Sinamaan ko ng tingin si Carter na ngayon ay binubuksan na sasakyan na ginamit nila Jackie, biglaan nalang kasi itong tumirik sa daan.
"He's gonna melt, Ballet." natatawang ani Nick na ngayon ay may bitbit na bag of chips. Kumuha naman ako dito saka padabog na sinubo lahat ang nakuha ko at ngumuya.
Malapit na kami sa Tagaytay, base sa sinabi ni Erich. We took a shortcut kaya imbis na 7 hours or so, nakulangan iyon.
"Matagal pa ba?" tanong ni Hannah habang sumisilip sa ginagawa ni Carter.
"I'm sorry, Hannah, what?" nalilitong tanong ni Carter kay Hannah. Hindi nga kasi ito nakakaintindi ng tagalog.
"Um–ano, is it—is it long?"
Agad na nagsihagalpakan ng tawanan kaming lahat dahil sa sinabi ni Hannah, maliban kay Nick at Carter na nagtatakang tumingin lang.
"B-obo mo, Hannah!" kantyaw ni Leo sa pinsan na si Hannah na umirap lang at itinaas ang middle finger nya para kay Leo.
"Is it gonna take long?" hindi siguradong tanong ni Jackie kay Carter na naiintindihan na kung ano ang dapat na tanong ni Hannah.
"Nah, it's actually–," sinira nya ang hood ng sasakyan. "Done," at kinindatan si Hannah.
Landi talaga ng lalaking ito. Napailing nalang ako saka bumalik sa loob ng sasakyan ni Nick.
"Ang ganda dito, Ate Letty!" iyon ang bungad ni Ota sakin pagpasok ko sa loob ng sasakyan.
Ako, si Nick, si Carter at si Ota ang nakasakay dito, may kanya-kanyang dala kasi na sasakyan gaya nila Leo, Jackie. Ang iba naman doon na sa Van nila Janice.
"Maganda naman kasi talaga dito, Ota. Lalo na sariwa ang hangin." sabi ko.
Tumango-tango naman si Ota bilang pagsang-ayon. "Sa Manila masyadong polluted, Ate Letty, ano?" tumango ako.
Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita ang ibang kasama namin na bumabalik na sa kani-kanilang sinasakyan.
Maliligo daw sa beach, tapos ako lang ang walang dala kasi ayaw na akong pabalikin ni Carter sa loob ng bahay kasi baka daw hindi na ako makababa ulit kasi panigurado daa na isasarado ko ang pintuan.
Hanggang sa linggo raw kami doon. Dalawang gabi at isang araw.
God, puyat na naman ako nito paguwi dahil sa mga seatworks ko.
"Ate, magkasize naman tayo." sabi ni Ota habang may hinahanap sa sling bag nya. "Nag dala ako ng madaming damit kasi sasama si Kuya Timothy, hanggang Wednesday kami doon kasi walang work si Kuya. Pwede ka naman maghiram sa akin." tumango lang ako sa kanya at ngumiti. Ayoko nga sabing sumama tss.
Bumukas ang pintuan ng driver's seat at passenger's seat. At pumasok sila Nick at Carter. Si Nick sa driver's at si Carter sa passenger's.
"Found her, at last." si Carter iyon. Tumingin ako sa rear view mirror at nakitang nakangisi si Carter habang nakatingin sa labas ng pintuan.
"She's happy, dude." sabi naman ni Nick na pinagtaka ko. Pinaguusapan nilang dalawa?
"Do I look like I care, brother?" diin ang pagbigkas nya sa brother. Nakangisi pa rin ito.
"You talk alien, Kuyas." komento ni Ota na zinizip ang zipper ng sling bag nya.
"You are too young to understand our brother talk, Princess." si Nick iyon na bahagyang tinignan si Ota sa rear view mirror at binigyan ito ng ngiti.
Muli nalang akong tumingin sa labas ng bintana at nakita silang dalawa na hawak kamay na pumasok sa loob ng van. Si Watanabe at Sabrina.
Umiwas nalang ako ng tingin at tumingin nalang sa harapan. You do not care at all, Ballet.
"You okay, Ballerina?" tumingin ako sa rear view mirror at nakita si Carter na nakatingin sakin. Tumango ako.
"Yeah, why?" tanong ko.
"Nothing, lil' sis." saka kumindat ito sa akin at tumawa. Napailing nalang ako saka sumandal sa sandalan. Unang beses nya akong tawagin nyan.
Muli na namang umandar ang sasakyan, halos 10 minutes ang pagdelay sa byahe namin.
Throughout sa byahe namin naglalaro lang kami ni Ota sa cellphone nya ng Challenge, nakikisali din si Carter.
Umabot ng 30 minutes ang byahe namin bago kami nakarating sa beach resort kung saan magaganap ang swimming.
Excited na pumasok sila Ota at Belle, nakikipag-unahan sila kela Jackie papunta sa receptionist.
"Parang mga bata talaga," naiiling pero nakangiting sabi ni Erich.
"Si Erika?" pagpansin ko na wala ang kapatid nyang maingay.
Nagkibit-balikat si Erich. "Ayon, hindi sumama si Erika kasi may lakad din sya gaya ng fiancée," napatango ako. "She's with Mason," napatitig ako kay Erich at nakita itong wala man lang expression na pinapakita.
Naalala ko ang sinabi ni Erika saakin noon. They got fooled by someone younger than them. "Hey, Rich." tumingin si Erich sakin. "Erika told me na first love mo si Mason, totoo iyon?" umiwas ng tingin ito.
"Yeah, he was. Minahal ko yun ng sobra sobra pero may ahas." magtatanong pa sana ako ng bigla nya akong tinapik sa braso. "Tara na." at nauna na siyang maglakad papasok.
Hindi kaya si Erika ang tinutukoy nya na ahas? Imposible. Mahal ni Erika si Erich kahit madalas na hindi sila magkasundo. Napailing nalang ako at akmang papasok na sa loob ng biglang may umakbay sakin. Si Carter.
"Philippines is so refreshing," komento nito. Inalis ko ang kamay nya at bahagya siyang siniko. "F-uck! You're such a sadist, woman! Jesus!" natawa ako.
Huwag kasi akong akbayan. "Then stay away from this sadist woman, Babe." pang-aasar ko sa kanya at isinukbit ang bag na hawak ko saka nauna nang maglakad papasok.
"Why would I stay away from my girl—friend," nilingon ko ito at tinaasan ng kilay. "I love you!" napangiwi ako.
I raised my middle finger at him. "Why won't you pack your things up and go to hell first? I and my fiancée will meet you there." irap na sabi ko saka sya tinalikuran.
Pero bago iyon ay napatingin ako sa gawi nila. Sabrina was looking at Carter, while Watanabe is carrying their bags at nakatingin sakin.
Hindi ko alam kung namamalik mata ako pero what I saw pain in her eyes. Nababaliw na ba ako? T-angina.
Naglakad na ako papasok sa beach resort.
Dear brain, please stop playing games with my emotions. Aasa ako at aasa, and then what? Feel the pain I've felt before? Stop caring. Tayong dalawa ang naaagrabyado.
