Nakatitig lang ako sa kawalan, tila may replay ang utak ko at replay ng replay ang nakita ko kagabi.
Ang sakit, pero wala akong karapatan para magalit o magtanong sa kanya kung ano ba talaga sila ng kasama nya. They way they look at each other's eyes– argh! Papangit nila!
"Ayos ka lang, Rina?" napatingin ako sa katabi ko saka ningitian sya. "Sigurado ka?" tumango ako bilang sagot. "Hindi ka mukhang ayos," kometo nya pa.
Natawa ako. "Ayos lang ako, Ajay."
Kakatapos lang ng klase ko sa least favorite subject ko na Chemistry 16 and as usual si Ajay ang kasama ko ngayon, pero nasa library kami dahil kami ang pareha para sa isang gawain namin.
Nandito ulit ako sa library kung saan kami nakick out ni George.
"Kamusta naman ang love team kong YuRi?" tinaas baba nya pa kilay nya kaya natawa nalang ako.
Si Ajay ang nakwe-kwentuhan ko tungkol kay Watanabe, siya din ang nagpangalan sa love team kuno.
Love team? Hakdog na love team yan, pwede din YuBri, mas maganda. Tss. Bobo mo, Ballet. Ikaw magiisip pero ikaw din nasasaktan. Jusko.
"Ah talaga? Sorry ang love team ko kasi is JayLe." mas lalo akong natawa dahil hindi nya ata nagets kung sino. "JayLe, gurl, Ajay at—,"
"Hush! Ingay ingay." suway nya sakin habang namumula ang mukha nya, gets na nya agad eh.
Natawa nalang ako saka pinagpatuloy ang pagbabasa ng libro na related sa topic namin sa Social Science I.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng biglang nagvibrate yung cellphone ko na nasa side pocket ng upper uniform ko. Kinuha ko ito at binasa.
: Ate Letty, it's Ota. Got your number from Kuya Tim. Dinala ni mamay at papay sila Lan pauwi don satin, so ako lang magisa kasi yung mukhang paa may work. Pwede ano? Labas tayong apat nila Ate Erich at Ate George mamaya? Kung pwede? Lovelots!
Iyon ang laman ng text nya. I don't know if i'm crazy or what pero rinig ko ang boses nya na sinasabi ito. Ang cute lang nya, kahit sa text makulit. Kahit din sa text alaskador parin.
Napailing nalang ako at napangiti dahil kay Ota, she somewhat lit my mood up. Happy pill talaga namin to. Nireplyan ko agad ito na I am free later, tawagan ko lang sila ni Erich para ayain. After a minute or so, muling nagtext si Ota.
: I already called Ate George, she already said yes. Si Ate Erich nalang po, Ate, ang hindi ko nacocontact.
Agad ko din syang nireplyan, saying na pupuntahan ko nalang si Erich pero bigla naman akong kinalabit ni Ajay kaya napatingin ako sa kanya.
"Si bebe mo?" tanong nya sakin na agad kong inilingan.
"Wala akong bebe," sabi ko bago sinend ang reply ko kay Ota. "Katext ko yung nakababatang kababata namin ni Erich, nagaaya kasi na lumabas kami."
"Ay," dismaya itong umayos ng upo. "Akala ko si lover girl," napailing nalang ako saka triny na tawagan si Erich. Nagbabasakali na macontact na sya pero yung operator ang sumagot saying na she's out of coverage. No choice talaga.
