The First Impression.

4.5K 90 30
                                    

CHAPTER 01

Altia's POV

"Ako na nga magtatanong!" makasigaw naman to, parang hindi niya ako katabi -_-

"Edi ikaw na magtanong!" syempre! ganti ganti nalang ^_^

Kanina pa kasi kami Naliligaw.
Opo, mga kalahating oras na kaming adventure mode nitong best friend ko, hanggang ngayon hindi pa rin kami nakakarating sa dapat naming puntahan. Ewan ko ba, kung kelan pagod na kami lahat-lahat, tsaka lang namin naisipang mag-tanong. Kaya ayan, sya ang unang susubok.

Lumapit siya sa isang guy na hikaw nalang sa dila ang kulang, iisipin mong rock star na.

"Ahm, hello! Alam niyo po ba kung saan yung building na to, at the same time yung room?" wow! nasabi niya yun ng hindi nauutal? Mailibre nga to mamaya, i-cecelebrate namin ang successful recital niya ng sentence na 15 mins muna ang pratice bago niya masabi.




"Warlock? Skeleton King? Enchantress? wow! they are awesome! " sabay lakad naman papalayo ni kuya.

SERIOUSLY?

.

"Sino daw?" Bulong sakin netong isa.

Ako na nagwalk out nalang. Syempre, sa sakit narin ng paa ko, mabilis niya rin akong maabutan.
.

"Patingin nga!" inagaw ko sa kaniya yung registration form pero inagaw niya rin ulit sakin.

"Bakit ba!" sigaw ko sa kaniya, titignan ko lang naman kung tama ba tong school na napasukan namin, baka naman nasa mental school na kami, sabi kasi ni mommy, enroll niya daw ako dun minsan. tsk.

"gaga tig-isa tayo nito, tignan mo yung sayo!" Oo nga pala tig-isa kami. Pagka kita ko dun sa registration form ko, napatahimik talaga ako..

"Tama naman tayo ng school na napuntahan, paano napunta dito si warlock at skeleton king?"

sinamaan lang ako ng tingin ng gaga.

"susme! ma-mimini heart attact ako kay kuya e! sayang effort ko mag pratice, nag english at ng "po" pa ako." tignan mo to, minsan nalang maging babae pagsisisihan pa.

Bakas kay Ina ang mukhang parang bumagsak agad sa first quiz. Hmm..

"di bale, ako naman." Opo, ako naman ang magprapractice este magtatanong sa mga tao dito.


Nagsimula na akong maghanap ng mukhang matinong estudyante sa eskwelahang ito. Nung makakita ako, agad kong hinila si Ina.

"Hi! alam mo ba kung saan to?" sabi ko dito sa babaeng akala mo run way niya ang buong hallway. ipinakita ko kasi sa kaniya yung registration form ko.

"REALLY? uso dito ang information desk, over there oh! I am not a staff to answer your question." sabay rampa este lakad nung babaeng palayo samin ni Ina.

Ako at Ina: 0_o

.

"mga ilang beses tayo kailangang magtanong?-_-" Sabi ko kay Ina. Si Ina naman halatang naiinis na, ayaw niya nga pala sa mga babaeng maaarte.

.

"Try ko nga ulit." sabay bulatlat niya ulit ng registration form niya, lumapit sa lalaking nakatingin sa malayo.

.

bago pa siya magsalita, hinila ko muna siya.. "Seryoso, dyan ka magtatanong?" e kasi naman baka naman hindi nga skeleton king ang isigaw niyan, expecto Patronum naman.

Meet my Terror Love Tutor ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon