"Halaka!" napangiwi halos lahat ng mukha namin sa tinis ng boses ni Belle, kasulukuyan kasi kaming nanonood ng A Cinderella Story: Christmas Wish.
Nandito sila ngayon sa bahay. At kompleto silang magbabarkada. Si Janice, Vanessa, Leo, Jack, Belle, Kaolin at Watanabe. At ang ibang barkada nito na sina Troy, Kaylin, Daniel at Wilbert.
Hindi na kami nagkausap ni Watanabe, simula nung huling paguusap namin.
"May ice cubes kayo, Rina?" si Kaolin ang nagsalita, siya iyong nagdala ng eco bag na may notebooks ko nung nakaraan.
Kaolin Delos Reyes.
Tumango ako. "Nasa freezer, Kaolin."
"Kao nalang, masyadong mataas ang Kaolin." ngiting sabi nya saka akmang tatayo na nang pigilan sya ni Watanabe.
"Ako na, dyan ka nalang." ningitian nya pa ito saka tumayo at nilagpasan ako.
Napabuntong hininga nalang ako saka binalewala nalang yung konting kirot na naramdaman ko. Kasalanan ko din naman, sinabi na nya saakin na bigyan ko sya ng konting panahon pero ganon ang sinabi ko sa kanya. Mali ko yun.
"Pu-cha naman, Belle!" reklamo ni Daniel. "Mamigay ka na kasi!"
"Ayaw!"
"Ang damot!" sabi pa ni Daniel habang sinasamaan ng tingin si Belle na may hawak ng popcorn.
"Oo nga, damot mo!" second the motion naman ni Wilbert na katabi lang si Daniel. Nagsisiksikan kasi silang lahat sa tabi ni Belle, bale siya ang nasa gitna nilang lahat.
"Ayos ka lang, Rin?" nilingon ko si Leo at ningitian sya. "Sigurado ka?" agad na tumango ako. "Kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako ha? Makikinig ako sayo."
Napangiti ako sa sinabi nya. "Thank you, Leo. Pero ayos lang talaga ako, may iniisip lang." pag ngiti ko.
"Okay," tumango tango sya saka ningitian ulit ako bago ibinalik ang paningin nya sa pinapanood namin.
Ilang segundo lang ay bumalik na si Watanabe, may dala itong bowl na may lamang ice cubes at ibinigay kay Kaolin na ningitian lang sya. Nakita ko kung pano maglapat ang kamay nila.
Sana all naglalapat diba?
"Hi," napatingin ako sa taong biglang tumabi sakin. Si Troy. "Troy nga pala." inabot nya ang kamay nya sakin na tinanggap ko, we shook hands.
"Rina nalang," tipid ko syang ningitian.
"Sabi ni Janice sa PUP ka daw nag-aaral?" pagbubukas nya ng topic. Tumango naman ako.
"Hm, ikaw? Saan ka ba nag-aaral?" tanong ko.
"Ateneo." Wow.
"Really? D'on ko sana gusto mag-aral kaso wala eh, hindi nakapasa." sabi ko sa kanya. His face lit up, siguro dahil kinakausap ko sya. Siya iyong kausap ni Erika sa tindahan, iyong nagsabi na papatinuin ako sa bended ways ko. Mayabang, I know.
"Too bad, gusto mo i-tour kita sa Ateneo? Madami akong free time." ngiting offer nya sakin.
Akmang tatanggi sana ako nang biglang may tumabi sa gitna namin at inakbayan si Troy. "P're, diba may sobra sa sampung projects kang hindi pa napapasa? Nag-chat sakin si Cheska, finollow up ako tungkol sayo. Ano ulit? May free time ka?" it was Janice.
Napakamot si Troy sa ulo nya habang natawa nalang ako. "Panira." rinig kong mumble ni Troy na ikinatawa namin ni Janice.
"Wag ka na kasing pomorma, 'Tol." tawang sabi pa ni Janice. "Pasensya na sa abnormal na 'to, Rina, ha? Kinulang talaga siya ng buwan."