(C)

11 2 1
                                    



"Malapit na ang pasukan, Rina. Hindi ka pa nakapag-enroll." biglang pagbasag ni Tito Anton sa katahimikan. "Ang sabi ng nanay mo, buksan mo raw ang email mo't nandoon lahat ng replies and result ng entrance exams mo."

Alas otso na ng gabi. Kompleto kami sa hapag kainan at naghahapunan. Isang sikat na doctor si Tito Anton at hindi namamalagi dito kasi naglilibot siya sa bawat lungsod ng Pilipinas at nagbibigay ng libreng check up at tulong na sa tingin nya ay nangangailangan ng tulong nya. He is also featured sa mga TV shows at mga balita dahil sa pagtulong na ginagawa nito sa kanyang kapwa tao. Kahit ako ay bilib na bilib kay Tito, he may not look like it but he is kind and down to earth.

Ngumiti ako. "Opo, Tito." tumungo ako at napatuloy ulit sa pagkain. "Paabot po," pagtukoy ko sa kanin na nasa platter na inabot naman ni Tita Esmee na pinasalamatan ko.

Isang house wife si Tita Esmee pero may negosyo sya. Nagsusupply sya at ang mga trabahante nito ng gulay sa palengke malapit lang dito. Tita Esmee and Tito Anton are siblings, mother's side. Ang pangalawang asawa naman ni Tita Esmee na si Tito Patrick ay nasa Italy, isang OFW. While Tito Anton naman is married na, he is married to his job ever since he got his license as a doctor. Tutok na tutok sya sa trabaho at pagtulong nya sa kapwa tao.

"Himala't sumabay ka sa pagkain samin, Rina. Kain ka ng madami ha? Madaming fats nawala sayo eh. Look oh. You're skinny na like Erika." biro ngunit sensirong sabi ni Erich sakin. Ningitian ko lang ito saka marahan na tumango dito.

Erich is around my age, mas matanda nga lang ito ng apat na buwan saakin. She wants to become an architect and an animator at the same time. Sobrang galing nya mag drawing.

I saw how Erika raised her brow at her sister. "I'm not skinny, duh, sexy kaya ako. Bulag ka ba?" pagtataray nito kay Erich na tumawa lang, pero yung tawa nya ay yung parang nangaasar.

"If I were blind, I won't be able to see how ugly your crush is." asar pa ni Erich kay Erika na naiinis umirap at nananahimik nalang.

Erika is my younger cousin and Erich's younger sister. She is 15 years old and is a grade 10 student. Pangalawang panganay ni Tita Esmee. Ang sabi ni Tita Esmee ay gusto nitong maging flight attendant. Kung naging flight attendant siya tiyak walang boring na flight, may pagkamaldita kasi ito. Hindi nga boring ang flight pero sobrang gulo here and there.

Magkapatid ang dalawa ngunit magkaiba ang suporta na ibinibigay nila sa akin. Erich lets me heal in silent. Hinahayaan nya ako kasi alam nyang it's best to leave me alone hangga't ako na mismo ang magta-take ng step outside of the shadows.

While, Erika encourages me annoyingly, araw araw simula nung pinapunta ako dito ni Mama. Kung titignan, para syang nanggugulo. But no, it's her way of comforting me and encouraging me to take a step out of my isolation box.

"So," bigla akong napatingin kay Erich na may nangaasar na tingin at nakatingin kay Erika. "Ano ang tingin mo kay Mason?"

Mas–what? "Who?"

"Yung nagbabantay sa tindahan sa unahan. I heard from my friends that you've met him." sagot ni Erich.

"Oh," the barangay captain. "Seems okay." agad na sagot ko sa tanong ni Erich sakin. "Just not the type I associate myself with."

"Pogi naman sya diba, Rina? He is just dreamy and handsome." tila kinikilig na sabi naman ni Erika.

"Ang landi mo talaga kahit kailan, kebata bata mo pa. Haliparot." wika naman ni Erich na agad na sinuway ni Tita Esmee. "Hinahayaan mo yang anak mo, Mama. Hindi na ako magtataka kung mabubuntis yan ng maaga."

"Erich." nagbabantang tawag ni Tito Anton. "Kung may alitan man kayo, huwag nyo dalhin sa hapag."

"Ge." ang sabi lang ni Erich saka tahimik na nagpatuloy sa pagkain.

Bumalik ulit iyong nakakabinging katahimikan na binasag ni Tito Anton kani-kanina lang, nabasag lang iyon ulit sa biglang pagtunog ng cellphone ni Tita Esmee.

"Excuse me. Si Patrick." ang sabi lang ni Tita Esmee na agad naman namin ang ibig sabihin na doon. "Hello, hon?" tumayo ito saka naglakad papunta sa sala. "Kumain ka na ba?" kasunod na tanong nya sa asawa nya, si Tito Patrick.

"I'm done. I'll wash the dishes later." ang sabi lang ni Erich bago umalis sa hapagkainan.

Nasundan naman iyon ni Tito Anton na nagpaalam na sa sala lang tatambay at magpapahinga. Paniguradong pagod iyon galing sa byahe. Kaya naiwan kami ni Erika sa hapagkainan.

Tahimik lang din itong kumakain, mukhang wala sa mood kaya mas minabuti kong manahimik nalang muna. Ayokong makipagtarayan ngayon.

"You think I'll get pregnant?" napatingin ako kay Erika na nakatutuk lang sa pagkain nito at parang may malalim na iniisip.

"Malamang, dinudugo ka na diba?"

"No. What I mean is tingin mo ba mabubuntis ako? Gaya ng sabi ni Erich?" Erika was so cautious when saying her sister's name. "Do you think I'm a flirt? A slut?" She looked at me straight in the eye.

I think she is just overprotective of Erika. Erich seldom acts b-itchy.

Marahan akong umiling. "Hindi ka maagang mabubuntis," panimula ko. "Iyon ay kung you are wise in making decisions. Lahat naman kasi ng desisyon natin may consequences. It could be a good or a bad one. Depende sayo iyon."

Sandaling natahimik si Erika kaya nagpatuloy na ako sa pagkain. Susubo na sana ako sa panghuling kutsara ng biglang magsalita si Erika.

"Mason is Erich's first." napatingin ako kay Erika na nakayuko lang. "She loved him very much, they were so perfect for each other. Pero," Erika looked at me and then smiled. "Wala eh, some b-itch got in the way. Someone who made her chance." She then laughed.

Some b-itch? Ano daw? Letse. But why does it feels like si Erika yung someone?

Malabo, I'm sure she would not do such thing. Lalo pa sa kapatid nya.

Tatanungin ko sana sya kung ano ang ibig nyang sabihin at sino ang tinutukoy nito na someone kasi sya ang naiisip ko pero mukhang hindi ko ata dapat malaman dahil biglang pumasok si Tito Anton na may kausap sa telepono nya.

"Yes, of course. I'll be there by Saturday in the morning."

I shrugged off the thought and finished eating. Nang matapos kumain ay agad akong nagtungo sa isang tindahan na ilang lakad lang galing sa bahay para bumili ng Stick-O.

Bumili ako ng labing tatlong piraso saka naglakad pabalik sa bahay. I was too engrossed eating the Stick-O one by one when suddenly I bumped into something.

Sheez. It's not a something, it's a someone!

"I'm so sor—," agad na tinignan ko ang nabangga ko, I was greeted by a pair of brown chocolate eyes. "—ry."

"Bayaran mo ang mga nabasag mo, miss."





—————

GLAD YOU CAME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon