Tinapik ko sila ng apat na beses sa balikat saka sila ningitian. "Don't worry. Lahat ng sekreto nyo, safe lahat ng iyon sakin."
"Salamat, Rins." nakangiting sabi niya sakin saka tinignan si Ajay na mapupungay ang mga mata na di ko alam kung new norm nya iyon o naiiyak lang talaga sya.
"Rina," pagiyak ni Ajay saka niyakap ako ng mahigpit. "Salamat."
"Anong salamat?" kumalas na kami sa yakapan namin. Kinuha ko ang panyo na nasa bulsa ko saka ipinunas iyon sa mga luha nyang nagsisibagsakan. "Hindi mo kailangan magpasalamat sira. Kaibigan kita. Tsaka isa pa, diba sabi ko nung una pa lang na alam ko ang sekreto mo?" pangiti ko sa kanya.
"Bakit mo naman nalaman agad?" tanong ni Ajay na pinupunasan ang mukha nya gamit ang panyo ko.
"Yung pabango mo hindi masyadong maamoy pero pangbabae," namula si Ajay saka natawa naman si Leo.
Leo John Doydora.
The man Ajay is currently dating. Akala ko nga nung una si Erich ang subject of interest nya at pinagmamasdan sa malayo, si Leo pala.
"Bawal na bang mag pangbabaeng perfume ang lalaki?" depensa pa ni Ajay na ikinatawa namin ni Leo. "Bat nyo ako pinagtatawanan? Hmph." tila nagtatampo pa ito. Naiiling nalang ako habang si Leo naman ay hinawakan ang kamay ni Ajay and then intertwined their hands.
Ito ang tinatawag na sana all.
I was with George and Erich, hinihintay namin sila Timothy at Ota pero on our way to the meeting place, I noticed some familiar faces. I stopped in my tracks and stared at the couple.
They were at a jewelry shop. Smiling at each other while their hands were intertwined, then I noticed a shiny thing in their ring finger. That's where I came to an conclusion earlier that they are dating. They bought a ring, they were smiling at each other while holding hands.
Kulang nalang siguro na magkaroon ng romantic instrumental music to set the mood. They compliment each other. Bobo nalang siguro ng titingin kung napagkamalan parin silang magkaibigan.
Hindi ko naman planong e-confront sila at hahayaan lang sila. They are both my friends, susuporta ako basta masaya silang dalawa sa naging desisyon nila. Pero nung I decided na magpapatuloy na ako sa paglalakad ko, napatingin si Leo sa gawi ko na sinundan ni Ajay.
I swear they both look horrified. Tila sila binuhusan ng malamig na tubig kanina, Ajay lost the colors of his face while Leo just looked worried.
Kaya hindi ako umalis, instead I gave them a big smile and waved at them frantically.
Nagusap sila saglit bago lumabas sa jewelry shop, holding hands pa talaga. Kaya nung makalapit sila sa gawa ko agad silang natawa sa bungad ko.
"Sana all, when kaya?"
Iyon ang naging bungad ko sa kanila. Naiinggit ako sa kanila. May bebe time sila huhu. Ako wala huhu.
Hindi pa sila handa sa consequences na mangyayari kapag nalaman ng lahat, pati ng mga pamilya nila tungkol sa relasyon nila dahil parehas respetado ang mga magulang nila.
And both of them were set off to date someone's daughter. It's kind of sad. Ngayon pa lang may hadlang na talaga.
Nakipagkwentuhan muna ako kay Ajay, even joked them about me na magiging ninang ng baby nila. They were both fuming red but then told me na it's early for that pa daw for that, they wanna take things slow. I agreed.
Hindi pa sila legal, I bet Erich and the others didn't even knew. I was the first one to know that they are dating. They aren't ready but they did told me na soon ipapaalam nila sa mga kaibigan nila.
But then after a couple of minutes or so, nakareceived ako ng tawag mula kay Erich. Telling me na Timothy and Ota arrived na and I should hurry up. Hindi na daw maitim si Ota.
"I gotta go," sabi ko sa kanila habang tumatayo sa kinakaupuan ko. "Yung hinihintay daw namin dumating na,"
"Oh date?" umiling ako bilang pagsagot sa tanong ni Leo.
"Mga kababata lang namin galing sa probinsya," ngiting sagot ko.
"Ingat ka ha?" tumayo si Ajay saka hinalikan ako sa pisngi. Tumango ako saka maglalakad na sana nang may naalala akong dapat sasabihin.
"Ah nga pala," they were both waiting for what I have to say kaya napangiti ako. "Kung ayaw nyo pa talagang sabihin sa lahat, huwag kayo dito sa malapit lang magmall o magdate. Babush!" saka naglakad na ako paalis at tinahak ang daanan papunta sa restaurant na pagkikitaan namin.
I am so thrilled to see kung ano ang nagbago kay Ota sa 6 months na kasama si Timothy sa states.
Did she get bigger? Or is she payat na? 6 months ago bahagyang pumuti sya pero ganon pa rin ang katawan nya, chubby chubby.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng elevator, biglang may tumawag sakin. Napakamot ako ng ulo dahil napatingin halos lahat ng nakasakayan ko sa elevator. I smiled at apologize to them bago kinuha ang cellphone ko at tinignan kung sino ang tumatawag.
It was Watanabe.
Bakit naman ito tumawag? tanong ko sa sarili ko. She would just text me out of nowhere if she can call, and then if I replied with a yes saka lang sya tatawag. Pero bakit ngayon tumawag agad sya?
I cautiously answered the call and pressed the phone on my ear. "Hello?"
"Prido, I miss you. Hindi ka pa ba nakakauwi?" I felt my heart skipped a beat when I heard her voice.
"Hindi pa, minimeet pa namin sila Timothy eh." natahimik sya bigla. "Hello?" pagtawag ko sa kanya.
"Magiingat ka ha?" kalaunay sabi nya, napatango ako unconsciously.
"Nasaan ka ba?" napatingin ako sa floor level kung nasaan kami. This is my stop, kaya lumabas na ako. I also thanked the person na assigned doon before walking away.
"Kela," huminto sya ng ilang segungo bago nagpatuloy. "Sabrina,"
Napabuntong hininga ako. May kung anong kirot akong nararamdaman, ang bigat pa sa dibdib kahit hindi naman ganon kalakihan ang akin.
"A–ayos ka lang?"
"Hm, ayos lang, ikaw? Ayos ka ba?" I tried to make my voice sound okay. Ayokong magisip sya ng kung ano.
"Ayos ako basta ayos ka lang," her sugarcoated words made my heart picking up its pace.
"May kailangan ulit ang kaibigan mo sayo? Napapadalas punta mo dyan," I couldn't help but ask her.
Natahimik si Watanabe. "Kailangan nya kasi ako, Rina." she's at it again, calling me Rina.
"Ah, okay." I bit my lower lip. "I have to go, nakikita ko na si Ota." paalam ko nung matanaw ko sila Timothy at isang babaeng nakatalikod sa gawi ko, kaharap nito si Erich na sobrang lawak ang pagngiti.
"Ganon ba sya kaimportante para ibaba mo na ang tawag?" napapikit ako ng mariin and stopped myself from asking her the same question.
"They're my childhood friend,"
" Alam ko."
"Kasama ko si Erich."
"Alam ko."
"Galit ka ba?"
"Ala—hindi, sige na magingat ka nalang." I waited for her to end the call but what happened next left my heart a shock. "I'm falling, Paberecio. Are you falling too?"