Muntikan akong ma-out of balance nang patakbong lumapit sakin si Belle at bigla nalang akong dambahin ng yakap. "Namiss kita, Rina babe!"
"Belle," ngiting tawag ko saka niyakap sya pabalik.
Hindi gaya ng inaasahan ko na aawayin ako ni Belle dahilan kay George, she's still the same Belle who I became friends with. Belle even told me that it was their issue at labas ako doon. Ang ganda lang ng mindset nya.
Halos dalawang linggo din akong hindi nakabisita dito kela Tita Esmee nung lumipat ako sa condo kasama yung dalawang kambal. Aside from busy from school, si George at Ota ang lagi kong nakakasama dahil nag-aaya sila. Ayoko din namang umuwi dahil may demonyong nag-aabang sakin na nagngangalang Carter.
"Hindi tayo nagkakasalubong sa school!" tila naiiyak na ani Belle na kumalas sa pagkakayakap saakin. "Hindi ka man lang din nakapag-text sakin!"
"Bakit? Ikaw ba nag-text sakin?" sabi ko sa kanya na ikinatahimik nya kaya natawa nalang ako. "How are you ba, Belle? Long time no see?" birong sabi ko.
"Sira!" hinampas nya ako sa balikat ng mahina. "Pero seryoso! Namiss kita! Huhu!" pumahid-pahid pa ito sa pisngi nya pero wala namang luha.
"Sos, si George talaga ang namimiss mo e." natawa nalang ako nung namula nang parang kamatis ang buong mukha nya saka mahina akong kinurot bago nya akong yakapin.
Belle and George. They do like each other pero ayun nga, they have issues. I do hope they'll resolve it. Nagtitino pa naman si George kay Belle. Never in my life I have seen George frustrated over something, over someone.
"Ate Letty? Is she hapon?" napatingin ako sa kanan ko at nakita doon si Ota na hawak ang water jar nya sa kanang kamay at isang Hello Wafer Chocolate bar sa kaliwa.
Bumitaw si Belle sakin at nilingon si Ota. "No, I'm not ha—," natigilan si Belle nang napaharap sya kay Ota. "New crush alert!" tili na bulong nya saka pinaypayan ang sarili nya.
Natawa nalang ako. "Ota, siya si Belle. Kaibigan ko." ngumiti si Ota kay Belle na mas nilakasan ang pagpapay sa sarili. "Belle, kababata ko, si Ota."
"Hi po, Ate Belle." bati ni Ota.
"Belle nalang, ano ka ba. Hindi naman tayo nagkakalayo ng edad eh. 19 pa ako."
"I just turned 16," kamot ulong sabi naman ni Ota.
"Age doesn't matter." ngiting sabi naman ni Belle kaya binatukan ko na nga. "Aray!"
"Bata pa yan, Belle. Wag kang magsimula." tawang banta ko. "Hindi lang ako ang ha-hunting sayo pag iyan nasaktan, sila ni Erich at George."
"Hindi ko naman yan sasaktan eh!" napailing nalang ako saka hinawakan ang kamay ni Ota saka pumasok sa loob ng bahay nila Tita Esmee, habang nakasunod samin si Belle na kinakausap si Ota kahit nasa unahan kami.
Belle is still the same, crushing over individuals she meets. Isa sa mga kinaiinisan at rason ng frustration ni George. George's jealous.
Pagpasok na pagpasok namin ay agad na nadatnan ko sila Erich na nasa sala at seryosong naguusap, napatingin sila samin nung pumasok kami.
"Rina?!" si Janice at Leo iyon. Ningitian ko sila.
"Rina," seryoso ang mukha ni Erich nung makita ako pero napangiti ng makita si Ota. "Princess, nandito ka? Himala wala si Princess Charming?" pagtukoy nya kay George.
"She's been busy with her studies, Ate." ngiting sagot naman ni Ota kay Erich na lumapit sa gawi namin.
"Hm," tumango-tango si Erich. "Ota, this is Janice, Leo, Jack, Yubi, Ciara, Vanessa, Kaolin. Barkada ko sila." isa-isang pinakilala ni Erich ang barkada kay Ota na nakangiting tumango-tango. "Guys, si Ota nga pala. Kababata namin ni Rina."
"Hello po," bati naman ni Ota sa kanila.
"G-ago! Akala ko chics mo, Rina!" tila dismayadong sabi ni Janice. "Jan nalang itawag mo sakin, Ota." ngumiti si Janice kay Ota.
"Dakota Baltan," biglang wika ni Ciara kaya lahat kami napatingin sa kanya. "Ah–eh, hindi ba ikaw si Dakota Baltan?"
"Kilala nyo po ako?" takang tanong ni Ota na nakataas ang kaliwang kilay.
"Kind of?" hindi siguradong sagot ni Ciara. "Hindi ba't ikaw iyong nakababatang anak ng mag-asawa na si Mr. and Mrs. Baltan? Iyong mahilig mag-franchise ng mga pagkainan?" That explains why.
"Nice name, Jack nalang." ngiting sabi ni Jack.
Isa-isa silang nagpakilala kay Ota na nakangiti lang. Hanggang sa siya na ang magpapakilala.
"Yubi." maikling pakilala lang nito pero ang paningin nya ay nasa hawak nyang cellphone. Hindi man lang ito tumingin sa gawi ni Ota.
Ang lamig ng boses nya, tila nagbabagang yelo. I should not care.
"Oh," ang sabi lang ni Ota saka tumingin sakin at ngumiti bago bumaling sa gawi nila Watanabe. "Nice to meet all of you po,"
"Si Tita?" tanong ko kay Erich na itinuro ang back door ng bahay nila. "Maiwan muna namin kayo," paalam ko sa kanila saka hinila si Ota papunta sa back door.
Pagrating namin roon ay nadatnan namin si Tita Esmee at Erika na nagga-gardening, masaya silang nag-uusap tungkol sa bagay bagay.
"Tita Esmeeng!" tili ni Ota saka patakbong nilapitan ang gawi nila Tita Esmee.
Napatingin si Tita Esmee kay Ota at agad na napatayo. "Otap! Jusko!" masayang sinalubong ni Tita si Ota.
Napasandal ako sa pintuan at pinagmasdan silang magyakapang dalawa, nang bigla nalang may nag-text sakin.
: You look good. Siya ang girlfriend mo?
Agad na napataas ang kaliwang kilay ko at nilingon ang gawi nila Erich at nakita syang nakatingin sakin. I raised my hand na hawak ang phone. Umiwas lang sya ng tingin sakin at ibinalik sa cellphone ang paningin nya. Muling nagvibrate ang phone ko.
: Namiss kita, Prido.
Pagkabasa ko sa text nyang iyon ay agad na nilock ko ang screen ng phone ko at ibinulsa ito bago tumingin ulit sa gawi nila Tita Esmee at nakitang nagkwe-kwentuhan pa silang tatlo.
"Rina," boses iyon ni Erich. Nilingon ko ito at agad na nanlaki ang mga mata ko ng makita ko na naman siya! Stalker ko ba ito? "May naghahanap sayo. Sabi nya boyfriend mo daw siya."
The fudge? "Ano?"
"BOYFRIEND?!" napangiwi ako nung sabay sabay silang sumigaw lahat maliban kay Watanabe na nakatitig kay Carter na feelingero.
"Hey, baby, you weren't answering my calls so," lumapit ito sa gawi ko with a smug look plastered on his face. "I came."
"I want to erase that smug look on your face, you dipshit," naasar na sabi ko sa kanya.
Itinaas nito ang mga kamay nya. "Easy, baby, you're so wild." saka kumindat pa ito saakin.
Muling nagvibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito haban sinasamaan ng tingin si Carter. Binasa ko ito at dahan-dahang humihina ang tibok ng puso ko.
: Gwapo at mukhang mayaman. Bagay kayo para sa isa't isa. Be happy, Prido.