"RINA BABES!"
Naalimpungatan ako dahil sa pagsigaw ni Belle. Kinuha ko ang unan na nasa gilid ko at tinakan ang tenga ko.
"Belle! Ano ba! Ang aga aga, ang ingay ingay mo! Magsama kayo ni Erika! Lintek na walang ganti!" sigaw ni Erich. Halatang nagising sa tinis ng boses ni Belle. Kami kasi ni Erich ang magkatabi. Tapos si Belle doon sa kwarto ni Erich.
"Bat galit, grumpy old lady!" pang aasar ni Belle kay Erich.
"Tang-ina mo, Belle!"
"Pota pota ka," pakantang ani Belle sa tuno ng kantang Copines.
I heard Erich groaned beside me. "Kaya ayokong matulog yan dito eh. Disturbo masyado, letse." bulong ni Erich na rinig ko naman.
"Erich! Gusto ko ice cream!"
"Let—se!" naramdaman kong padabog na bumangon. I also heard how the door slammed open after a few minutes. Sumilip ako.
"Good morn—aray naman, Erich!" hinila ni Erich si Belle by the ear. "Rina Babe! Huhu! Help me, my knight and shining—aray! Erich! Masakit!" napailing nalang ako saka nagtalukbong ulit ng kumot.
"Ang ingay ingay mo! Patulugin mo naman yung mga tao dito!"
"Alas siete na, Erich! Magtatanghali na! Need bumangon!"
"Alas siete pa lang! Anong tanghali? Umaga pa! Nagaaral ka ba?!"
Napapailing na napapikit ako. Baka paggising ko nito mag on na sila Belle, tapos sunod mag papakasal na, sunod kasal na sila, tapos magkakaanak, sunod non papalakihin anak nila o di kaya magbbreak sila kasi may kabit si Belle. Tapos mamamatay.
"Ara—Yubi?!" agad na naidilat ko ang mga mata ko ng marinig ko ang sigaw ni Belle. " 'Tol, anong ginagawa mo dito? Nandito ka para kay Erich? Erika? Rina?" napahugot ako ng hininga. "O para sakin? Yii. Ikaw ha, may crush ka sakin no?" bahagya akong natawa dahil sa banat ni Belle.
"Si Paberecio?" parang bumagal ang paghinga ko pagrinig ko sa boses ni Watanabe.
Tingin ko ay nasa may hagdanan lang sila kaya naririnig ko.
"Paberecio middle name namin, sino ba samin?" ramdam ko ang taray ni Erich, dahil siguro sa panggigising ni Belle.
"Si Josephina," ayan na naman sya sa kaka-Josephina nya. Hindi naman kami close.
"Nasa mindanao," narinig kong napa-huh si Watanabe. "Josephina Paberecio, pangalan ng lola namin."
"Si Ballet Josephina Paberecio future Watanabe," napalunok ako. Galunggong! Yung puso ko!
"Pasapak nga, Yubi! Future Gumahin si Rina!"
"Watanabe,"
"Gumahin!"
"Watanabe,"
"Gumahin nga kulit ng lahi nito!"
"Watanabe. Mas maganda ang apelyedo ko kesa sayo, mas babagay sa kanya ang apelyedo ko."
"Doctor. Doctor Ballet Josephina Paberecio ang babagay sa kanya, hindi yung mga apelyedo nyo. Kakapal ng mga mukha nyo, hindi naman kayo magugustuhan ng isang Ballet Paberecio." boses ni Erich.
"Hindi mo sure," sabay pa talaga ang dalawa sa pagsabi non.
"Yeah, whatever. Tulog si Rina, yan ang kwarto nya. Wag mo muna istorbohin, puyat yan."
"Okay," tahimik na sagot ni Watanabe. Kasunod nun ay si Erich at Belle na naman ang nagiingay. This time dinadamay na ni Belle si Tita Esmee.
"Prido," ramdam ko ang kamay nito sa ibabaw ng kumot. "Prido?" umupo sya sa may gilid ko lang, sa kaninang hinihigaan ni Erich.
"Hm?" tanging sagot ko lang sa kanya.
"Binilhan kita ng lasagna, kain ka muna tapos balik ka tulog." dahan dahan na sabi nya sakin na akala mo nakikipagusap sya sa five years old.
Pumunta lang sya dito para bigyan ako ng lasagna? Nanliligaw ba sya?
"Mamaya," pulang pula siguro ang mukha ko. Umagang umaga ang init init naman dito. Malamang nagtalukbong ka ng kumot.
"Ngayon na, Josephina." pinipilit nitong alisin ang kumot na nakatalukbong sakin, kaya mas hinigitan ko ang pagkakahawak sa kumot.
"May—aaaaah! Nakikiliti ako!" napabangon ako ng walang oras ng bigla nitong mahawakan ang beywang ko. May kiliti ako doon!
"Ang pula pula ng mukha mo, Prido." sabi nya sakin tapos hinipo ang noo ko. Naramdaman ko na naman ulit iyong milyong milyon na boltahe. "Ang init mo din! May lagnat ka ba?" bakas sa mukha nito na nagaalala sya.
Umiling ako. "Wala naman ata, ililigo ko lang to." sabi ko sa kanya habang lumalayo. Wala pa akong toothbrush!
"Bakit ka ba lumalayo?" tanong nya habang bahagyang umuusog palapit saakin. Dyan ka lang tol!
"Wala–pa akong toothbrush," nahihiya kong iniwas ang paningin ko sa kanya.
"Pfft." napatingin ako sa kanya at nakitang nagpipigil ito ng tawa.
Umarko ang kaliwang kilay ko. "Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba?" umiling iling naman sya.
"Ang cute mo kasi, ano naman kung wala kang toothbrush?" tumayo sya saka itinuko ang kamay nya sa kama saka inilapit ang mukha nya sakin. "Hindi ako matuturn off sayo," then she smiled at me. "Josephina."
"Yubi, hija? Nagising mo na—jusko!" napalingon kami sa pumasok. Si Tita Esmee na may dalang tray. "Walang monkey business sa pamamahay ko!"
Sinundan ito ni Belle. "Ano yan, Ti—hoy! G-ago, Yubi! Dumadamoves ka na pala ng hindi ko knows!"
"Tita, wala po kaming ginagawang masama po." pageexplain ko kay Tita Esmee. "Sabihin mo," baling ko kay Yubi na umayos ng tayo.
"Maniniwala po ba kayo kung sasabihin kong gusto ko po ang pamangkin nyo, Tita?" tila nabingi ako sa sinabi nya.
What the fudge. Anong trip nya?
"Hindi." diretsong sagot ni Tita Esmee kaya napatingin ako sa kanya pero ang tingin nya ay kay Yubi lang. "Kasi alam ko kung ano ka, hija, alam ko din na kakaiwan lang ng sineryoso mo sayo." pumasok ng tuluyan si Tita Esmee saka nagtungo palapit sa study table ko. Inilapag nya doon ang tray. "Mahal kita, para na rin kitang anak. Pero mahal ko din ang pamangkin ko, saktan mo yan at bubugbugin ka namin ni Anton."
"Nagbabago naman ang tao hindi ba, Tita?" tahimik na sabi ni Yubi kaya napatingin naman ako sa kanya pero nakatalikod sya sakin. Nagbabago amp-ota.
Tumango si Tita Esmee, sinulyapan nya ako tapos ningitian ako bago muling tinignan si Yubi. "Nagbabago nga, pero kakaiwan lang sayo ng girlfriend mo. Masasabi mo ba sakin harap harapan na hindi mo na sya mahal?" natahimik si Yubi non.
Mahal nya iyon, hanggang ngayon. Ang swerte ng babaeng yun. Kahit sabihin nating gusto nya ako, pero mahal nya yun. Talo parin.
Napailing nalang ako sa iniisip ko. Nahuhulog ako sa kanya, pero hindi pwede. Ako ang maaagrabyado.
"Tita," tumingin si Tita sakin kaya ningitian ko sya. "Magkaibigan lang kami ni Yubi, inaasar lang nya ako kanina kasi hindi pa ako nagsi—,"
"Gusto kita, Ballet."
