Nagsalubong ang kilay ko nang makita ko si Yubi sa labas ng room kung nasaan ako, sumisilip pa ito. Halatang may hinahanap.
"Class dismissed, see you next meeting." pagkasabi na pagkasabi ni Professor Levinson non, nagtayuan yung mga kablockmates ko saka nagpaunahan sa paglabas ng room.
Napailing nalang ako saka inayos ang mga gamit ko bago nilagay sa loob ng bag ko. Last meeting ko na ngayon for the day, hindi na kami magkaklase ni Ajay kasi iba yung schedule nya.
"Ballet Paberecio," napalingon ako at nakakita ng isang babae. "Iyon ang pangalan mo diba?" tumango ako. "Jackie Guzman ang name ko."
"Hi, Jackie. Do you need anything?" tanong ko sa kanya habang zinizipper ko ang zipper ng bag ko.
"Um, close kayo ni Ajay?" nahihiyang tanong nito habang umiiwas ng tingin sakin. Someone's got a crush.
"Not really. I just met him earlier, why? Crush mo?" napangiti ako when I saw her eyes widen at sobrang bilis na pagiling nya.
"Hi–hindi po!" ang tinis pa ng boses nya. Halatang defensive. "A–no lang," may namumuo pang pawis sa noo nya. "Gusto ko lang sana itanong na ano," kinakamot na nya yung batok nya.
Napatawa ako ng mahina. "Na ano?"
"Na ano, kung pwede po bang ibigay mo ito sa kanya?" may inilabas siya maliit na envelope na kulay pink. "Kung pwede?"
Ang girly ng kulay. May heart heart pa itong shapes na kulay read. Wala ding kusot. Halatang iningatan nya talaga ang pagdala sa letter.
I looked at Jackie. Nakaiwas ito ng tingin sakin at yung namumuong pawis sa noo nya ay tumutulo na. Namumula din ang pisngi at tenga nito.
Napailing nalang ako at tinanggap ang sulat. "Okay, sure. No problem. Ito lang ba?" pagngiti ko sa kanya.
Mukha syang nakahinga ng maluwag at ningitian ako. "Opo, salamat po, Miss Ballet Josephina Paberecio." napangiwi ako.
Full name talaga?
"Rina nalang, cut the Miss and the full name. You make me sound old." tawa na sabi ko saka tinapik sya ng tatlo sa balikat nya. "Sabihin ko din ba na made with love ito?" mas lalong namula ang mukha nya at itinago yung mukha nya gamit ang mga kamay nya kaya napatawa nalang ako.
"Rina, naman eh!"
"Joke lang eh, ito naman." isinukbit ko yung bag ko sa balikat ko saka hinarap ulit sya. "Maaasahan mong Ajay will receive the love letter you made. Ciao!" at naglakad na ako paalis.
"Thank you!" pahabol na pasalamat nya, tinaas ko lang ang kanang kamay ko and gave her a thumbs up.
Tinitigan ko ang letter na hawak ko. The last time I made such letter eh buhay pa sya.
I hope masaya sya sa kung saan man sya ngayon napadpad.
"Baby," muntikan kong masuntok ang kung sinong ponchong pilato na bumulong sa tenga ko. "Chill!"
Pinanliitan ko sya ng mata. "Chill?! You almost gave me an heart attack, dummy!"
"Sorry na po, mahal na prinsesa, hindi ko naman po alam na magugulatin ka pala." inayos nito ang strap ng bag nya na nakasukbit sa balikat nya. "Tara?"
Tinaasan ko sya ng kilay. "Anong tara?"
"Let's go?" patanong na sabi nya pero passive lang ang mukha nya. Her eyes doesn't show any emotions at all. Dull. Empty. Lifeless.
"Trinanslate mo lang sa ingles ang pag aya mo," naiiling na sabi ko saka nauna ng maglakad sa kanya. Kailangan ko pa hanapin si Ajay.
"Saan ka pupunta? Hindi ka pa uuwi?" pagsunod ng isa sakin. Ano ba ang kailangan nito?
"Hanap. Ajay." pagsagot ko nun ay naramdaman ko nalang na hindi sya nakasunod sakin kaya huminto ako at nilingon ang likod sya. "Oh?"
Walang kaexpression expression ang mukha nya. Nakatitig lang sya sakin. "Wala," sagot nya kaya tumango lang ako saka maglalakad na sana paalis when she talked again. "Akala ko kasi ako ang crush mo, ako yung nandito pero yung lalaking yun ang hanap mo."
Th–ump. Th–ump. Th–ump.
Nilingon ko sya. My lips formed into a thin line. "Nalipasan ka ba ng kain? O sadyang nakakain ka kanina ng cheese?"
"Tss." Watanabe crossed her arms. "Katabi mo ako kanina pero hindi mo man lang nakita na kumakain ako kanina at inaalis ko yung cheese sa pizza? Wow."
"Nagseselos ka ba?" salubong ang kilay na tinanong ko sya. Ano ba problema ng isang to?
I heard her scoff. "Bakit naman ako magseselos? Kanino naman? Walang rason para magselos ako."
Tumango tango ako. "Oo nga, kung wala naman palang rason then why are you acting like that?"
"Nagtatanong lang ako."
"Bakit ka nagtatanong?"
"Bawal na ba magtanong?"
"May sinabi din ba akong bawal?" nagtitigan kaming dalawa.
Umabot ng ilang minuto bago sya nagiwas ng tingin. "Hindi ako nagseselos, Paberecio."
"Your actions ain't convincing." bigla nya akong tinignan sa mga mata ko. She looked into my eyes intently.
"Hindi kita gusto kaya bakit ako magseselos?" napahugot ako ng hininga ko, sobrang intense ng pagkakatitig nya sakin. "Hinding hindi kita magugustuhan, malayo kitang magugustuhan. Hindi ka sya."
Breathe, Ballet. Breathe.
May sariling isip ang kamay ko, pero napigilan ko itong gawin ang gusto nito. "Hindi nga ako sya, problema mo ba?" my question sounded like a hiss.
Natahimik kami ng ilang segundo, nagtitigan lang kami. Nang bigla syang yumuko. "Sorry."
Tumalikod nalang ako sa kanya at naglakad paalis. Iniwan ko sya don. Ano ba kasing problema nya? Nananahimik ako dito tas manggugulo sya? Siraulo.
Pakealam ko ba sa taong yun? Nasaktan lang ako kasi ramdam kong parang kinukumpara ako. Tang-inang yan p-ucha.
"Rina Babe?" napalingon ako sa gilid at nakita si Belle na may dalang mga libro na siguro nasa anim. "Ayos ka lang?" ningitian ko sya.
"Yeah. Ayos lang. Tulungan na kita," aangal pa sana sya pero nakuha ko na ang tatlong libro sa kanya. "San mo ba to dadalhin? Bat ikaw ang nagdadala?"
"Sa library, isasauli ko. Hiniram ko kasi yan," ningitian nya ako. Ang cute nya talaga ngumiti fudge. "Mahilig kasi ako magbasa, ang ganda lang ng mga art ng mga authors!" magiliw na sabi pa ni Belle habang nagsisimula na maglakad kaya sinabayan ko sya.
"May quote ka ba para sakin?" ngiting tanong ko sa kanya.
Belle gave me a side glance with a sweet smile in her lips. "Meron."
"Talaga? Parinig nga," interesadong sabi ko sa kanya.
"Sure!" Belle cleared her throat before continuing. "Amit Ray, Walking the Path of Compassion." introduce nya sa author at gawa nitong libro, nilakihan nya pa ang boses nya kaya napatawa ako. "Beauty is the moment when," Belle looked at me and then gave me a heart stopping smile. "Time vanishes and eternity arises."