Rival

369 11 0
                                    

Tia's POV

Ok saking isabuhay ang buhay ni Anna, pero di ko ata kaya na si Darren pala ang magiging kapartner ko. Bakit!? Kasi kasama niya si Danica.

Agad na namang hinawakan ni Jay ang kamay ko bago kami bumaba ng hagdan, natanaw ko na si Danica at Darren na nakatingin samin kaya bigla nalang akong nagpanic at napahawak nalan rin sa kamay niya.

"Aw. They're really sweet, arent they!?" Comment samin ni Danica at tanong naman niya kay Darren. Gosh. I didnt see this coming. Napaka aukward. Agad na nagtama ang mata namin ni Darren, hindi ko mabasa.. At ayoko nalang rin.. Mukhang ok sila ni Danica, kaya nga sinama niya diba?!

"I believe Tia is well informed sa gagawin niyang role." Anna said with a charmig smile, kaya naman napangiti nalang rin ako.

Saglit na nagbreak bago tuluyan na magstart yung shooting para mabasa naman ni Darren yung script niya.

Habang binabasa naman niya yun, ay nararamdaman kong panay ang sulyap niya samin ni Jay na nanunuod lang ng tv habang nasa tabi ko. Ako naman, nagbabasa-basa rin dito. While Danica is just surfing to her phone.

"Ok, can we start!?" Sabi ni Cliff. Grabe. Grabe. Heto na talaga yun. Tumayo na ako para makapag ayos, sabi ni Anna, ok naman na daw tong suot ko para sa una niyang katauhan :3 oo, katauhan talaga :3

"Wait. Ikaw cliff and Darren yung camera men diba!? E, aarte ka na cliff,.sinu yung papalit sayo!?" Oo nga no! Buti nalang naisip yan ni Camille.

"Sorry, wala akong alam dyan.." Sabi agad ni zake na syempre. Nakaharap na naman sa laptop niya.

"Ako nalang." Lahat ng mata lumipat naman sa pinaggalingan ng boses. Isang seryosong Jayson Cornelio.

"You sure!?" Sure kang manunuod ka sa shooting namin!?

Huh!? E, ano naman Tia.>_<

"Yes, no choice right!?" Ah. Bobo mo Tia. Syempre kailangan niya kasi nga 'no choice, right!?"

"And.. I want to watch you act." O_O

"You know what, Zake ina and the others, let's make props nalang if ever meron pa." Sabi naman ni Sophia na nagpaayos sa sistema ko..

Lintek na Jay to! Hindi na nagbago. >_<

Pero natahimik ang lahat ng biglang tumayo si Darren, siyang tayo rin ni Jay, nagkatinginan kami ni Danica.. Tapos kami naman ni Ina.. Tapos kami naman ni Anna hanggang sa marealize ko na lahat sila nakatingin pala sakin. Kaya tinignan ko nalang yung dalawang nakatayo.

Unti-unting tinanggal ni Darren ang camera niya na nakasabit sa kaniya at iniabot yun kay Jay, tinanggap niya naman yun. Ginawa nilang dalawa yun ng hindi tinatanggal ang tingin nila sa isa't-isa. Alam mo yung titigan na, naguusap..? Nagpapaunahan kung sinu ang unang matutunaw..?

*lunok*lunok*

"Salamat." Sabi ni Jay ng hindi pa rin humihinto sa titigan nila ni Darren. Hindi ko alam kung nagpapasalamat siya dahil ba yun sa camera na kinuha niya o dahil sa iba pang bagay.. O sadyang praning lang ako. Pero ang alam ko, pinagpapawisan ako ng malamig dito sa dalawang to.

Iginala ko ang tingin ko sa mga magrupo ko at halata saming lahat na kinakabahan sa nararamdamang tensyon..

Nagtitigan naman kami ni Cliff, and thank God he got my cue.

"let's start na para maagang matapos" at pumesto naman na ang lahat.

Aurgh! Bahala na po kayo,G.

Meet my Terror Love Tutor ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon