect. Don't assume. And don't demand. Iyon ang itinuro nya sayo, Ballet. Tandaan mo lagi, kung hindi ikaw ang kawawa at luhaan sa huli.