PROLOGUE part II

4.7K 138 12
                                    

Dahil natuwa ako sa feed back na nakuha ko mula sa prologue sa story kong Ang LOVE plan nila Mr. and Ms. Slight :)

SYEMPRE UULITIN KO!








***





ANONG KLASENG ESTUDYANTE KA?












IKAW BA SI,
MR./ MS. EINSTEIN?

Mga estudyanteng hindi na kailangan ang review para makapasa sa exam at parang attendance nalang ang kulang gra-graduate na. Ito rin ang mga estudyanteng konti nalang abnormal na buti nalang pinagpala rin nang saktong katinuan.













O baka naman ikaw si,
Mr./Ms. POKER FACE

Uso sayo ang silent means yes. Favorite phrase mo daw yun. Ikaw kasi, ang klase ng estudyante na habang nag-iingay ang lahat ay andun ka sa pwesto mo at sinusubukang balansihin ang katahimikan sa room niyo. Kadalasan loner at gustong palaging mapag-isa, napagkakamalang transferry taon-taon dahil walang kaibigan.














Isa pa, baka naman ikaw si Mr./Ms. Arcadean

Wag nang tangkaing pang balikan ang kahulugan nang arcadean sa history dahil hindi yan ang tinutukoy ko. Dahil kung nabibilang ka dito, malamang isa kang estudyanteng napagkakamalang arcade ang room niyo. Kulang nalang dalhin ang lahat nang gadgets para lang makapaglaro nang dota o iba pang computer games, o di kaya ilipat ang buong timezone sa loob ng room nang ganahang pumasok araw-araw.













Meron ring naman..
Mr./Ms. KINETIC

Wag kang matuwa, hindi sa lahat nanh oras, maganda yan. Oo nga, ito ang mga estudyanteng kadalasang Best in Resources o di kaya Best in Effort dahil sa kasipagan. Mga estudyanteng pinagkalooban nang mga sariling power bank kaya walang kapaguran. Pero kayo rin ang madalas napagkakamalang adict. Pano naman kasi! may mga chance na akala nyo play ground ang buong classroom, o di naman kaya basketball court para maglaro ng basketball.













Meet,
Mr./Ms.Charm

Suki kayo nang tindahan nang appeal sa canteen. Pumasok para irampa ang kagandahan o kapogiang taglay sa buong room nyo. Papasok lang nang classroom, akala mo kokoronahang beaty queen o di naman kaya ay Mr. Pogi na. Kayo nga ang panlaban sa mga pagandahan, kayo rin minsan ang dahilan nang mga away.

Nabanggit na ba kung anong klaseng estudyante ka? Last na kasi to.












Mr./Ms. Typical.

NORMAL. SIMPLE. ORDINARY. TYPICAL. Ikaw ang klase nang estudyante na minsan nag-aaral, minsan lumalandi pero kadalasan baliw-baliw. Karamihan nang estudyante kagaya mo, pwede sumakay sa kahit na anong trip nang mga naunang klase ng student, kumbaga sa dugo ikaw si type O. Sa kamalas malasan, andito ang klase ng estudyanteng kinapos sa katalinuhan para matawag na Mr./Ms. Einstein pero kinapos rin sa katahimikan para tawagin namang Mr./Ms. Poker face. Akala ng lahat, boring ka dahil kahit saan ka lang sumasama at wala ka sariling genra ang hindi nila alam yung bagay na rin mismo ang ikina-exciting ng buhay mo.













***

ALAM MO NA BA KUNG SAAN KA?

KUNG HINDI PA, HALA SIGE! PINDUTIN ANG CHAPTER ONE NANG MAIPALIWANAG KO SAYO, DETAILED BY DETAILED. ^_^

If you like the prologue, wag niyo po ipagkait sakin ang isang vote

Meet my Terror Love Tutor ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon