"Sino iyon, Ate Letty?" bakas sa mukha ni Ota ang pagtataka kung sino ang nakisabay samin kumain. Si Sandra.
"Di mo rinig kanina?" pasimple akong umiwas ng tingin at tumingin sa view na nasa harap namin. "Jowa sya ni Yubi."
"Hm," kita ko sa peripheral vision ko na tumango-tango si Ota. "Sino si Yubi, Ate?"
Kumuha ako ng ilang chips sa bowl na nasa gitna naming dalawa. "Kaibigan." saka isinubo ito at maingat na ininguya.
"Doesn't sound like one," napalingon ako kay Ota at nakitang nakangiti itong nakatingin sa view na nasa harapan namin.
Pagkatapos ng pagkatapos ng lunch namin ni Ota with Sandra agad na umalis lang kami kasi parehas may klase kaming dalawa ni Ota, nothing special happened sa buong periods ng klase ko at dumiretso dito sa condo nila Ota at Timothy dahil malelate umuwi si Timothy at maiiwang mag-isa si Ota, ang mga kapatid naman nito ay naroon sa Mamay at Papay niya kaya ako na ang nagprisintang sasama kay Ota matulog kasi ayokong umuwi at makita ang pagmumukha ni Carter the animal.
"Bakit naman?" tanong ko habang nagsasalin ng juice sa baso ko.
"Well," Ota was holding her phone and scrolling through her newsfeed in facebook. "The way you say that person's name—Yubi name nya diba?" tumango ako bilang pagkukumpirma na tama sya. "It sounded bitter, Ate. Siguro kung hindi kita nakasama sa paglaki? Hindi ko iyon mapapansin." napangiti ako.
Ota acts as if she doesn't care about her surroundings at all, but she's actually observing. Especially the rowdy type of Ota, yung Ota na hindi pa inaadopt ng pamilyang Baltan. Makikita mong wala syang pakialam sa paligid nya. She acts and says what she wants, makakasakit man ng tao o hindi. Dahil narin siguro na 12 years old pa siya noon, hindi pa masyadong mulat ang mata nya. She's tackless and careless. Pero unti-unti iyong nabago kapag uuwi sya galing sa abroad, yung inadopt na siya ng pamilyang Baltan. Ibang iba sa Ota noon, the Baltan didn't changed Ota, sadyang nagdalaga lang siguro si Ota. Pero sya pa din ang cute na si Ota, pumayat at nagdalaga nga lang.
"Compliments to your grammar structuring and cute accent, Princess." sabay na natawa kami ni Ota when I used the nickname George calls her. "Pansin ko ay panay ang paggamit mo sa English language, why?" I didn't mean to dodge her question, I was just curious bakit nagiingles sya lagi.
"Practice, Ate. Nagusap kasi kami ni Kuya nung nakaraang araw tungkol sa pagkokolehiyo ko."
"What about it?"
"Tinanong nya ako sa plano ko patungkol doon, kung saan ko gusto mag-aral pero wala akong maisagot kasi hindi ko alam. Hindi ako yung nagdedemand, Ate. Kontento ako sa kung ano ang meron saakin." napangiti ako. Still the same Ota. "Kaya tinanong ako ni Kuya kung gusto ko bang sumama ulit sa kanya sa abroad after New Year's Eve."
"Hindi ba't dito ka na nag-aaral?" takang tanong ko. Umiling naman si Ota kaya mas lalong ikinataka ko.
"Suspended ang klase namin for 5 months now, ang tanging ginagawa ko is magopen ng portal namin at doon magsagot ng mga activities na sinesend ng mga teachers namin."
"Bakit suspended?"
Ota shrugged off. "I don't know, Kuya just received an email from the school where I studied. Ang sabi may nangyari daw so ang classes sa online nalang for, um, 7 months?"
"Wow, that long? Mahirap?" tumango naman si Ota sa tanong ko bilang sagot. Sabay kaming kumuha ng chips sa bowl, diretso bibig yung kanya habang iniisa isa ko yung akin.
"Mahirap mag-adjust. I prefer face to face classes." ngumu-nguyang sabi ni Ota.
"Hey, hey. Don't talk when your mouth is full," natatawang saway ko sa kanya dahil tuloy tuloy ang pagsubo nya sa chips.
Natawa lang si Ota at tahimik na nagpatuloy sa pagnguya. "So," nagsalin sya ng juice sa baso nya. "Sino is Yubi?"
"Si Yubi," tumingin ako sa harapan namin saka napabuntong hininga. "Yubi is the one, Ota. My subject of interest." tahimik lang si Ota na nakikinig sakin. "Pero wala eh, talo ako." tumingin ako kay Ota na nakatitig lang sakin saka ko sya ningitian. "Gusto nya lang ako noon, mahal nya yun."
Biglaang tumayo si Ota saka sumuntok sa taas. "Resbakan natin!" natawa ako.
"Sira, wag na."
"Nagustuhan ka nya pero may mahal syang iba?" umupo ulit si Ota saka ininom ang juice na nasa baso nya. "Posible ba iyon?"
I shrugged off. "Hindi ko alam, siguro? And besides, I'm engaged. That would be cheating."
"Oh, come on! As if your engagement is legit. Bigyan nalang kita bebe, Ate." humagikhik si Ota. "I have friends there, may college students din. Malay mo diba taga don pala meant for you, or si Ate George talaga ang para talaga sayo."
Napatawa ako nang itaas baba nito ang kilay nya. "George is a good catch but nah, tropa. Besides, I don't need a man or a woman in my life naman, kaya ko mabuhay mag-isa." tumango si Ota.
"Is it weird, Ate? Na I can't see myself na may asawa o kinakasama?"
"Not really." umiling ako. "May tinatawag naman tayong asexual. Maybe asexual ka. Or," kumuha muli ako ng chips sa bowl. "Wala pa talaga yan sa plano mo, you're still young, Ota."
Tumango-tango naman si Ota. "Could be, Ate. Gusto ko muna mag-enjoy!"at itinaas nya ang kamay nya at iniwagayway sa ire.
"That's right. I-enjoy mo muna, Ota, saka ka magbalak na magpakasal o ano." natatawang saad ko.
Sunod na napagusapan namin ay tungkol sa buhay nya sa abroad. Madami pala syang mga kaibigan doon, mababae man o lalaki.
Nagtatawanan kaming dalawa dahil sa kwento nya tungkol sa karanasan nya doon, nung mga panahon na hindi pa siya ganon kahasa sa ingles.
Nahinto lang ang tawanan namin nang nakarinig kaming bumukas ang pintuan ng front door.
"Ma? Ota?" boses iyon ni Timothy.
"Let's clean up na," ngiting sabi ko kay Ota na tumango at ngumiti lang din.
"Nasan kayo?" muling tawag ni Timothy.
"Terisita, Kuya!" sigaw ni Ota habang tinutupi ang kumot na inilatag namin.
"May pasalubong ako dito para sa inyo, I also have a friend with me if you two don't mind!"
"Okay!" muling pagsigaw ni Ota.
Tinapos na muna namin ang paglilinis sa terisita, hindi na kami nagabalang ipasok iyon dahil babalik din naman kami roon mamaya. Pagkatapos namin linisin ay pumasok na kami sa loob. Nadatnan namin si Timothy na nasa kusina at may niluluto.
"Anong niluluto mo, 'Ya?" tanong ni Ota na lumapit sa Kuya Timothy nyang may suot na apron at may hawak na spatula. Binuksan ni Ota ang lid ng kaldero. "Halaaaa!" at bigla nalang itong nagtatalon.
Napailing nalang kami ni Timothy sa kakulitan ni Ota. Ang cute nya lang.
"Hey, Baltan, do you—," nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ng animal. Dahan-dahan kong nilingon ang gawi nya. "—have an—," nagsalubong ang mga mata namin. "What the hell? You!"
"You two know each other?" nilingon ko si Timothy na palipat-lipat ang paningin samin ni Carter.
Binalingan ko ng tingin si Carter at nakita itong masamang nakatingin saakin kaya sinamaan ko din sya ng tingin. "Yes."
"No." si Carter.
Nagsamaan kami ng tingin. Ba't mo dinedeny?
"Ano ba talaga?" si Ota iyong nagtanong.
"Fine. We know each other." pag-amin ni Carter na tinanguan ko. Kasi totoo naman. "She's courting me." dagdag nya na ikinalaglag ng panga ko. "Hey, little ballerina. You forgot to send me a bouquet earlier."
Ang kapal ng mukha ng g-ago.
I gave him the middle finger. "F-uck off, Carter. I have a fianceé."