Karga ko si Dylan habang naglalakad kami papunta sa parking lot ng mall, tulog na kasi ito kaya kinakarga ko.
Ayaw nga niyang lumapit saakin o kay Erich, sa Ate Ota at Kuya Timothy nya lang sana sya magpapakarga. Si Ota ang dapat kakarga sa kanya pero I insisted and said I want to carry Dylan.
Kaya ang ginawa ni Ota ay pinatulog nya si Dylan bago ibinigay saakin, si Daisy kasi si Timothy ang may karga kasi masyadong mabigat na ito.
"Any boyfriends, Ota?" tanong ni Erich kay Ota na ngayon ay dala dala ang bag kung saan naroon ang gamit ng dalawa nyang kapatid.
Malaki ang pinagbago ni Ota when she was adopted by Timothy's parents and was sent to go to abroad a three years ago. Umuuwi lang ito ng Pilipinas kapag holidays, ang huling uwi nya ay 6 months ago yung pagkamatay nya.
Morena pa sa morena si Ota at kung umasta para paring bata kahit sa edad nyang 13 noon. But now? Her skin tone became lighter, fair skinned, and her actions became more feminine. Babaeng babae na ito, malayo sa tambay na si Ota. Pero ganon parin sya ayaw parin ng dress pero kapag kailangan daw, nagsusuot ito.
Ngumiti si Ota, it was an all smile. The smile she always gives us when we feel down. "Wala, Ate, ayoko din. Sakit sa ulo yung mga ganyan."
"Ota had a fair share of crushes diba, Ota?" ngisi ni George kay Ota na ningisian lang din sya.
"Everyone is my crush, I admire every living being in the world. Counted iyon diba, Ate?" pagngiti ni Ota.
Even her grammar and pronunciation improved. Noon nga she can't even construct a simple sentence kahit greetings bali-baliktad, nahihirapan din sya mag ingles, pagbigkas at pagintindi. Pero ngayon, tila hindi sya dumaan sa pipitsuging at tambay sa kanto na si Ota ng Barangay Carmen sa Cagayan de Oro City.
She is fond of books. Especially if it's about a species living in earth, biology books ang trip nya lagi. Pero dahil nga hindi sya nakakaintindi masyado ng ingles noon, yung gusto nya yung mga may larawan.
Pero kung pupunta ka sa barangay namin at hahanapin mo sya noon, madadatnan mo itong nasa labas ng tindahan nila at naggigitara.
Pero that was only when her parents were still alive, she lost them both in a fire accident four years ago. Someone burned their house down, and all she could save was her siblings. Walang natira doon, kahit yung parents nya hindi nakalabas.
"Still into bio?" ngiting tanong ni Erich kay Ota na tumango tango. "Iyon ba ang kukunin mo pag-college mo?" muling tumango si Ota na ikinalawak ng ngiti namin.
Ota would make a great biologist. A down to earth biologist.
"Saan mo ba balak mag aral, Ota?" pagtanong ko naman kay Ota na nilingon ako saka ningitian.
"Hindi ko pa alam kay Kuya, Ate. Siya kasi ang nagpapaaral sakin eh." agad na narinig naming napatawa si George kaya napalingon kami sa kanya.
"Ikaw ang pipili sa kung saan magaaral si Ota?" tanong ni George kay Timothy na umiling.
"She can pick the university she wants to study and pursue her dreams, pero ang lagi nyang sinasabi sakin ay yung kung saan sa tingin ko ay best school na babagay sa kanya." sagot nito.
"Sweet niya no? Hindi ko lang talaga alam kung bakit wala syang girlfriend, o baka boyfriend ang gusto nya." agad na natawa kami sa sinabi ni Ota, alaskador pa din pala.
"Heh! Sige, pagtulongan nyo ako ha." asar na sabi ni Timothy at naunang maglakad papunta sa kung saan nakapark ang sasakyan nya.
Nailing nalang kami. "Ota," pagtawag ko sa kanya kaya nilingon nya ako ng may ngiti sa labi.
"Bakit, Ate Letty?" tanong nya sakin. Napangiti ako sa tawag nya sakin. Sa lahat ng taga samin, iyong tawag nya sakin ang naiiba. Letty.
"How are you coping up?" agad na sumilay ang malungkot na ngiti sa mga labi ni Ota.
"Mahirap, Ate. Sobra. If it weren't for Mamay and Papay? Baka sa kalsada kami pupulutin nila Lan." ani Ota.
Umiling ako. "Hindi iyon totoo, Ota, madaming gustong kumupkop sainyo."
This time si Ota ang umiling. "Hindi po, Ate Letty. The right words should be madaming gustong kumupkop kay Lan at Dadai. Ako yung pupulutin sa kalsada, hindi sila kasali."
Nanahimik ako. Kasi totoo ang sinabi nya, madami ngang gustong kumupkop non kay Dadai at Lan. Maliban kay Mr. and Mrs. Baltan na si Ota ang gustong kupkupin, walang kahit isa ang gustong kumupkop kay Ota.
Kung meron man, may records at rumors na binibugaw ang mga pamangkin at anak nya.
Kaya pinaglaban ni Mr. and Mrs. Baltan ang custody ni Ota sa kahit saang korte, they even adopted her legally. Changing her surname into Baltan with Ota's consent. It took almost a year and a half para tuluyang malegally adopted si Ota at malipat ang apelyedo nito from Sayson to Baltan.
Ang tanging hindi nagalaw ay ang apelyedo nila Lan at Dadai.
"Mamay and papay are good to us, Ate. Pinapakain nila kami. Binihisan kami. Pinagpaaral kami ni Dadai kasi baby pa naman si Lan. Binigyan ng bahay na sisilungan at tutulugan. Malaki ang utang na loob ko sa kanila. And I want to repay that kindness."
"Hindi mo kailangan na bayaran sila, Ota." sabat ni George na nakapamulsa at nasa harap lang ang tingin. "You gave Tito and Tita a chance to live again, maliban kay Timothy ay wala na silang pinanghahawakan. They are repaying you." napangiti ako sa sinabi ni George, kasi totoo din iyon at may punto sya.
Simula nung mamatay si Ate Tania, ang kapatid ni Timothy na namatay sa motor accident, si Timothy nalang ang rason nila noon para mabuhay. Yung minsang maliwanag at makulay nilang bahay, parang wala ng tao dahil sa sobrang katahimikan.
But Ota never failed to visit them. She cared for them just like Ate Tania cared for her parents. Ate Tania treated Ota like her own little sister nung nabubuhay pa sya.
Mas madami pa syang pasalubong kay Ota kesa kay Timothy kaya nagtatampo lagi ang tikbalang kay Ate Tania.
Unti unting bumalik ang kulay noon sa bahay nila Timothy, kahit si Timothy na hindi na masyadong ngumiti ay nakakangiti na pagkatapos ng isang buwan at kalahating linggo.
Kaya siguro nung it was Ota's darkest times, the Baltan family embraced her and gave her heart warmth.
Nakasakay na kami sa sasakyan ni Timothy, it was time to go home. Malapit na kami sa kanto namin when I saw her with her.
They were holding hand in hand and smiling at each other. Hindi sila naguusap, pero tila yung mga mata nila ang gumagawa non para sa kanila.
Napahawak ako ulit sa dibdib ko at bahagyang napatawa ng mapait.
Were you just playing with my feelings, Watanabe?