(G)

6 1 0
                                    










"Kilala mo ako, miss?" nakataas ang kilay nito na makakapal.

Jersey blue shorts. Jersey blue sleeveless na pinatungan nya ng white t-shirt. Black Nike basketball shoes. Black wristbands.

Ang init. Binuksan mo ba ang lagusan papunta sa impyerno, Satanas?

"Oo?" nagsalubong ang kilay nya sa patanong na sagot ko sa kanya. "You dropped your School I.D the other day, ako yung nakakita."

"Ikaw yung nakakita pero hindi mo sinauli sakin?" amused na tanong nya sakin. "Sayo na yun. Hindi ko na din naman na iyon nagagamit kasi last year pa naman yon."

This time yung kilay ko naman ang nagsalubong. "Ayaw mo ng remembrance?"

"Ayaw mo isauli diba?" umupo sya sa bench na inuupuan ko, sa kaninang inuupuan ni Belle.

"Sino naman nagsabing ayaw ko isauli, hindi pwedeng hindi ko alam saan ko isasauli? Hindi ako taga dito." sabi ko.

"Pwede naman na isearch mo ang pangalan ko sa Facebook. O di kaya ay tawagan ang cell number sa likod."

I never thought of that. "Ako pa mageeffort?" pinagcross ko ang braso ko. "Isasauli ko dapat iyon sayo kapag nakita kita ulit."

"Talaga?" tumango ako. "Eh, di nasaan na yung I.D ko, miss?" napakamot ako sa batok ko dahil sa tanong nya.

"Nasa bahay."

"Sayo na kasi iyon," sabi pa nya saka sumandal sa sandalan ng bench. "Natutunaw, miss."

"Ha?"

"Hakdog." ngumisi pa ito na tila nangaasar sa akin.

"Wala ka non, bili ka. Madami yan sa mga mall." sumandal ako sa sandalan ng bench saka muling tumingin sa harapan ko. Sa dagat at langit.

"Natutunaw na kasi yung ice cream na iniwan ng girlfriend mo." napaharap ako sa kanya at nakita kong nakatingin din sya sa dagat at langit.

Singkit. Mapupula ang labi at plump. Maputla ang kulay ng balat nya. Sobrang kurba ang pilik mata nito na hindi ganon kahaba. Medyo matangos ang ilong. Makapal ang kilay. Tsokolateng kayumanggi ang kulay ng mga mata nya na walang kabuhay buhay. Clean cut ang gupit.

Ibinalik ko ang tingin ko sa dagat nung tumingin sya sakin. "Girlfriend mo nga iyon, miss?" muling tanong nya.

"Miss ka ng miss, Ballet yung pangalan ko." kinuha ko yung tupperware ng ice cream na bahagyang natutunaw na ang laman. "And no, hindi ko sya nobya. She's a newly found friend." matapos kong sabihin iyon ay doon ko lang napansin ang nakaukit na pangalan na nasa kutsara.

Satan Leo. Iyon ang pangalan na nandoon sa kutsara. Satan? Leo? Leonebelle? Is she an atheist?

"Newly found friend? Hm." tumatango tango lang ito na parang tanga. "Ballet. Iyon ang pangalan mo hindi ba?" I nod as an answer. "Kakaiba. Bakit Ballet?"

Nagscoop ako ng spoonful of ice cream saka isinubo iyon sa bibig ko. Hinintay ko muna na matunaw iyon sa bibig ko bago sumagot. "Fascinated yung nanay ko sa mga ballet dancers nung buntis siya sakin, gusto nyang maging isang ganap na ballet dancer din ako."

Tumango tango ito. "Gusto mo ba iyon?" tumingin ako sa kanya. "Ang maging ballet dancer?"

"Noon. Ngayon hindi na, wala na ang number 1 fan ko eh." naging sunod sunod ang subo ko sa ice cream hanggang sa mapuno ang bibig ko, pinapatunaw ko iyon sa bibig ko.

GLAD YOU CAME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon