SCALLOPS. Iyon ang paborito naming kainin nila ni Timothy simula bata pa lang kami.
I and George grew up together, but we grew up with Timothy Baltan.
"Spoiled mo talaga si Ota," naiiling na sabi ni George habang nagtitingin sa menu ng kainan na Kuya J's.
Nagkibit balikat si Timothy. "Ang dami nya kasing tanong sa mga bagay bagay, people find it annoying but I find it cute. And all she ever ask for is books and foods. She also have a cute smile, a gummy one."
"Oo nga, mas cute sya ngumiti kay Rina ano, Timmy?" napasimangot ako when the two of them laughed and agreed.
Pero totoo, cute ang ngiti ni Ota. Mas cute nga sya ngumiti kay Belle. Kapag kasi ngumingiti si Ota, aakalain mong may dimples sya, pero kapag tititigan mo wala pala. Dala lang iyon sa malaman ang pisngi nya.
I still remember noon, her smiles would lift the three of us up kahit mukha na syang taong grasa dahil sa kadumihan nya. Kahit nga na kakagaling lang kaming pinalo, tila nawawala agad dahil sa ngiti nya.
"Here's your order," sulpot ng waiter saka inilapag ang inorder namin. Agad na nagningningan ang mga mata namin. "Enjoy!" and the waiter left.
Kukuha na sana kami ni George ng scallops at dynamite nang pigilan kami ni Timothy. "Hopya, teka lang naman, mga amazona."
"Bakit ba?" sabay na tanong namin ni George, nagkatinginan pa kami tsaka sabay na natawa.
"Magdasal na muna tayo," napataas ang kilay namin ni George.
O baka naman madami na talaga ang dumi sa tenga ko.
"Since when did you know how to pray, you devil?" amused na tanong ni George pero nakataas pa din ang kanang kilay nya.
"Staying with Ota taught me a lot," ang sabi lang nya habang nakangiti at nakatingin sa pagkain namin.
Parang tanga. Para syang in love. Hala g-ago! Hindi kaya—!
"It's not what you two think, she's like my little sister. Alam nyo naman na namatay yung kapatid ko diba?" napatango kami ni George.
Timothy had an older sister who died in a motor accident, kaya ganon nalang ang pagaalala ng nanay at tatay nya nung nalaman nilang Timothy is also fond in motorcycles.
Kaya siguro ganon nalang ang fondness ni Timothy kay Ota dahil naalala nya ang kapatid nya sa kanya.
Ota was Ate Tania's favorite doll. Lagi nyang hinihiram noon si Ota kapag nakauwi na sya galing sa abroad para lang ayusan at ipasuot ang mga damit na binili nya para kay Ota, ayaw ni Ota ng mga dresses pero dahil sa suhol ni Ate Tania na mga pagkain at libro, pumapayag ito.
"Mahal ko si Ota, para ko na siyang kapatid kaya nakikinig ako sa kanya. Nakakatakot sya magalit," tila parang nagshiver si Timothy, nagalit siguro si Ota tapos binigyan ng cold shoulder si Timothy.
The catch is it's not just a simple cold shoulder someone would give you, lalo pa at si Ota ang nagbibigay non.
If Ota gives you a cold shoulder? You will feel what it feels like to be a ghost. Unseen by people. Invisible.
"Dinadaan daanan nya lang ako, para akong multo!" sabi pa ni Timothy na nagpatawa samin ni George.
George and I knew better what it feels like to be wrapped in Ota's icy wrath.
"Kapatid mo naman na talaga si Ota, hindi ba?" tanong ko na tinanguan ni Timothy.
"O—," pinutulan ni George si Timothy.
"Bago tayo magchikahan, magdasal na muna tayo. Nagugutom na ako." pigil ni George kay Timothy.
Napailing nalang kami ni Timothy, matakaw kasi si George pero slim at fit pa din sya. Iyon ata ang talento ni George, kumain ng kumain ng hindi man lang tumataba.
"Hindi ba't Baltan ang dinadala nilang apelyedo ngayon?" tanong ko sa naudlot na tanong ko kanina.
Umiling si Timothy saka isinubo ang tatlong scallop na nasa kutsara. "Si Ota lang. Ikinasal na kasi si Danica, si Dadai at Lan naman ay Sayson pa rin ang apelyedo." paliwanag naman ni Timothy.
"Wait—what? Danica is married na?" gulat na tanong ni George. "Siya pa naman ang all time crush ko, that's a shame." umiling iling pa ito.
Ngumisi ako. "Talaga bang si Danica? Kasi sa alam ko," mas kong pinalawak ang ngisi ko para maasar sya. "Belle Gumahin ang pangalan ng crush mo," hindi nakaligtas sakin ay bahagyang paglunok nya.
"Shut up!" at binato nya ako ng shell, buti nalang nakailag ako. "Gawa gawa."
"Gawa gawa naman pala, bat nagagalit ka eh hindi naman totoo ang sinabi ko diba?" pangaasar ko pa sa kanya. "Crush mo kasi,"
"Belle Gumahin, huh? Nice name. Maganda?" tanong ni Timothy saka isinawsaw yung hawak na dynamite sa mayonnaise. Umiling si George pero tumango ako, natawa naman si Timothy. "Ano ba talaga?"
"Pangit!" si George.
"Maganda."
"Bakit ka ba sumisigaw, George? Totoo 'no? Na crush mo yung Belle?" sabay ni Timothy sa pangaasar ko kay George na nagsisimula nang mamula ang mukha at tenga nya.
"Hindi!"
I and Timothy shared looks and then laughed kaya mas lalong naasar si George samin. Pikon.
"May IG yung Belle na yan, Ma?" hawak na ni Timothy ang cellphone nya. Hinihintay atang ibigay ko ang username ni Belle.
"LBG underscore ang username nya, Tims." pagbigay ko kay Timothy sa username ni Belle sa IG.
"Wag na kasi, Timmy. Ang pangit ni Belle sobra." bagot na sabi ni George pero yung mukha at tenga nya namumula mula pa.
"Got it," biglang wika ni Timothy. "Hoy, George. Nakabingwit ka ha. Maganda hoy!" iniharap ni Timothy ang cellphone nya, only to reveal Belle's pictures.
"Pangit," giit pa ni George.
"Ah pangit? Sige ligawan ko to," pagkasabi non ni Timothy ay biglang nagsiliparan ang mga shells sa direksyon nya kaya tawa kami ng tawa ni Timothy.
In denial kasi tong si George, pwede namang umamin nalang para matapos na agad yung usapan.
"G-ago," masama na ang timpla sa mukha ni George at nakabusangot.
Natawa nalang kami ni Timothy, nakikitawa lang ako at sinasabayan si Timothy mangalaska kay George.
Natigil lang ang pagtawa ko ng mapansin ko yung cellphone ko na nasa side pocket ng pajamas ko na umiilaw.
Kinuha ko iyon at agad na humina ang tibok ng puso ko sa nabasa ko. Text messages ni Watanabe.
: Ballet! Anong oras ka uuwi?
: Hoy!
: Prido!
: Psst!
: Josephina!
: Baby!
: Sagutin mo ang tawag ko.
: Ballet Josephina Paberecio!
: Sino ba yung kasama mo ha?
: Bakit tinawag ka nyang ma? Anak mo ba yun?
: PABERECIO! ANO BA! MAGREPLY KA!