(B)

17 2 3
                                    










"Pabili nga, dalawang litrong coke." agad na sabi ko sa lalaki na bantay ng tindahan. At nilapag ko ang 100 pesos at bote.

"Mahal ko siya," napalingon ako sa isang gilid at nakira ang isang grupo na nagiinom. Emperador. "Hinihintay ko siya, p're."

"Hindi ka niya mahal, ano ba." parang naaasar na sabi ng baklang may kulay ang buhok. "If she loves you, hindi ka niya iiwan ng walang rason."

Hindi ko alam na sa panahon ngayon ay uso pang ma-heartbroken at ma-ghost. It's funny how some people do not value the people who love them and devote their lives to them. But at the same time, it is scary having someone who loves you and devoting their life to you.

"Miss," naibalik ko ang paningin ko sa harapan. Sa tindero na nilalapag ang dalawang litro ng Coke. "Ngayon lang kita nakita dito ah, kilala ko ang lahat ng taga dito sa barangay ko." maangas na sabi pa nito sakin na ikinataas ng kilay ko. Barangay nya? Kapitan sya dito? Ang bata naman nyang kapitan.

Yabang ng asta. Kala mo sino.

"Tapos?" nangunot ang noo ng tinderong kapitan sakin. "Ikaw ba ang kapitan dito, sir?" diin ko sa pagbigkas ng salitang sir. "You look too young and good-looking to be a barangay captain."

"Ha-?" parang nagulat pa ito sa sinabi ko.

Magsasalita sana ulit ako ng biglang lumabas si Erika sa pintuan na pinasukan ng tindero kanina, nasa loob sya ng tindahan.

"Babe, tawag ka ni-,"nanlaki ang mga mata nya ng makita ako. "Ri-Ate? An-ano ang ginagawa mo dito?" Ate? That's new.

"Naliligo. Obvious ba?" pamimilosopo ko sa kanya. "Natural bumibili, tindahan to eh. Ikaw, anong ginagawa mo dyan sa loob? Boyfriend?" tukoy ko sa tinderong kapitan na binibigyan kami ng weird looks ni Erika.

"Babe, yung Ate ko. Si Ate Rina," pakilala nya sakin sa tinderong kapitan. "Ate, si Mason. Bebe ko pero di nya ako bebe. It's complicated."

Napataas ang kaliwang kilay ko. Luh. Meron bang ganon? Bebe mo pero di ka nya bebe? Ano yun? Parang one sided love ganon? "Hindi ako informed na mahilig ka sa mga," tinignan ko ang tindero at tinignan ito mula ulo hanggang paa. "Barangay captain."

"Barangay captain?" nagtatakang tanong ni Erika. "Ano ang ibig mo pong sabihin?" napangiwi ako dahil hindi ako sanay na magalang si Erika.

Ginagalang nya ako for the first time, it feels weird. End of the world na ba?

"Hindi ko alam na may Ate, Rika. Bagong salta ba yan dito?" tanong ng tindero kay Erika pero ang paningin nya nakafixed lang sakin.

"Hindi ko alam na ang trip mo pala ay mga barangay captain, Erika." sabi ko pero nasa lalaki lamang ang paningin ko.

"Barangay captain? Huh?" nagtatakang ani Erika kaya natawa nalang ako. "Ba't mo ko pinagtatawanan? May nakakatawa?" biglang pagtataray niya sakin.

Ngumiti ako kay Erika. "Yung mukha mo kasi ginawa mong canvas, madami akong canvas na di ko pa napipintahan. Pwede ka namang humingi sakin, hindi naman ako nagdadamot."

"B-itch. Tawag nito make up! MAKE UP!" biglang sigaw nya na mas lalong nagpatawa sa akin, nangunot ang noo nya dahil dun and then later para ata syang napaisip at napatingin sa katabi nya. "Ay, Babe, si Ate kasi. Parang tanga kasi." pagpapalusot nya sa bebe nya.

"Bago ka dito, hija?" napalingon ako sa kung saan nanggaling ang boses at nakita ang isang babae na siguro ay nasa mid 30s nya. "Ngayon lang kasi kita nakita dito, kapatid ka ni Erika?"

"Ah, opo at hindi po. Pamangkin po ako ng mama ni Erika, bale nakababatang pinsan ko po si Erika." magalang na sagot ko sa kanya.

"Si Esmeeng? Ikaw yung pamangkin ni Esmeeng na lumipat dito nung nagdaang tatlo na buwan? Aba'y bakit ngayon lang kita nakita ditong lumabas, hija?" kuryos na tanong nito saakin, tiyak akong baka kumare ni Tita Esmee ito.

Sasagot sana ako nang naunahan ako ni Erika. Sya ata yung tinatanong eh. "Broken kasi yan, Ninang. Nagmumukmuk kasi."

"Broken? Aba'y keganda mo namang bata tapos sinaktan ka ng nobyo mo? Tsk tsk. Wala talagang pinipili ang mga manloloko ngayon diba, mga chung?" biglang baling nito sa grupo ng mga kaedad ko lang siguro na nagiinom, 'yong nagiinom ng Emperador. Ngumiti nalang ako. Hindi dahil sa tama sya, kundi nakakatamad magexplain at magkwento ng nangyayari sa buhay ko.

"Iinom mo nalang yan, Ate." biglang sabi ng babae na sa tingin ko ay kaedad lang ni Erika. Isa sya sa nagiinom. "Tagay?" she raised a glass na sa tingin ko ang laman ay Emperador.

Agad ko siyang inilingan. "Salamat, pero hindi ako umiinom ng alak."

"Wine kasi iniinom ng Ate ko, Issa. Hindi yan umiinom ng mga ganyan gaya natin na pwedeng dalhin kahit saan dahil hindi maarte." sabi bigla ni Erika.

Tinignan ko si Erika. "Umiinom ka ng alak?" kunot noong tanong ko. Aside from knowing na strict type of a parent si Tita Esmee at pinagbabawalan sila ni Erich na uminom ng alak hangga't di pa naglelegal age, wala sa mukha ni Erika na umiinom sya ng alak. "Kailan pa?" muling tanong ko.

"Simula nung nag grade 7 ako,"diretsa na sagot ni Erika sakin. Walang pagaalinlangan. "Don't tell Mommy," mahinang sabi nya pero sakto lang para marinig ko. For sure kapag nalaman ni Tita Esmee na nagiinom sya, hindi na siya makakalabas ng bahay. Tiyak akong magagalit yon.

Tinitigan ko lang si Erika ng ilang segundo bago kinuha ang sukli at kinarga ang dalawang bote ng litrong Coke. "Just don't get caught, wag mo lang din idamay ang pangalan ko. Una na ako, umuwi ka na din bago mag alas sais. Rinig ko uuwi si Tito Anton eh." sabi ko kay Erika and turned my back at her. "Una na po ako," pagngiti ko naman sa kakilala ni Tita Esmee at umalis na ako't nagtungo pauwi.

Nadaanan ko yung nagiinom, ang tahimik nila. I felt their eyes staring at me pero hindi ko nalang sila binigyan ng pansin, hindi naman sa nagfefeeling maganda ako o ano. I just felt exposed, dala siguro ng pagkukulong ko ng tatlong buwan sa bahay nila Tita Esmee.

"Hindi ko alam na may pinsan ka pala na mas maganda sayo, Erika. Type ko. Reto mo naman ako sa kanya oh."

"Siraulo," rinig kong pagtawa ni Erika. "Hindi sya pumapatol sa lalaki, Troy."

"Luh, tomboy sya? Nagjojoke ka?"

"Baka nakikiuso lang? Like you know, madaming nakikiuso na bisexual din sila kasi yun ang uso."

"Pumapatol naman ang bisexual sa lalaki, Ri! Reto mo na kasi ako, papatinuin ko yung pinsan mo."

"Hindi mo yun mapapatino, Troy. At correction hindi sya bisexual, lesbian yung pinsan ko."






-----

GLAD YOU CAME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon