"Inaayawan mo ako?" taas kilay na tanong nya sakin matapos kong sabihin na hindi ako maga-apply bilang roommate nya. "Aba, akala ko ba mahal mo ako?"
"Noon yun," kumuha ako ng iilang table napkin tissue na nasa lalagyan nito at pinunasan ang gilid ng labi ko dahil tapos na akong kumain ng burger ko.
"Hindi na ngayon?" tinignan ko sya at agad na umiwas ng tingin at napainom ng Coke-in-can dahil nakakailang ang paraan ng pagkakatitig nya sakin.
"May sinabi ba ako?" tanong ko naman pabalik sa kanya matapos kong ilapag ang iniinom ko sa lamesa. "Sinabi din ni Janice sakin na siya ang kasama mo sa lilipatan mo. Dalawang kwarto lang ang lilipatan mo hoy." pagpapaalala ko sa kanya dahil baka nakalimutan nya.
"Oo nga, dalawang kwarto. Kay Janice ang isa at satin ang isa. Magkaiba ang housemate at roommate. Housemate ko si Janice, gusto ko ikaw ang magiging roommate ko."
Nasa Jollibee kami malapit lang sa unit nila Nick, mas convenient kasi sakin kung malapit dahil hindi ko pa masyadong kabisado ang pasikot sikot ng daanan dito sa Maynila. Buti nalang at napapasyal sila dito kaya alam niya ang pasikot sikot.
It's a bad news for me.
Bakit bad news? Dahil naroon kay Yubi ang advantage dahil mas kabisado nya ang daanan kapag nagtakasan kami. Habang nasa disadvantage ako dahil nga medyo mahina ang sense of direction ko. At least hindi kasing hina kay Ota.
Kahit kasi noon sa Cagayan de Oro na halos araw araw siyang pumupunta sa isang lugar ay naliligaw pa din talaga si Ota. Kung saan saan nga sya napupunta, buti nalang at naroon si George at Timothy para sunduin o ihatid siya sa mga lakad niya.
"Gusto mo lang ata akong makasama sa isang kwarto e," pangaasar ko sa kanya.
"Gusto kitang makasama," napalunok ako at how intense she looks at me. "Kung ayaw mong sa iisang kwarto tayo, kick out natin si Janice para doon ka sa kabilang kwarto. O di kaya ay sa iisang kwarto kami ni Janice tas ikaw sa isa."
"Hoy, joke lang iyon." I, then, awkwardly laugh. Siraulong Yubi to! "And besides, you are taken. Hindi magandang tignan na may kasama ka sa iisang kwarto. Let alone, ako pa. At wala akong pera pang-cover sa rent ko, kaya nga nakikitira lang ako e."
Iniapan nya ako. Cute. "Bakit? Anong problema sayo? Tsaka kaya nga sa kwarto ko nalang ikaw, libre ka lahat."
"Weh?" hindi naniniwalang ani ko. Sino bang punchong pilato ang nago-offer ng ganyan at kausapin ko lang baka may nakain siya na nakain ni Yubi. "Di nga?" ngumiti sya at tumango.
Lah, g-agi. Seryoso sya?
Biglang bumilis ang tibok ng pus ko, para akong tumatakbo ng kung ano dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Nagsisimula na din akong mahirapan huminga. Parang may barado sa passage way ng lungs ko, hindi ko ma-explain.
"Ayos ka lang, Prido?!" tumayo sya at agad na lumapit sa tabi ko habang hinahagod ang likod ko. "Anong nararamdaman mo?!" napangiwi ako sa lakas ng boses nya. "Sumagot ka!"
Kakasigaw mo makakaahakot tayo ng audience.
At hindi nga ako nagkamali, dahil ilang segundo pa lang ay napapalibutan na kami ng mga naguusisang kapwa namin na customer. May lumapit na din saming crew ng Jollibee, asking if I am okay o kung ano ang nararamdaman ko.
"Ayos na ako, thank you." ningitian ko yung manager ng Jollibee na agad na kinuhaan ako ng tubig at akmang taatwag na ng ambulance dahil nga sa biglang attack ng kaabnormalan ng katawan ko. Si Yubi talaga ang may kasalanan nito!
"Sigurado ka, Miss?" ang tanong ng manager sakin na sinagot ko ng konting ngiti at tango.
Umalis lang sya nung matapos nyang masigurado na ayos na ako at walang problema sakin. Napangiti ako, he would make a great asset for Ota. I'll definitely talk to Ota.
"Rina," nilingon ko si Yubi na nakaalalay sakin at agad na nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ko syang masama ang tingin sakin. "Gusto mo sya? Type mo?"
"Sino?" takang tanong ko sa kanya pero inirapan lang nya ako at padabog na umupo sa kaninang upuan nya.
Problema nito?
"Wala!" halos pasinghal na sabi nya.
Kinuha ko ang bakanteng upuan na nasa likuran nya saka ipinuwesto iyon sa tabi ni Yubi saka ako umupo. "Ba't ka ba nagagalit bigla bigla? Meron ka ba?"
"Tss," nagiwas sya ng tingin pero masama pa din ang timpla ng mukha nya.
May nagawa ba ako? "Nagseselos ka ba?" pananantya ko dahil baka tungkol to sa manager dito sa Jollibee kanina.
"Oo," hindi nya parin ako nililingon at ganon pa din ang itsura niya. Parang mob boss na namomoblema sa isang palpak na shipment.
"Ha?" para akong naging bingi. Nagseselos sya? Bakit?
Marahas na nilingon ako ni Yubi, masama pa din ang tingin na pinupukol niya sakin. "Dun ka sa lalaki mo, tutal gwapo naman yun tas matino. Mukha nga lang syang taken." nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nya. Ano?
"Mukha lang syang taken, ikaw nga taken na taken e." pambabara ko sa kanya. Pinaggagawa mo sa buhay mo, Yubi? I heaved a deep sigh. "Don't play with my feelings, Yubi, I don't want to get caught in your icy game."
"Icy game?" kita ko ang pagsalubong ng kilay ni Yubi. "Hindi ako nakikipaglaro sayo."
"You are taken." madiin na sabi ko sa kanya. "Stop these nonsense."
"Nonsense?!" biglang tumayo ng marahas si Yubi na ikinagulat ko, mukha syang galit. "Mahal kita, Ballet! Mahal kita! Hindi mo ba naiintindihan iyon?" pumikit si Yubi saka huminga ng malamin bago ako tignan muli. "Bakit ba hindi ka naniniwala sakin?" mahina ang boses ni Yubi saka nakayukong pabagsak na umupong muli. "O baka hindi mo na ako gusto kaya inaayawan mo na ako—aray!"
"Siraulo," nabatukan ko sya nang wala sa oras. Ang awkward nito! "May jowa ka, pinagsasabi mo dyan?" pagtataray ko sa kanya. "Dapat maintindihan mo kung saan nanggagaling ang mga sinasabi ko. Dahil naiisip ko na kaya ka lang lumalapit ulit dahil hindi kayo maayos ni Sabrina, gets mo ba?" napahinga ako ng maluwag nang dahan dahan na tumango si Yubi, malambot na din ang expression nya.
Inabot niya ang kamay ko at masuyong hinawakan iyon. "Hindi ko masasabi sayo lahat ngayon pero sana mahintay mo ako,".
Hindi ko alam. Risking the same danger twice is stupidity.
"You better hurry, Watanabe. Baka maiwan kita." ngumisi ako sa kanya.
But if it's Yubi Watanabe and her icy game—I don't mind getting trap.