(EE)

3 1 0
                                    








"Hey," bati ko kay Ota nang makalapit kami sa kanya. She looked up and then gave us her soul-lifting-smile.

Ota was wearing a golden yellow shirt na may nakasulat na Dickies sa may dibdib na Gold ang kulay. Knee length denim pants. A pair of white sandals. A plain designed silver bracelet.

Simple but stunning.

"Ate," ngiting bati nya sakin saka tumayo sa pagkakaupo at hinalikan kaming tatlo nila Erich sa pisngi.

"Kanina ka pa?" tanong ni George saka umupo sa tabi ng inuupuan ni Ota na umiling iling bilang sagot.

"Ngayon ngayon lang din. Kuya Tim dropped me off." sagot ni Ota habang minomotion kami ni Erich na maupo.

Umupo naman kami ni Erich nang magkatabi, "You okay?" tanong ni Erich sakin habang hinahawakan ng mahigpit ang kamay ko.

Ngumiti ako ng malungkot. "Do I look okay to you, Rich?"

Yumuko si Erich. "I'm sorry," umiling ako. Hindi sya ang may kasalanan.

"Wala kang kasalanan, sira." tawa ko saka iniharap ang kamay ko sa kamay nga. I intertwined our hands. "Walang may kasalanan," ngiting sabi ko.

"Rina," bakas sa mata ni Erich na nagaalala sya. Umiling ako. Kasama namin si Ota, ayokong magalala ang isang to.

"Mamaya na, si Ota." agad naman nyang naintindihan ang ibig kong sabihin saka tumango sya.

Iyakin si Ota. Pag ito umiyak, aakalain pang inaaway namin ang isang minor. Ipapapulis pa siguro kami ng mga taga dito sa pinuntahan namin.

Humarap ako kela Ota, naguusap sila ni George na sa tingin ko ay tungkol sa mga dinosaurs.

"You think there are still dinosaurs, Ate George? I mean, it could be possible na meron pa diba?" inosente ang mukha ni Ota na nagtatanong kay George.

Sa aming tatlo na mas nakakatanda kay Ota, si George ang pinaka matanda. 24 years old na kasi ito pero dahil nga sa pasaway, hindi pa grumagraduate. As far as I remember, she's taking BS in Information Technology. She is so fond of technologies and video games.

Sumunod si Erich na 19 years old lang din. Hindi mo mahahalata sa mukha nya pero Architecture ang kinukuha nyang kurso.

"Dinosaurs are extinct, Ota. We don't even know if they were real to begin with." sagot ni George kay Ota habang nagniningning ang mga matang tumitingin sa menu na hawak nya.

"They found bones diba? Sa dinosaur?" takang tanong ni Ota. "If they aren't real, then those bones could be fake?" tumango naman si George.

"You can't trust anyone, even the medias or the government, Ota. Hindi mo alam kung sino ang nagsasabi ng totoo, at kung sino ang hindi. People can lie. People can make you believe the things you want to hear. When you believe their petty lies, they'll have the chance to control you. They win. You lose." ani George habang nililipat ang pahina ng menu na hawak nya.

Kanina pa tahimik si George sa byahe. Technically kaming tatlo tahimik lang na tinatahak ang daan papunta dito.

Is it just me or para saakin talaga ang sinasabi ng isang to?

"I'll keep that in mind, Ate." ngiting sabi ni Ota saka tumingin din sa menu na hawak ni George. "Gusto ko buko halo halo, Ate."

"Sure. Ilan gusto mo? Lima?" pagbibiro ni George kay Ota na humagikhik lang ng tawa.

"Pwede, Ate?" napatawa kaming tatlo sa naging reply ni Ota. Basta pagkain, go lang talaga ito ng go. Walang inuurungan.

"Oo naman, basta ubusin mo lahat para hindi sayang ang pera ko." ngiting sabi naman ni George na winawagayway ang wallet sa ere.

Napatawa nalang kami. Itinaas ko ang kamay ko para magtawag ng waiter. Pagkarating ng waiter ay umorder na kami, after namin umorder ay tinanong na namin si Ota sa mga bagay bagay. We learned a lot. Lalo na tungkol kay Timothy. May binabakuran na pala ang loko loko. Isang Lustre daw.

"Here's your order, madams." sabi ng waiter saka isa isa nilapag ang mga order namin.

"Thank you," sabay sabay na sabi namin sa waiter na ngumiti lang saka nagbow. Pero hindi nakatakas sa mata ko ang pagbaba ng tingin ng waiter sa kabuuan ni Ota at ang pagkindat niya kay Ota na pilit na ngumiti lang sa waiter. Her lips formed into a thin line, instead of forming a smile.

"Princess," biglang wika ni George saka sinubuan ng calamaris si Ota. "Kain ka na, diba sabi mo you're hungry na? 3 calamaris for I love you." and then George kissed Ota's cheek.

Napailing nalang kami. Gawain kasi iyon ni George. The reason why she kept calling me love. Prinoprotektahan nya ako, kami. She's overprotective.

"Ano tinitingin tingin mo dyan?" taray ni George sa waiter na nahihiyang umalis at bumalik sa station nya.

"Sweet naman, Ate G. 3 calamaris for I love you," pangaasar ni Ota kay George na napailing nalang dahil nagsisimula na naman ang pinakabata sa grupo.

"Oo nga naman, love. Sweet nyo naman ni Princess mo." pagsasabay ko sa pangaasar ni Ota kay George.

"Bakit? Inggit ka?" ngumisi si George saka kumuha ng 3 calamaris. "Ito oh, 3 calamaris for you." inabot nya sakin ang calamaris na isinubo ko naman.

Sabay na kumuha kami ni Erich ng calamaris. I gave mine kay Erich, and Erich gave hers to George.

"3 calamaris for I love you," sabay na sabi namin ni Erich at Ota saka natawa kasi namula ang mukha ni George.

Whenever I'm with them, I forget the pain I am enduring. Kahit pansamantala lang.

But....why am I hurting in the first place?

GLAD YOU CAME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon