(T)

4 1 0
                                    







Dalawang araw simula nung sinabi ni Janice na yung nagngangalang si Sabrina ay nandito, dalawang araw na din akong walang balita kay Yubi. Kahit anino nya di ko nakita.

Kamusta na kaya siya?

"Hoy, Rina. Ayos ka lang ba?" nagaalalang tanong ni Hanna sakin. Kakatapos lang ng meeting namin with Professor Valdez sa Mathematics 17.

Ningitian ko sya. "Oo naman, ayos lang ako. Bakit?"

"You look down kasi," pagpansin nya sakin. "You are always attentive in class kaya, tapos kanina lutang ka, sis."

Sino ba kasi si Sabrina? "Nothing, may iniisip lang ako. I was thinking of going to the mall today, sama ka?" palusot ko sa kanya. Bite, Hanna.

Napatili si Hanna kaya napatingin samin ang mga kaklase namin. "Ay sorry," paumahin nya saka nagpeace sign. "Game ako dyan, ngayon na ba?"

"Oo sana, gusto ko mag arcade."

"Ay hala, may last period pa kasi ako. Wala ka na bang schedule ngayon?" tanong nya sakin habang sinisipat ang notebook nya.

Hanna Javellana keep tracks of her schedule, lahat ata ng notebook nya may schedule ng klase nya. Pati wallpaper at lockscreen ng phone nya, picture ng schedule nya pa din.

Prim and proper. Excellent student din si Hanna. Ang sabi ni Jackie consistent honor daw ito sa elementary, junior and senior high school days nya.

Umiling ako. "Wala na, maglilibot nalang siguro ako sa school. Hintayin kita matapos?"

"Sigurado ka?" isinukbit niya ang sling bag nya sa braso nya. "Baka mabagot ka kasi kakahintay, text mo nalang ako kung uuna ka sa mall ha?" I nodded.

"See you in a bit," kumaway lang sya sakin bago dali daling lumabas sa room kung nasaan kami.

Napabuntong hininga nalang ako saka iniligpit ang mga gamit ko. Pagkatapos kong magligpit ay ang pagsidatingan ng mga studyanteng gagamit sa room.

Isinukbit ko ang bag ko saka lumabas ng room. Paglabas na paglabas ko nakita ko si Watanabe, pero may kausap siya. Nasa grounds sila ng school. Parehas silang nakangiti.

Kita ko kung paano magningning ang mga mata niya habang kausap ang babaeng katabi nya.

Siya kaya si Sabrina?

"Rina?" napalingon ako at nakita si Janice na tila kinakabahan. "Tapos na klase mo?" ningitian ko sya.

"Oo, bakit?"

"May pupuntahan ka pa?" umiling ako.

"Wala na, hihintayin ko lang si Hanna kasi inaya kong mag mall kami."

"Kasama mo si ano?" umarko ang kilay ko. "Si ano ba."

"Ano ka ng ano dyan, sino ba?"

"Nagagalit ka eh! Wag nalang," napatawa ako.

"Siraulo ka pala eh, ikaw yung tatanong tanong. Pasapak nga ako, kahit isa lang parang awa mo na." parehas kaming natawa ni Janice pero hindi lumagpas sa mata ko ang paglapit ng mukha nila Watanabe at ng babae.

Napahawak ako sa dibdib ko habang nakatingin sa kanila. "Kumikirot,"

"Ri–na, ano, si Jackie ba. Isasama mo ba si Jackie?" nilingon ko ulit si Janice pero yung mukha nya ayun parin, kinakabahan. "Kung sasama si Jackie, sasama talaga ako."

"Di pwede oy," sabi ko saka hinarap si Janice, bahagya kong inilapit ang mukha ko sa kanya kaya napaatras sya ng kaunti. Akala nya ba hahalikan ko sya? Luh, asa. "Girls out yun, lalaki ka. Wala ka nga lang etits." tapos tumingin ako sa may puson nya tas ngumisi sa kanya.

Bigla nyang tinakpan ang sa baba ng puson nya kaya napahalakhak ako ng malakas. "Bastos!"

"Totoo naman eh, wala ka naman talaga non." despensa ko habang natatawa.

"Kailangan talagang tumingin ka sa baba ko? Bastos nito! Papasampahan kita ng kaso kay Yubi!" sabi pa nya. "You molester!"

"Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko sa kahit saang korte, hindi kagaya mo na nagcacall-a-friend ka pa. At hindi kita minolestya, dream on."

"Ay heyt yo!" at padabog itong naglakad paalis. Pikon.

"Sasama ko si Jackie, Nice!" pahabol na sigaw ko sa kanya, bigla syang huminto tas lumingon sakin ng may ngiti. "De joke lang, lumayas ka na." nawala ang ngiti nya at inirapan ako pagkatapos ay naglakad na nga paalis. Lumiko ito sa isang kanan kaya hindi ko na nakita pa.

Napailing nalang ako saka inisip ko kung saan ako tatambay habang inaantay si Hanna.

"Miss Paberecio?" napalingon ako at nakita ang lecturer ko sa Chemistry 16, si Professor Labadan. May dala itong tatlong malalaking libro.

"Magandang hapon po, Prof. Tulungan ko na po kayo." saka kinuha ko sa kanya ang nga libro sa kanya. Mabigat ang mga libro pero kaya naman syang aswatin.

Professor Labadan is in his late 60s pero ang lakas, healthy at fit pa rin nya, mukha nga siyang nasa early 50s pa. Ang sabi sabi walang asawa at anak si Professor Labadan, wala daw itong plano. Gaya ni Tito Anton, Professor Labadan is married to his job ever since he started teaching.

"Saan po ba ito dadalhin, Prof.?" tanong ko kay Professor na nagsisimula ng maglakad.

"Sa library natin, hija. Wala ka na bang klase?" pagtatanong ni Professor sakin na agad kong inilingan bilang sagot.

"Wala na po, tapos na lahat." tumango si Professor Labadan. "Kayo po, Prof.? Wala na po kayong class?" umiling ito.

"Meron pa, pero may 30 minutes break pa ako. Isasauli ko lang itong mga libro saka pupunta ng cafeteria, nagugutom ako." tawa ni Professor Labadan.

"Naku, ako nalang po ang maghahatid niyo, Prof., doon din naman ang punta ko po." doon nalang ako maghihintay kay Hanna.

Huminto sa paglalakad si Professor Labadan at alanganing tumingin sakin. "Sigurado ka, hija? Baka nakakaabala ako?" umiling ako saka ningitian sya.

"Hindi po, Prof., sigurado po ako. Di po ba sa cafeteria ang pupuntahan nyo? Kumain na muna kayo, Prof., may klase pa po kayo eh."

"Ang bait mong bata," hinawakan nya ako sa ulo saka tinapik ito ng ikatlo. "Salamat, hija. Pagpalain ka ng Maykapal." saka naglakad na si Professor papunta sa direksyon ng cafeteria. Magkaiba kasi ang direksyon ng pupuntahan nya at sa library.

Inayos ko muna ang pagkakakarga ko sa malalaking libro bago nagpatuloy sa tinatahak ko na daan, papuntang library.

"Pinapasauli ni Professor Labadan," sabi ko sa librarian na siguro ay nasa mid 20s lang niya.

Tumango lang ang librarian saka kinuha sakin ang tatlong libro, may sinignan lang ito sa paunang pahina ng mga libro saka sinabi sakin na okay na.

Nagsimula akong maglibot sa library. Malinis. Tahimik. At maaliwalas ang library. Merong mga studyante na nandirito pero bilang lang sa kamay.

Fiction. Fiction. Fiction.

Lingon ako ng lingon, hinahanap ko ang fiction area. Tinignan ko ang mga sign na nasa taas, at hinanap ang salitang fiction. Nang makita ko ito ay agad ko itong pinuntahan.

Liliko na sana ako sa kanan dahil nandoroon ang fiction area ay biglang akong tumama sa kung ano at naupo nalang sa sahig.

"Sh-it, ayos ka lang?" inangat ko ang paningin ko at agad na nanlaki ang mga mata namin ng makilala namin ang isa't isa.

"Love?!"

Out of all people, bakit sya pa? "George?!"

GLAD YOU CAME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon