(X)

4 1 0
                                    









"Pwede ka ba ngayon, Prido?" iyan ang agad na bungad ni Watanabe sakin when I answered her call.

"Hm, bakit?" tanong ko saka humikab. Antok pa ako! "May kailangan ka?"

"Date tayo?" muntikan ko na mabitawan ang cellphone ko ng marinig ko iyon.

"Ha—huh? Nalipasan ka ba ng kain?" kung kanina inaantok pa ako, ngayon dilat na dilat na. Keaga aga, Watanabe!

Narinig ko ang pagtawa nito. "Alam ko namang the feeling is mutual eh, alam kong gusto mo din ako. Umamin ka na kasi, Prido." I could hint the playfulness in her voice.

Napairap ako. "Dream on, Watanabe. Hindi kita gusto." akala ko tatahimik sya sa sinabi ko, pero akala ko lang pala yun.

"Kasi mahal mo na ako?" ramdam kong nakangiti sya kaya natawa nalang ako. Gaano kaya kakapal ang mukha nya? Kasing kapal ba ng mga dictionaries?

"Kapal naman, Watanabe." naiiling na sabi ko sa kanya saka bumangon mula sa pagkakaupo sa kama.

"Heh. Wag ka na mahiya." natawa nalang ako sa kanya. Mas lalong tumaas confidence nya.

Napapatawa nalang talaga ako sa kapal ng pagmumukha nya, parehas sila ni George. Makapal ang mukha.

Speaking of which, halos nakikitulog na sya dito at panay ang buntot sakin para lang makita si Belle at mabwiset ito noong nagdaang mga araw pero natigil iyon nung magkasagutan sila ni Belle tungkol sa hindi ko alam. Iyon kasi ang kwento ni George sakin.

"Ba–Prido, wag ka magsuot ng dress ha? Sunduin kita mga alas onse." utos nya sakin pagkatapos bigla nalang nya pinatay ang tawag.

Napahawak ako sa dibdib ko. This feels too good to be true, may masamang mangyayari ba?

"Rina Babe!" biglang bumukas ang pintuan at iniluwal doon si Belle at si Kaolin na nakapang yoga attire.

"Ayoko sumali," bungad ko sa kanila. Agad namang sumimangot ang dalawa. "Babalian nyo lang ako."

"Hindi namin kasalanan ni Kakao na hindi nastre-stretch ang muscles mo masyado, Rina babe, eh!" despensa pa ni Belle saka tinignan si Kaolin na nakangiti at tahimik lang sa tabi nya. "Diba, Kao darling?" tumango naman si Kaolin bilang pagsangayon.

"May lakad din ako eh," sabi ko habang kinukuha ang towel ko. "Next time?"

"Sino ba kasama mo?" simangot na tanong ni Belle.

"Si Yubi, bakit?" halatang nagulat si Belle at si Kaolin sa sagot ko. Nagkatinginan pa ang dalawa saka parehas nilapitan ako.

"Broken pa yun, Ballet. Willing ka mag risk?" bakas sa mukha ni Kaolin na nagaalala sya. "It's not like I am against Yubi, sobra sobra syang magmahal kapag nagseryoso sya. It's just that," she paused for a minute. Alam ko na agad ang sasabihin nya. "May iba pang laman ang puso nya,"

Tahimik lang si Belle na nakatingin sa akin. "Hindi kita gaano kaclose pero importante ka na din sakin, ayokong masaktan ka o si Yubi. Parehas ko kayong kaibigan." patuloy ni Kaolin.

Naintindihan ko ang punto nya kaya napatango ako. "Walang kami, ano ba kayo. We're just friends." pagngiti ko.

"Pero may namumuo nang kayo?" agad kaming napalingon sa may pintuan, nandon si Erich na kakagaling lang ata sa pagligo.

Napakamot ako sa batok ko. Meron ba? "Of course wala, inaya lang naman nya ako." tinignan ko si Belle na nakatitig lang sakin saka sya ningitian. "And besides, I'm tangled."

"Inaya ka ng date?" muling tanong ni Erich. "Gaya ng sabi ni Kao, ayokong may isang masaktan sa inyo. You are my best friend and my cousin, Rina. Pero kaibigan ko din si Yubi."

"Alam ko, Erich. Salamat sa concern pero ayos lang ako. Kaibigan ko din si Yubi, if Belle would invite me for a date, o-oo din ako. Kahit ikaw o si Kao," ngiting sabi ko, tila nakahinga ng maluwag si Erich saka ningitian ako.

"Just don't get attached too much, Rina, you're still vulnerable as-f. I don't want you looking f-ucked up again."

I know something is running inside Belle's mind, I asked her to keep it a secret. Iyong tungkol sa nalalaman nya.

It is only for a show. George needs saving. And I need to save her, I do not want her drowning kahit kagagawan naman nya kung mamamatay sya kung sakali.


—————



Umabot nalang ang ala una ng hapon pero walang Yubi ang dumating. I also texted her pero hindi din naman sya nagrereply.

Naghintay ulit ako ng halos kalahating oras, pero wala pa rin.

Sana sinabi nyang hindi matutuloy para hindi ako naghintay sa wala.

Tumayo na ako sa pagkakaupo sa kama saka nagbihis nalang ng pambahay bago bumaba.

Puntahan ko kaya siya?

Napatango tango ako saka kinuha ang cellphone at purse ko. Bibili nalang din ako ng stick-o.

Pagbaba ko nadatnan ko si Erich at Erika na nakangiwi habang inaalalayan sila ni Belle at Kaolin, nagyoyoga sila.

"Hindi ka ba talaga sasali samin, Rina hija?" napalingon ako at nakita si Tita Esmee na may dalang tray na naglalaman ng mga pagkain. Nakayoga get up din ito.

Agad na umiling ako. "Hindi po, Tita. Bibili lang ako sa labas ng stick-o."

"Ah, akala ko sabi nila Erich eh may lakad ka daw?" takang tanong ni Tita Esmee saakin. Inakala ko din po. "Hindi natuloy?" tumango ako.

"May nangyari siguro sa kasama ko kaya hindi natuloy," ngumiti ako. "Enjoy po kayo sa pagyoyoga nyo, Tita." pagtawa ko dahil sa mga mukha nila Erika na siguro sumasakit na ang mga binti.

Para silang nageexhibition na ewan.

"Nageenjoy nga," tawa ni Tita Esmee habang nakatingin sa dalawang anak nyang nakangiwi at inaaway si Belle. Tanging si Belle lang ang binubungaan nila at hindi si Kaolin.

"Bili na muna ako, Tita." paalam ko saka lumabas ng bahay at naglakad papunta sa tindahan nila tinderong kapitan.

Pagkarating ko doon ay nadatnan ko si Janice na mukhang bad trip at nakatitig lang sa kawalan, nakaupo ito sa upuan na nasa harap lang ng tindahan nila tinderong kapitan.

"Jan? Ayos ka lang?" napatingin ito sakin. Agad na umarko ang kilay ko ng makita ko kung pano ito nagulat.

Nakakagulat ba makita ang mukha ko? Sa gandang to? Choss.

"Rin–na, kanina ka pa?" tanong nya sakin habang tumatayo sa kinakaupuan nya at saka nilapitan ako.

"Hindi, ngayon lang. Para kang nakakita ng multo, ayos ka lang ba?" nagaalalang tanong ko sa kanya. I swear her face turned pale when she saw me.

"Oo naman, bakit hindi ako magiging okay?" pilit ang ngiti nito. Para din siyang nababahala pero hinayaan ko nalang, baka natatae sya.

"Wala," umiling ako. "Taga dito ka?" tumango naman si Janice.

"Oo, kapit bahay lang kami ni Yubi." agad na naalala ko si Yubi when she mentioned her.

"Si Yubi pala?" pagtatanong ko sa date ko kunong hindi ako sinipot.

"Si Yubi ang hanap mo, Avah Maldita?" napatingin ako sa harapan at nakita ang kapatid ni Yubi. Tumango naman ako bilang pagsagot. "Pinuntahan nya ata yung sinasabi nyang Sabrina,"

Kirot. Iyon na namang naramdaman kong kirot. Siya din kaya ang pinuntahan niya n'ong nagsinungaling sya?

Tinignan ko si Janice. "Sinong Sabrina, Janice?" nakita ko kung paano tuluyan nawalan ng kulay ang mukha nya. Tila sya natatakot.

"Sa pagkakaalam ko," napatingin ako muli kay tinderong kapitan.

"Ri–na," rinig kong pagtawag ni Janice sakin pero hindi ko sya nagawang lingunin dahil naghihintay ako sa kung ano ang sasabihin ni tinderong kapitan.

Ang hirap pala na hindi ka bingi.

"Girlfriend nya si Sabrina."

GLAD YOU CAME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon