(O)

6 1 0
                                    









Nakasimangot si Belle na tila bata na hindi napagbigyan sa gusto nya habang nanonood sa piniling palabas ni Erich na anime ulit.

Free! Iyan ang title ng anime na pinapanood namin ngayon, well more like si Erich ang nanonood kasi siya lang ang mage-enjoy non.

"Damot," iyan ang paulit ulit na bulong ni Belle habang nakasimangot na nakatutuk sa tv.

Weekends ngayon. Dalawang linggo na simula nang magsimula ang pasukan. At sa dalawang linggong yun, hindi ko na nakausap pa si Watanabe.

Hindi din ako sumasabay sa kanila magtipon tipon ni Erich, ang lagi kong kasabay ay si Ajay dahil halos parehas ang schedule namin. Tanging Psychology 101 at Mathematics 17 lang ang subjects na hindi kami magkaklase.

Hindi din nagtatanong sila Erich, pero minsan inaaya nya ako at nina Belle na dinidecline ko naman politely.

I also made friends apart from Ajay. Jackie, Celine, and Hanna. Parehas ko silang mga kaklase. Si Jackie, Celine at Ajay sa History II, si Celine ulit sa Mathematics 17 tapos si Hanna sa Communication I.

"Damot," patuloy parin ang pagbulong ni Belle habang masamang tingin ang pinupukol sa tv.

"Ano ba, elepante! Ikaw na nga iyong nakikinood. Ikaw pa nagrereklamo dyan." bulyaw ni Erich kay Belle na mas lalong sumimangot lang.

"Erich, anak. Pagbigyan mo muna si Belle. Ikaw laging nakakanood dyan sa tv, si Belle minsan lang dito." suway ni Tita Esmee kay Erich na ngayon ay napasimangot tapos si Belle naman ay napa-yehey lang.

Ang cute ni Belle tignan. Suot nito ang Hoodie-Footie nya, kulay light pink ito at may mahabang bunny ears pa. Halatang komportable na komportable sya sa suot nya.

"Bigay mo na kasi, Richie!" nakadagan na si Belle kay Erich at pilit inaagaw yung remote kay Erich na itinataas yung kamay nya para hindi iyon maabot ni Belle.

"Ayaw ko! Bili ka ng sarili mong tv!" itinutulak na ni Erich yung mukha ni Belle na nagsusumikap talagang maabot ang remote.

"Jusko parang mga bata," naiiling na komento ni Tita Esmee na katabi ko at gumagawa ng embroidery art habang may ngiti sa mga labi nito.

"Belle! Ano ba!" naiinis na sigaw ni Erich at nagtatatakbo palayo kay Belle na hinahabol sya.

"Ang damot mo talaga, Erich! Ako na muna kasi!"

"Bumili ka ng tv mo!"

"Akala mo naman tv mo yan! Kay Tito Anton yan!"

"Nandito sa pamamahay ko!"

"Pamamahay mo? Kapal ng mukha mo! Wala kang titulong nagpapatunay na sayo tong bahay at lupa!"

"Bakit ka kasi dito matutulog? Sawa na ako sa pagmumukha mo, Leonebelle!"

Para silang batang naghabulan, napunta na sila sa iba't ibang bahagi ng bahay pero hindi parin sila tumitigil. Ako ang napapagod sa kanila.

"Ibigay mo nalang kasi ang remote, Rich." sabi ni Erika na sinusundan lang sila ng tingin ni Erich na walang pagod na naghabulan ngayon sa sala.

"Ayaw!" at tumakbo ito papunta sa ikalawang palapag ng bahay. Kasunod nito si Belle.

"Erich, naman! Buksan mo to!"

"Ayoko! Free! ang gusto kong panuorin! Hindi yang letseng K-drama mo!"

"At least totoong tao sila, eh yang anime mo? Hindi!"

"Pak-yu!"

"Pak-me!"

"U-lol!"

"Ka!"

Naiiling nalang kaming tatlo ni Tita Esmee at Erika. Pinatay nalang muna ni Erika ang tv dahil alam naman daw nyang hindi magpapatalo si Erich, ganon din daw si Belle.

They would make a great couple.

"Rina," tawag ni Tita Esmee kaya napatingin ako sa kanya pero ang tingin ni Tita nasa tinatahi nya.

"Opo?"

"Tumawag si Ate kanina, hindi mo raw sinasagot ang tawag nya."

Si Mama? Tumatawag sya?

"Hindi ko po ata pansin, Tita. Ano po sabi ni mama?" tinignan ko ang relo ko at nakitang alas siete pa naman sa gabi, pwede ko pa sya tawagan.

"Sinabi lang nya na sabihin sayo na tawagan sya," tinignan ko si Tita at nahuling nakatingin sya sakin. She gave me a smile. "Gusto ka raw niya makausap."

"Tawagan ko muna, Tita." paalam ko bago tumayo at nagtungo sa kwarto ko. Nandoon ang cellphone ko, nakacharge kasi naempty battery ni Belle iyon kasi doon sya nanonood ng Netflix kanina.

"Eriiiiich! Ano baaaaa! Buksan mo to!" naabutan ko si Belle na pilit iniikot ikot ang door knob ng kwarto ni Erich, nagbabasakali na mabuksan ito pero nakalock talaga sa loob.

"Ayoko! K-drama naman pinapanood mo! Hindi ako mageenjoy!" sigaw na sabi ni Erich na nasa loob ng kwarto nya, nagtatago kay Belle.

"Bisita ako!"

"Bwisita ang tawag sayo! Hindi bisita!"

Napatawa nalang ako bago pumasok sa loob ng kwarto ko. Nilapitan ko ang phone ko at nakitang 78% na ito. Walang bahalang tinanggal ko ito, ngayon lang naman eh.

Dinial ko ang number ni Mama pero ang sumagot iyong babaeng operator. Hindi raw sapat ang load ko para magtawag, magregister daw muna.

"Tita!" pagtawag ko kay Tita Esmee galing dito sa ikalawang palapag.

"Bakit, hija?" rinig kong tanong ni Tita Esmee sakin galing sa sala.

"May load ka? Pangcall?" malakas yung boses ko para rinig ni Tita.

"Wala, hija!"

"Erich! Meron kang load?"

"Hindi ako pwedeng magbukas ng pinto! Yung remote kukunin ni Belle!"

"Erika! Meron sayo?"

"Kausap ko bebe ko!"

Kinuha ko ang jacket ko na nakasukbit sa upuan na nasa study table at sinuot iyon bago kumuha ng pera, lumabas ng kwarto, bumaba, lumabas ng bahay at magtungo sa open na tindahan para magpaload.

"Ate, may load kayo?" tanong ko sa unang tindahan na nahanap ko.

Umiling iyong ale. "Wala eh."

Sumunod sa ikadalawa, ikatlo hanggang ikalima pero wala silang load. Kundi nagbebenta, naubosan.

Mag sara nalang po kayo. Kapag walang load kela tinderong kapitan, uuwi na talaga ako. Sakit na ng paa ko kakalakad.

"May load po kayo, Ku—Watanabe?" nanlaki ang mga mata ko ng humarap sakin ang tindero—tindera pala.

"Prido," tahimik na tawag nya sakin pero halatang nagulat din sya na makita ako.

"Ma–may load kayo?" tumango sya at may kinuha sa maliit na drawer na nasa gilid lang nya. Inilabas nya ang isang keypad na cellphone na kulay itim, Samsung ata ang brand nito.

"Number mo? 09 ano?" dahan dahan kong sinabi ang number ko sa kanya habang sya tumatango lang. "Ilan?"

"120," inilapag ko yung 150. "Pabili na rin ng dalawang Nips, ito oh." turo ko sa Nips na malalaki. Binigyan naman nya ako ng apat na pinagtaka ko.

"Peace offering." pagsagot nya sa hindi ko pa natatanong na tanong kaya ningitian ko lang sya. Sinuklian nya naman ako, dalawang nips lang nga binawas nya tapos yung load.

"Salamat," walang lingon akong umalis doon. Liliko na sana ako sa isang kanto nang biglang umilaw ang phone ko.

Chineck ko kung nareceived na ng sim ko ang load, at agad na nagsalubong ang kilay ko ng makita kong may naligaw na number sa messages ko.

From: 09xxxxxxxxx

Sorry. Balut tayo bukas ng gabi kung free ka baby ha?

Lumingon ako sa tindahan at nakitang may ineentertain itong customer. Napabuntong hininga nalang ako at napapikit ng mariin.

Nananahimik lang naman ako, pero ginugulo mo ako Watanabe. Santomas Mangtomas.

GLAD YOU CAME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon