"See you when I see you, little babes!" kumaway ng mabilis si Belle bago umalis papunta sa department nya.
"Tara? Hatid muna kita sa department mo, may kikitain din ako d'on eh." sabi ni Erich na tinanguan ko lang.
Malaki ang eskwela. Sobrang dami rin ng estudyante dito, halo halo rin ang social status panigurado. Magandang paaralan ang PUP, despite being a public educational institution.
"Erich? Oh my goodness!" biglang sulpot ng isang babae na mestiza. "Namiss kita!" yumakap ito kay Erich na abot langit ang ngiti.
"Ciara, namiss din kita. Kamusta ang bakasyon mo? Bakit kasi nagibang bansa kayo ni Ate Cindy diba?" natatawa na tanong ni Erich sa babaeng tinawag nyang Ciara.
"Nag-Palawan kami last year, sis. For a change naman diba?" naggiggle pa ito. Babaeng babae rin ang galawan nito, halatang mayaman.
"Right. Anyways, si Ballet nga pala. Pinsan ko." napalingon sakin ang babae, doon ko nakita ang buong pagmumukha nito.
Mukha syang Filipino-American. Mixed Blood. Halata din ang pagkanatural ng pagkablonde ng buhok nya.
"Hala, hello. Ang ganda mo," inabot nya ang kamay nya sakin na inabot ko din naman. We shook hands. "Pero mas maganda ako hehe." and she gave me a peace sign.
"Oo nga." pagsangayon ko sa sinabi nya kasi totoo naman, libag lang ata ako sa kuko nya kung tutuusin.
"Ay hala," tumingin sya kay Erich. "I like her na, Richie!" tumingin sya sakin ulit. "Hi, I'm Ciara Lustre! Nice to meet you. You are?"
"Ballet Paberecio. Nice to meet you din po." ngumiti ako sa kanya.
"Ang cute mo!" She then pinched both of my cheeks, mahina lang pero halata mo na pinipigilan nya lang yung panggigigil nya. "But Belle is cuter," I unconsciously nodded. Belle is way cuter than anyone. "Nasan nga pala sya?"
"Nagpunta na sa department nya, malayo yun dito." tipid na sagot ni Erich kay Ciara na tumango lang.
"Mahilig ka sa chocolates, Ballet?" tumango ako bilang pagsagot. "What kind?" tanong nya ulit.
"White chocolates, why?" Ciara's mouth shaped 'o' nung sumagot ako. "May problema ba?" I asked.
Tumawa si Erich. "Nothing's wrong, Rina. Paniguradong dark chocolates karamihan ang pinamili ni Ciara dahil mahilig si Kaolin non."
I unconsciously tilted my head to the right when I heard an unfamiliar name. Kaolin. Another friend of Erich?
"Isang city scholar si Kaolin. Anak sya ng isang farmer sa probinsya. Sa grupo namin, sya yung sobrang aloof." ani Erich na tinanguan ni Ciara bilang pagsangayon.
"Sobrang ganda at talino non, Ballet." mahahalatang proud si Ciara sa kung sino man si Kaolin.
Sana lahat matalino at maganda huhu. Samantalang ako nito, libag lang dito sa planet Earth.
"Crush ko nga yun eh, shh ka lang." humagikhik pa si Ciara. "Lahat sila crush ko eh, lahat ng nasa barkada. Pati ikaw crush ko na din."
"Kolehiyo ka na pero crush crush ka pa rin, magjowa ka hoy. Level up ka na sa stage na yan, Ci." ani Erich na gumilid sa isang tabi kasi mas dumadami na ang dumadaan na estudyante. Anong oras na din kasi.
"Tas magaya ako kay Vans na luhaan at broken? Ayoko nga. Masaya masyado maging single para igive up para mag mingle mingle, sis." ani Ciara.
A part of me agrees with her, but some part of me disagrees. Why? Because the fact that you can still enjoy and have fun kahit nasa isang relasyon ka na diba? Depende naman sayo iyon kung magpapatali ka nalang sa karelasyon mo.
Pero ayun nga medyo stressful yung pakikipag mingle mingle lalo na kapag toxic minded ang karelasyon mo, pero depende yun sayo kung pano mo dalhin ang relasyon nyo at sarili mo.
"Right, whatever. Aalis na kami, Ci. Ihahatid ko pa itong si Rina tapos dadaanan ko pa si Kakao." ani Erich.
Again, another unfamiliar name. Sana lahat madami ang kaibigan.
I have a lot of friends back way home, pero hindi na nila ako nakausap simula nung nawala sya.
"Yeah, sure. See you when I see you, Erich and Ballet! Kunin ko kay Erich ang number mo ha? Let's keep in touch, crush." She then kissed my and Erich's cheeks and waved goodbye.
Hinila naman ako ni Erich. "Ganon si Ciara, nanghahalik. Ganon madalas ang mga mayayaman. Mahilig sa beso beso." explain niya.
"You have a lots of friends no, Erich?" pagtukoy ko kela Belle, Ciara, at yung ibang minention nila ni Ciara earlier.
"Konti lang. I have 9 dito." lumiko kami sa may kanan, sa unahan dito ay yun na ang room ng first meeting. "Belle, Ciara, Vanessa, Kaolin, Janice, Leo, Jack, you, and," she gave me a side glance. "Yubi."
Yubi. Dalawang syllables at alat na letra lang ang pangalan nya, pero bakit nagiiba lagi ang mood ko kapag binabanggit ang pangalan nya?
"Magkakilala kayong dalawa hindi ba?" huminto kami sa tapat ng first meeting ko. "Nakita kong hinatid ka nya nung nakaraang gabi."
"I kind of know her, bakit?" tanong ko.
"Anong tingin mo sa kanya?" imbis na sagutin ako ay tinanong lang nya ako sa isa pang tanong. "Tell me, Rina."
"She's.....okay." iyon lang ang lumabas sa bibig ko. Cold sya, at may hint of mysteriousness.
"Kapatid sya ni Mason." napatigil ako sa paglalakad, ganon din si Erich na napatingin sakin at ningitian ako.
Ni tinderong kapitan? "Tapos?"
Now that Erich mentioned it. Magkahawig nga sila. Yubi is of course the girl version, while Mason is the boy version. Ang tanging iba lang talaga eh ang awra nila. Mayabang ang awra ni Mason, while yung kay Yubi maangas.
"Sinaktan iyon ng kauna-unahang babae na sineryoso nya, kakagaling lang non sa heartbreak. Kawawa nga sya eh, pero napapaisip ako na baka karma nya iyon kasi babaera sya." Babaera?
"Ano naman connect sa pagkakakilala namin sa isa't isa?" takang tanong ko. "Tsaka bat mo sinasabi yan sakin?"
"Wala lang." Erich started to walk away. "I just wanna tell you na she's also a player like her brother. Be careful, cousin. You might get caught and trapped in her web."
