(U)

5 1 0
                                    








Sinamaan ko sya ng tingin, napalabas kami sa library dahil sa pagsigaw namin.

Kasalanan ko bang magugulat ka talaga kapag makakakita ka ng kasing pangit nito?

"Hey, chill ka naman dyan, love." pagpapakalma nya sakin.

"Kalma? Gago ka ba?" nawala ang alanganin na ngiti sa labi nya. "After you betrayed and left me, babalik ka tapos sasabihan mo akong kumalma ako? Tang-ina ka ba?" hindi ko mapigilan ang sarili ako.

Bumabalik lahat ng hinanakit ko na nararamdaman ko nung araw nayon!

"I have reasons why I left," yumuko siya saka napabuntong hininga. "And I did not betrayed you, kailangan ko pumunta sa China kasama si papa. Alam mo kung bakit, Phina, alam mo ding wala akong ibang choice kundi ang sumunod sa gusto ni papa para hindi madamay ang apelyedo namin. Alam mong importante iyon sa kanya."

"I was harassed by reporters, George, because you told them the secret! You promised to never tell a soul! You promised!" I was fuming mad. "At iyong pinagkalat mo pa satin because you got tangled up with a married woman!"

Marahang inabot ni George ang kamay ko saka mahinang pinisil ito, hinayaan ko lang sya. "I'm sorry, love. I was stupid. And I can explain about that issue. It was just a one time thing."

"And that one time thing ruined a family, George." puno ng hinanakit na sabi ko sa kanya. Naiiyak akong nakatingin sa kanya. "What happened stained his name."

"I love you, I'm sorry." niyakap nya ako, tuluyang nagsibagsakan ang mga luha ko.

I love you, my ass. You left at pinabayaan akong saluin lahat ng mga problema.

Sinikmuraan ko nga siya. "The fu–bat mo ako sinimukraan?!" hawak hawak nya ang sikmura nya at nakaluhod sya.

"Bakit? Ha! Gago," pinunasan ko ang luhang kanina ay nagbagsakan. "Mahal kita pero tang-ina mo, kapal talaga ng mukha mo no? Wag na wag mo akong lapitan, George."

"Phina, naman." namimilipit itong nakahawak sa sikmura nya. "I have reasons why,"

"Oh you have reasons why you slept with her? You were drunk? And you need someone to release your horny toxins? And after releasing the toxins, you dropped the bomb and told her about the secret?" Bastos na kung bastos. Childish na kung childish.

"I'm sorry hindi ko natupad ang mga pangako ko, pero hindi mo alam what I went through sa China." tinignan ako ni George mata sa mata. "Hindi mo alam ang nangyari sakin, please stop hating me, love."

"Mukha mo love, bakit ngayon ka lang? Bakit ngayon ka lang nagparamdam sakin?" mas lalong sumeryoso ang mukha nya habang tumatayo, pinagpag nya ang shirt nyang sinikmuraan ko.

"Ngayon lang pwede," ang tanging sagot nya lang. Akala nya ata maniniwala ako eh.

"Yeah, right. Whatever." akmang aalis na sana ako ng marinig ko ang boses ni Belle sa di kalayuan.

"Rina Babe!" napalingon ako at nakita ko sa likod ni George si Belle na tumatakbo palapit samin. Nilagpasan lang nya si George. "Hi," magiliw na bati nya sakin kaya napangiti ako. "Ikaw lang?" tanong nya.

"Ehem," napatingin si Belle kay George na nagfake cough. "Hi,"

"Hala! New crush! Hello! Leonebelle Gumahin, but you can call me mine. Ehe." tapos tumawa na ng malakas si Bellle. Halatang nantritrip lang. "Muntanga, Rina Babe, no?" napailing nalang ako saka natawa sa kanya.

"Girlfriend mo, love?" tanong ni George sakin na hinehead to toe si Belle na tinaasan lang sya ng kilay at hinead to toe din. Palaban talaga.

"No, I'm her bestie. And you are?" taray na tanong ni Belle kay George na umarko yung kilay.

"George Acquitan." inabot ni George yung kamay ni Belle, expecting Belle na makipag handshake sa kanya. But what Belle did surprised us. Belle slapped her hand with George's.

"Yo. Leonebelle Gumahin, ulit. Belle nalang tawag mo sakin. Iyon ang halos tawag ng lahat sakin." masigla na ulit si Belle tapos kumapit sa braso ko.

"Hm, Leon." sabi ni George habang tumatango tango pa ito.

"Belle na nga lang, masyadong lalaki yung Leon." sabi pa ni Belle.

"Bagay yun sayo," nilagay ni George ang dalawang kamay nya sa bulsa ng side pockets nya. "I'm sure you eat like a lion,"

"Baka gusto mo ng sapakan?" taas kilay na tanong ni Belle. She doesn't look offended pero halatang pilit nyang binabasa si George.

"Sapakan? Sure, basta sa kama." and then George winked at Belle na nilingon ako.

"Kaano-ano mo ito? Kung hindi mo ito kaano-ano, sasapakin ko to." turo nya kay George na nakangisi lang sakin, nang magsalubong ang mga mata namin ay kinindatan lang ako nito.

Inirapan ko nga. Kala mo hindi sya nasikmuraan kanina. "Kahit relative ko pa yan, Belle. Basta ikaw ang sasapak sa kanya, akong bahala sayo."

"Supportive mo naman sa girlfriend mo, love, naiinggit ako." dramang sabi pa ni George saka hinawakan ang dibdib nya.

"Walang laman," ngisi ni Belle habang nakatingin sa dibdib ni George. "Share it ako sayo gusto mo?"

"Wala man itong laman," hinawakan ni George ang dibdib nya. "Madaming nagnanasa sa katawan ko, mismong sila pa ang magmamakaawa sakin para matikman ako."

Napailing nalang ako at hinila si Belle na gusto pa atang makipag exchange ng wisdom of words kay George.

"Kapal naman ng mukha ng George na yun, mukha pa naman syang kinulang sa kain." bulong bulong ni Belle na rinig ko naman.

Napailing nalang ako at patuloy na hinihila si Belle palayo kay George. Baka si Belle naman ang mabitag.

"Sino ba yun, Ge—Rina babe?" natawa nalang ako ng muntikan nya pa akong matawag na George. Halatang iniisip nya ang pangit na yun.

"George Acquitan," simpleng sagot ko lang at nang sulyapan ko si Belle ay nakasimangot ito kaya natawa nalang ako. "Isa siya sa mga taong importante sa buhay ko, Belle. Siya ang kasama ko sa lahat noon. Be it kalokohan at ano pa. Alala ko ngang nagpaenroll pa sya sa ballet class na pinapasukan ko para lang may kasama ako." ngiting kwento ko kay Belle na tumatango tango lang.

Naglalakad na kami ngayon ng sabay. "Mukhang importante talaga sya sayo, ano?" sabi ni Belle na tinanguan ko.

"Sobrang importante nya sakin, Belle. Sobra sobra. Kung sa tingin mo close kami nila Erich, mas close kami ni George. Sabay kaming lumaki eh."

"So kaano ano mo nga siya?" curious na tanong ni Belle kaya nilingon ko sya at ningisian. "Bakit ka ganyan makangisi sakin?"

"Wala lang," pangaasar ko sa kanya. Pinakanta pa yung pagsabi ko non.

"Ano nga, Rina Babeee!" hinila hila nito ang hem ng uniporme ko, natawa nalang talaga ako.

Halatang curious na curious talaga.

"George's family is a close family friend. We grew up together. We're childhood best friends." sabi ko.

"Wait—siya ba iyong sabi ni Erika na fiancée mong mayaman?" napahinto ako sa paglalakad. The fudge. "Nakita ko din ang interview ny—,"

"Erika told you what?"

GLAD YOU CAME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon