(OO)

5 1 0
                                    








"PARTY PARTY!" sabay-sabay na sigaw nilang lahat na nasa dance floor at nagsasayaw sa musika na pinapatugtug ng DJ sa bar kung nasaan kami.

Belle and Kaolin didn't tagged along, kasi sinamahan nila si Ota. Last na text ni Belle sakin ay naglalaro sila ng Scrabble sa kwarto nila. While Sandra and her girlfriend, Watanabe, stayed behind kasi hindi pala pwede sa masyadong maingay at masikip na lugar si Sandra.

"Ballet! Come on! Don't be such a kill joy!" halos sigaw ni Carter sakin dahil sa lakas ng tugtugan.

Umiling lang ako and mouthed, "No thanks."

Tumango lang si Carter at nagpaalam na sasali sa iba na nasa dancefloor at nagsasayawan. Kinuha ko ang San Miguel Light saka diretsang ininom ito. Lima na ang naiinom ko pero hindi pa rin ako tinatamaan.

Perks of hanging out with George the entire Christmas vacay.

Napabuntong-hininga ako ng maalala ko si Sabrina at si Watanabe. How they exchange looks and smiles. How they hold hands. Stop, I do not care. I should not care. I should not feel this way. F-uck romantic feelings.

Biglang may umupo sa tabi ko kaya tinignan ko ito. Black leather jacket. White shirt underneath. Black pants. White Vans shoes. Black cap. Malinis. May hawak itong beer in can na Red Horse.

Inilibot ko ang paligid. Occupied nga naman lahat ng seats kaya baka nakiupo nalang sya dito.

"Iniwan ka nila?" biglang nagtindigan ang balahibo ko sa lamig ng boses nya. "Sumama ka nalang sana sa dance floor kesa mag-isa ka dito." kahit sobrang ingay dito, rinig ko ang sinasabi nya kahit normal lang ang pakikipagusap nya.

Hindi ko sya pinansin at nagbukas lang muli ng San Miguel Light. Panghuli na ito.

"Hindi mo ako kakausapin?" tinignan ko sya.

Th—ump. Th—ump. Th—ump.

"Galit ka ba sakin?" umiling lang ako saka ininom ang San Miguel Light sa isang lagok lang. "Malakas ka uminom?" I wiped my lips with the collar of my shirt saka umiling sa kanya. "Naging pipi ka na ba?" muntikan akong natawa pero pinigilan ko at saka umiling lang muli. "Magsalita ka." umiling ako ulit. "Prido, ano ba." tila nauubos na ang pasensya nya.

"Bakit ba?" itinaas ko ang kamay ko para agawin ang atensyon ng waiter na nasa kabilang table lang. Agad naman itong lumapit sakin. "Isang bucket pa." turo ko sa bucket ng San Miguel Light.

"Hindi na sya oorder," ibinaba nya ang kamay ko kaya nagsalubong ang kilay ko. Ano daw?

"Mag-oorder ako," nilakasan ko ang boses ko para rinig ng waiter. "Ako ang magbabayad." marahan komg inagaw ang kamay ko sa kanya.

"Hindi ka na iinom, Prido."

"Gusto ko pang uminom."

"Hindi ka na sabi iinom."

"Gusto ko nga uminom sabi!"

Bumaling sya sa waiter. "Hindi na sya iinom, salamat." and she gestured the shoo-go-away sa waiter na tumango lang at umalis.

"Ano ba," naasar na wika ko saka umusog palayo sa kanya. "Sabing gusto ko pa uminom." I mumbled.

"Hindi ka na sabi pwedeng uminom."

Nilingon ko sya. "Sino nagsabi?"

"Ako." confident pa ang siraulo.

"Sino ka ba para sabihan ako na hindi na ako pwedeng uminom? Nanay ba kita?" bigla naman syang natahimik sa sinabi ko at yumuko.

GLAD YOU CAME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon