(J)

6 1 0
                                    

"Baka may plano kang magmadali dyan, Erich?" naiinip na tanong ko kay Erich na inaantok na kumain.

Quarter to 7 na, 8:30 ang nakalagay sa schedule ko na pasok ko. Rush hour ngayon. Kaya panigurado sobrang traffic na ngayon.

"Ganyan talaga yan, Rina, bear with it nalang." ani Erika na umiinom ng isang baso ng fresh milk.

"Erich ano baaaa," napapakamot nalang ako sa ulo ko sa inis. Malelate ako sa first day of college jusko.

Puyat kasi si Erich kakanood ng Vincenzo sa Netflix, ang sabi pa ni Erika na naabutan nya ito na tutuk na tutuk na manood at alasingko na iyon sa umaga. Jusko.

"Good morning, everyone everytwo!" agad na naalerto ako at napalingon. "Penge fresh milk, Tito!" tumakbo talaga ito palapit kay Tito Anton na nagsasalin ng fresh milk.

Napangiti ako. Belle.

"Ang sigla sigla mo talaga kahit kailan, Leonebelle." natatawang ani Tito Anton na ibinigay kay Belle ang sinalin na fresh milk. "Nag-Enervon ka?"

"Ang aga aga mo palagi, Ate Belle. Di pa kita nakikitang inaantok." napataas ang kilay ko ng tawagin ni Erika si Belle ng Ate, nihindi nga nya kami tinatawag na ate ng kapatid nya.

"I sleep early kasi," Belle then looked at me at kinindatan ako. "Good morning, Rina Babes. Walang good morning kiss dyan for me?" ayan na naman sya.

"Ang landi mo talaga, Belle." tumayo si Erich na dala dala ang pinagkainan nya at nilagay ito sa sink. "Ang pinunta mo lang talaga dito eh yung fresh milk eh ano, bakit hindi ka nalang bumili? May pera ka naman eh." napasimangot si Belle sa sinabi ni Erich.

Kung titignan mo kasi, ang datingan ni Belle ay pangmayaman. Kung paano sya kumilos at manamit, isali mo pa ang kutis nyang pangmayaman.

Fair skinned si Belle. Kahit anong suotin nya, babagay talaga sa kanya.

"Damot damot, hmph! Mama Esmee, si Erich oh! Inaaway ako!" parang bata pa na sumbong ni Belle kay Tita Esmee na kakapasok lang sa kusina.

Napatawa kaming lahat sa kacutetan ni Belle. Para syang bata. "Bilhan kita one dozen of fresh milk, Leonebelle. Wag ka na iyak ha." tawang ani Tito Anton.

Nawala ang pagnguso ni Belle at agad na nagningning ang mga mata nya. "Talaga po, Tito?!" excited pa ito.

"Iniispoil mo talaga yang si Belle, Tito. Kaya yan punta ng punta dito eh." asar na sabi ni Erich habang masamang nakatingin kay Belle who stuck her tongue out at Erich and then giggled when Erich rolled her eyeballs pero may ngiti na sa mga labi nya.

Naalala ko ang usapan namin ni Erich noong nakaraang araw, maliban sa usapan namin tungkol kay Belle na kinakailangan ng titan para wasakin ang invisible walls she had built.

Erich worries about Belle.

Erich looks after Belle.

Erich loves Belle.

"Rina Babes!" tili na lumapit si Belle sa gawi ko at sinukbit ang braso nya sa braso ko. "Namiss kita sobra!"

"Miss mo nga si Rina, miss ka ba?" kita ko ang pagngisi ni Belle bago hinarap si Erich na nakataas ang kanang kilay at may ngisi rin sa labi nya.

"Mahal mo pa sya pero mahal ka parin ba nya?" at biglang nawala ang ngisi sa labi ni Erich. "Ay sarreh, nadulas yung dila ko bi." pagtawa ni Belle.

Erich raised her middle finger. "F-uck you, Gumahin." tumawa lang si Belle.

"Do me, babe." and Erich lost it, she walked out. Binangga nya pa si Belle na tawa lang ng tawa, sila Tito Anton at Tita Esmee naman ay naiiling lang. Halatang sanay na sila sa dalawa.

Naiiling na nagpaalam ako kela Tita Esmee na nagiinit ng tubig, Tito Anton na nagsasalin ulit ng fresh milk sa baso nya at kay Erika na kumakain ng paborito nitong ham and bacon.




-----




"Anong course mo, Belle?" naglalakad kaming tatlo ni Erika at Belle papunta sa sakayan. Si Erika suot ang airpods nito at sa cellphone lang ang tingin.

"BS in Civil Engineering, ikaw ba?" She then gave me a side glance with a little smile on her lips. Ang cute nya ngumiti.

Wala sa mukha nyang mageengineer sya, let alone civil engineering pa. Kasi kung tutuusin babagay syang maging flight stewardess, dahil na rin sa height nitong katangi-tangi.

Magkaheight lang sila ni Watanabe, pero mas matangkad lang ata ng ilang inch ang isang iyon.

"BS in Psychology." ngiting sagot ko. "Pre-med ko, gusto ko maging isang mahusay na doktor."

"Wow really? I'll call you Doc." ngumiti ulit si Belle sakin, nakakahawa talaga ang ngiti nito. "Hi, Doctor Rina Babe."

Thump. Thump. Thump.

"Siraulo." nailing nalang ako. "Bakit gusto mong maging Civil Engineer, Engineer?" bumungisngis si Belle.

"Ang sarap sa tengang tawagin kang engineer waaaaah!" tila nagniningning ang mga mata nya, para talaga syang bata jusko.

"Ano ba yan, Belle. Mas malakas pa yung boses mo sa full volume ng cellphone ko." naiiling ani Erich.

"Ah, naisipan mo ng kausapin ako? Yung sabi mo kanina pala kailan mo ba iyon gagawin, Babe?" nakangisi na naman ng nangaasar si Belle kaya nailing nalang si Erich.

"Bangasan kita dyan eh. Kaya ka nami-misjudge ng tao kakaganyan mo." sabi pa ni Erich saka nagbuntong hininga saka naupo sa upuan ng waiting shed. Nandito na kami sa sakayan.

"Wala naman akong pake sa kanila eh," naupo na din si Belle sa tabi ni Erich. "Basta kilala ko ang sarili ko."

"Kilala din naman kita, Elephant. Sobra kitang kilala." wait, what? Elephant? Bakit elephant? As in elepante?

"You know, it's weird but I find it sweet when you call me that." ngiti ni Belle saka isinandal ang ulo sa braso ni Erich.

May sariling mundo talaga silang dalawa ni Erich kapag sila na ang naguusaup. Tila misteryo lahat ng lumalabas sa bibig nila. Silang dalawa lamang ang nakakaintindi.

Ipinikit ni Belle ang mata nya while Erich continued tapping something on her phone. Mukha silang mag-on.

I stared at Belle's pretty face as I hear my heart slowly picking up its pace faster than usual.

Leonebelle Gumahin.

"Girlfriend din ni Erich ang girlfriend mo?" nanlaki ang mga mata ko at agad na nilingon ang nagsalita.

Th-ump. Th-ump. Th-ump. Th-ump.

"Watanabe."

"Prido. Morning. PUP ka din pala." then she smiled at me, my heart stopped for a moment.

Jusko, puso. Wag ka namang ganyan. Mamamatay ako ng maaga sayo!

GLAD YOU CAME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon