(V)

3 1 0
                                    







"Bakit ka nandito?" halos mangunot ang noo ko ng makita ko sya na nasa kusina at kumakain kasama sila Tita Esmee ng breakfast.

"Kasi I, George Acquitan, is here." pilosopong sagot nito bago sumusubo ng isang buong ham.

"Kumain ka na muna, hija, hindi ba maaga ang pasok mo ngayon?" sabi ni Tita Esmee na akmang tatayo sana kasi kukuha ata ng panibagong pinggan nang pigilan ko sya.

"Wag na po, Tita, sa school nalang po. Wala po akong gana. Una na po ako." at nagmadali akong lumabas ng bahay.

"Wait lang naman, love!" lumabas ako sa gate saka mabilis na naglakad papunta sa sakayan. "Sandali!"

Biglang sumakit ang mata ko ng mga magkaholding hands ang nakakasabay ko maglakad. "Magbe-break din kayo,"

"Love! Wait!" napapikit ako ng mariin saka mas binilisan ang paglalakad.

Nang makarating ako sa sakayan ay saktong may huminto na jeepney, agad akong sumakay doon nang hindi ko tinitignan kung saan ang routa nito.

"Phina!" tinakpan ko ang mukha ko gamit ang bag ko saka yumuko and pretended to be asleep.

"Isa nalang! Isa nalang!" sigaw ng konduktor ng jeepney. Napatingin ako sa paligid, para kaming sardinas na pinagsiksikan sa maliit na can.

"Babayaran ko nalang, Kuya. Umalis lang po tayo." sabi ko dun sa konduktor na tinitigan lang ako tapos um-oo lang din. "Salamat," inabot ko ang bente sa kanya at hindi na naghingi pa ng sukli.

Inilibot ko ang paningin ko para tignan kung may nakasakay ba na PUP student, kasi kung meron sinuswerte talaga ako ngayon. Matapos kong ilibot ang tingin ko sa harapan, ay sa side naman ng inuupuan ko ang tinitignan ko.

Hanggang sa nadapo ang tingin ko sa katabi kong nakatingin lang din sakin, nahugot ko ang paningin ko. "Prido,"

"Watanabe," nadapo ang paningin ko sa isang bouquet na bulaklak na hawak nya. Pink Roses. "Nililigawan?"

Umiling sya ng marahan. "Hindi para sayo to. Saan pala ang punta mo?"

"Somewhere," sagot ko lang saka muling pinagpatuloy ang pagtingin tingin ko. San ba kasi routa nito?

"Si—sino yung pinagtataguan mo?" napatingin ako kay Watanabe na nakatingin sa labas ng bintana ng jeep. "Ikaw ba yung hinahabol ng babae kanina?"

Tahimik na tumango ako saka tahimik na tumingin sa labas. Naiiyak ako. Naliligaw ata ako, sana sinama ko si Erich sa pagtakas kay George.

"Sino yu—," naputol ang sasabihin ni Watanabe ng biglang mas lalong nasiksik malapit sakin dahil gumalaw ang katabi nya.

Napangiwi ako dahil sa sakit na naramdaman ko sa hita ko. Kasalanan kasi ito ni Kaolin at Belle, binalian nila ako ng buto kagabi dahil sa yoga yoga nilang dalawa.

"Ayos ka lang?" nagaalalang tanong ni Watanabe sakin nang mapansin yung pagngiwi ko sa sakit.

Tumango ako tapos umiling. "Ayos lang ako pero masakit,"

"Alin ang masakit?" bakas sa mukha nya yung pagaalala sakin. Chineck nya pa ang kabuuan ko.

"Hita ko," sagot ko sa kanya saka bahagyang itinaas ang kanang hita ko dahil mas lalo lang akong nauusog at nadidikit sa katabi ko.

Nagtaka ako bigla nang bigla nyang tinapik ang hita nya. "Kandong ka sakin, Prido."

Ramdam kong napunta sa mukha ko ang dugo ko. Ang init! "Ayaw ko nga!" napalakas ata masyado ang boses ko dahil napalingon lahat samin ni Watanabe. "Ay sorry po,"

Narinig kong natawa si Watanabe saka tinapik ulit ang hita nya. "Kandong ka nga kasi sakin, Prido. Wag na arte."

Namilipit ako sa sakit nang muli na namang naipit iyong hita ko. Walang choice. Napabuntong hininga nalang ako saka dahan dahan na tumayo na medyo nakayuko, inalalayan ni Watanabe ang ulo ko hanggang sa makaupo ako sa hita nya.

Th—ump. Th—ump. Th—ump.

"Bigat mo," napasimangot ako saka akmang uupo nalang ulit sa kaninang inuupuan ko pero hinawakan nya ang beywang ko para pigilan. "Joke lang."

Iyong milyong milyong boltahe, ayan na naman po siya.

"Joke mo nakakaoffend, Watanabe." naasar na sabi ko sa kanya. Sabihan ba daw ako ng mataba indirectly. Kasalanan nya naman kasi sya nag offer diba?

"Biro lang eh, sexy mo ka—sh-it," biglang prumeno ang jeepney driver kaya muntikan na akong tumilapon kung saan kundi lang ako nahawakan ni Watanabe sa beywang.

"Uwaah," bigla akong napatingin sa baby na nasa tabi ng katabi ko kanina, hawak ito ng nanay nya. Siguro nasa isang taon na ito mahigit.

"Shhh, tahan na anak." pagpapatahan ng nanay nya sa kanya. Kumalma din ito ng kantahan nya ito.

Napangiti ako sa eksenang nasaksihan ko. Gusto ko na din tuloy magkaanak, pero masyado pang maaga.

"Diretso ka na ba sa school, Ba–Rina?" agad na napataas ang kilay ko dahil ito ang ikalawang beses na tinawag nya ako sa palayaw ko.

"Yeah, diretso na. Saan ba ang sakayan papuntang LRT?" tanong ko sa kanya.

"Sa susunod na babaan, bumaba ka tapos sumakay ka papuntang LRT," sagot niya sakin.

"Ah okay, eh ikaw? Hindi ka papasok?" tanong ko sa kanya habang inaayos ang pagkakahawak ko sa bag. Napadapo ulit ang tingin ko sa bulaklak.

Para kanino kaya ito?

"Hindi, mamaya pa ang klase ko." sagot naman ni Watanabe kaya napatango nalang din ako.

"Dito na?" tanong ko kay Watanabe nung huminto na ang jeepney, tumango naman sya.

"Ingat ka," tumango ako

"Ikaw din," saka ngumiti sa kanya bago tumayo saka bumaba sa jeepney.

Nang makababa na ako ay kumaway muna ako sa kanya bago tumalikod at naglakad papasok sa LRT.

Pero habang naglalakad palayo sa jeepney, iyon parin ang tanong na nasa isipan ko.

Para kanino ang bulaklak?


—————


"Fancy seeing you, Rina!" magiliw na sabi ni Ciara sakin nang makalapit kami sa gawi niya. Kasama nito si Janice na halatang may tinatawagan. "Oh, hello little boyfriend of Rina."

"Hindi kami, Ciara. Kaibigan ko lang yan." naiiling na sabi ko sa kanya. Napatingin ako kay Janice na tila nababahala at nagaalala.

"Oh? Talaga?" baling nya kay Ajay na ngumiti at tumango lang bilang sagot.

Nakasalubong ko si Ajay papasok kaya nagsabay na kami, magkaklase din kami sa first period ngayong araw. Nalate daw siya dahil nagtalo pa siya ng nanay at tatay nya, gusto kasi ng parents nya na makipag-date sa isang anak ng kasosyo nila.

"Hindi talaga macontact si Yubi," sabi ni Janice habang nagtitipa sa cellphone niya.

"Bakit?" tanong ni Ciara. "Baka natraffic?"

"Hindi iyon natraffic, mas maaga pa nga iyon umalis kesa sakin kasi maaga ang schedule nya ngayon. Chinat kasi ako ng kaklase nyang may gusto sa kanya, hinahanap si Yubi. Nagsisimula na kasi ang klase nila n'on kaya tinatawagan ko."

Sabi niya mamaya pa ang klase nya? "Sigurado ka?" paninigurado ko.

"Oo, sure ako." sagot naman ni Janice na tinatry pa ding tawagan si Watanabe.

Nagsinungaling sya? Bakit?

GLAD YOU CAME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon