[23]

862 26 1
                                    

Chapter 23

Tia’s POV

Kung tatanungin niyo kung kamusta ang grades ko ang isasagot ko ay para siyang coke, sakto lang! :3 

Mas gusto ko naman yun kesa sa bagsak no :3 buti na nga lang at ganun dahil hindi naman talaga ako subsubang nakapagreview. -_-

Well,  pagkatapos naming puntahan yung grades naming kahapon ay kumain lang kami saglit at hinatid niya na agad ako sa bahay, may phone call daw siyang natanggap kung anong connect, hindi ko na inalam.

“Neng!” tawag ko kay Ina na nakatulala na naman.

 

“Hanggang ngayon ba walang paramdam ang bisugo ng buhay mo?” paano ba naman, si Cliff kahapon ay biglang naging missing in action kaya mukhang bisugo na rin itong si Ina.

Sinamaan naman ako ng mukha nitong isa. “bubusangot ba ako ng ganito kung nagparamdam na yung isang yun?” sabay irap naman sakin.

Umupo naman ako sa tabi niya since Friday ngayon ay nasa conference raw ang mga teachers namin. May dala-dala akong chibog dahil balak kong chikahin itong si Ina.

“Kelan tayo huling nagkakwentuhan ng tayong dalawa lang?” seryoso kong tanong habang hindi rin nakatingin sa kaniya, naramdaman ko namang napatingin siya sakin at napangiti.

“hindi ko na nga rin matandaan e.” sabay kuha niya sakin ng isang chip.  “go spill it.”

 

Sa sinabi niyang yun mukhang ako muna nag Bangka sa kwento, umayos naman ako ng upo “alam mo ba kung bakit ako natagalan sa cr kanina?”

Nakita ko naman siyang umiling. “I heard a conversation.”

Bigla naman niya akong binato ng chips, “walang hiya ka talagang babae ka, nakuha mo pang mangchismis! Akala ko pa naman nilamon ka na ng cubicle!”

“pwede ba hindi ko naman sinasadya! Tsaka, hindi ko rin alam e pero I just found myself listening to them.”

Naging seryoso naman ang mukha niya, “ano ba kasing pinag-uusapan nila.”

At Ayun nga, I told her what I heard and I saw.

“sayang ang ganda pa naman niya at mukhang matalino, pero hindi sila taga rito. I think mga college na sila.” Actually, ngayon lang nagsink-in sakin na sa feature ng I.D hindi nga sila kabatch namin.

“Alam mo kasi Tia, may mga bagay na mas maigi nang maalala mo kesa sa maramdaman mo ulit.” Napatingin naman ako sa kaniya, I’m absolutely waiting sa susunod niyang sasabihin. Magaling sa ganito si Ina e.

Meet my Terror Love Tutor ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon