Atleast

361 12 1
                                    

Cliff's POV

Bakit ba parang ang daming palihim na nagusap ngayon?

Kami nga rin babe  ^_^ . nakikiuso lang.

"Wala ka bang napapansin!?" Sabay upo naman ni ina sa tabi ko. Anu bang dapat kong mapansin?

Hindi na kami nakakapagbonding!

Anu ka ba naman Cliff! >_<

"Sorry babe, kung di na tayo nakakapagbonding.. Alam mo namang busy tayo--"

"Anu bang sinasabi mo babe! Hahahaha!" At hinampas niya nalang ako bigla sa balikat ko. Aist! Kahit na mukha talaga akong battered boyfriend wala akong say.

"..you dont know how proud I am of you, babe cliff!.." Boom! Laglag ang panga mo cliff! Nakakabakla man pero boom panes! Kinikilig ako. : 3

"..I dont need complications para mapatunayan mo saking mahal mo ko.. Sapat na sakin ang mga ginagawa mo.." Hinalikan ko siya ng walang pagaalinlangan sa nuo niya at niyakap siya habang nakaupo.

"I love you Ina. I love you so much." Shet kung pwede lang magdate nalang kami.

"Date nalang tayo!? Wag na tayo magpractice!? Chigeeee na!!! Missss kita eee! " At isang hampas na naman ang natanggap ko mula sa babaeng pinakamamahal ko ^_^ habang namumula yung pisngi niya. Nakoooo! Kailangan ko nang tapusin ang practice na to.

"Babe, practice na tayo para matapos na! Tapos kain tayo after! Hehehehe!" At tumango tango naman siya.

"Game naaaaaa! Shooot na!"

Ina's POV
Hindi ko na nasabi yung sasabihin ko :3 naunahan na ng kilig! Nako fegebeg nga naman >_<

Tia's POV

IM CONFUSE. Kaya ako nandito. Kaya ako pumayag na makipagusap sa kaniya. Kaya ako sumunod.  Nauna na kami kila Jay at andito kami sa tingin ko at mukha namang main terrace ng school nila.

Sa sobrang pagkaconfuse ko hindi ko na alam kung gugustuhin ko pa bang linawin ang lahat o hahayaan ko nalang na biglang mawala ang mga bagay bagay. Ni ang magsalita ng kahit na anu hindi ko na rin magawa. Last time, halos mabaliw ako sa dami kong gustong sabihin sa kaniya, ngayong nasa harap ko na siya wala na akong masabi.. Haist! Confusement love me soooooo much!!>_<

Wala talaga akong balak magsalita hanggang sa magsabi siya ng talagang dumurog ulit sa mundo ko, .
.
.
.
.
.
.
..
.

"Im sorry."

"What's for!?" Sinadya ko pang tumawa ng bahagya para magkunwaring ok sakin ang lahat. Oo, magkunwari.

"Cause, I lied. Many times." May kung anong namuong galit o inis sakin habang tinitignan ko siya, kusa pang tumaas ng 2 seconds ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Yan naman ang hobby niyong magpinsan diba!? Ang paglolokohin ako!? Talent niyo nga yun e!" Bahala na siyang maginterprete ng kung anong mensahe ang gusto kong sabihin, pero bigla nalang siyang ngumiti sakin, isang malungkot na ngiti.

"Atleast.. Atleast, pwede na ang mga di pwede dati.. At pwede nang maging tama ang mga mali nuon.." Pinilit kong lakasan ang loob ko at pinanindigan ang masamang tingin sa mga mata niya,

Yun nga lang nung tinignan niya rin ako sa mata...

"And Im sorry, for making you cry." May kung anung pinunasan ang kamay ko sa parte ng kamay ko.

No im not crying. Its just water.

Wala akong pakialam kung hindi ako nagsasalita, basta ang gusto ko lang ngayon, maging malakas naman. Kahit ngayon lang.

"Nakakainis ako no!" At nagawa niya pang tumawa at kumamot sa ulo niya, "sana sinabi nalang nila na hindi talaga ako ang ikakasal sayo, edi sana.. Sana! Hindi ko nalang kayo ginulo una palang." At binigyan na naman nya ako ng isang malungkot na ngiti. Napangiti nalang ako na parang nagsasabing 'buti alam mo!'

His face become serious again at tumingin sa harap niya.. "Naaalala ko dati, sinabi ko sayo na magkaiba kami ni Jay when it comes on dealing with our tasks.. Si Jay, just go with the flow while me im doing what I think is right.."

"Ngayon, naisip ko na.. if I go with the flow, Im doing what is right.. Oo, masakit.. Sobrang hirap.. Pero atleast, I know naibalik kita sa tunay na nagmamay-ari sayo.."

"..kitang kita ko Tia, mahal niyo parin-- or should I say, mahal niyo TALAGA ang isa't-isa.."

Ngayon, hindi ko na alam kung dapat ba akong magalit dahil para aking bagay sa pagkakasabi niya o dapat akong maawa dahil parang inaangkin niya ang lahat ng pagkakamali.

"I.. I really understand kung hindi mo ko magawang makausap.. Kung wala kang amor na harapin ako.." Natawa na naman siya ng alam kong pilit.

"Mas mahirap pa nga to kesa dun sa una nating pagkakakilala e. Parang dati lang, tanggap mo agad ako kahit may nagawa akong mali sayo, pero ngayon, pinipilit kong magkaayos tayo, pero heto ka, parang babaeng Jay sa harap ko.."

"..bagay nga talaga kayo!" At natawa na naman siya.. Nang bigla siyang may pinunasan sa mukha niya, napatingin ako dun at dun ko lang narealize na umiiyak na pala siya. Nakikita kong umiyak si Darren.

Hindi ko kaya. Yun ang bigla kong naramdaman. Hindi ko siya kayang makitang umiiyak. All those times, naging mabuti naman talaga siya sakin. All those time, naglaan siya ng oras at effort para sakin, all those time, pinilit niyang baguhin ang imaheng nabuo ko na sa una palang..
.
.

..kahit alam niyang, All these time, hindi niya mapapalitan si Jay. Yun nga lang kasi, maski yung nararamdaman ko kay Jay, hindi ko na rin sigurado ngayon.

"Wag mo kong iyakan, Darren. I dont deserve them-" naputol ang dapat sasabihin ko nung tinawag na kami ni Cliff. Pinunasan agad ni Darren ang luha niya habang inayos ko naman ang sarili ko, narinig niya kaya yung sinabi ko? Naintindihan niya kaya? Sige uulitin ko nalang.

"Baka lang hindi mo narinig, ang sabi ko kanina, wag mo kong iyakan at hindi ko de---"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Sorry, but you already made two Cornelio cried for you." At nakita kong naglakad na siya papalayo sakin, at nilagpasan niya si Jay na nakitang kong mukhang kanina pang nanunuod samin.

Meet my Terror Love Tutor ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon