Buen's Speech

579 23 0
                                    

Another Bonus Chapter! J

 Pwedeng basahin pwedeng hindi J

Ang Buhay natin ay isang napaka laking prebelehiyo. Napakaraming desisyon ang dapat nating gawin, napaka daming bagay ang pwede nating maranasan.

Ika nga ng iba, enjoy your life to the fullest, nakakatawa sigurong isipin pero naenjoy naming sa iba at maling paraan kaya kami nandito, pero hindi iyon ang gusto kong tukuyin sa pagkakataong ito, ito ay ang mabigyang pansin ang salitang ‘Kalaayan’

Kalayaang gawin ang nais..

Kalayaang gawin ang pinaninindigan..

At

Kalayaang mahalin ang taong pinapangarap mo..

Kapag napag-uusapan ang salitang ‘bilanggo’ kami agad ang nasa isip niyo, pero hindi niyo naiisip na sa ibang aspeto ng buhay ay bilanggo rin naman kayo, yun nga lang GINUSTO NIYO. Aminin niyo man o hindi ay nilalagay niyo ang sarili niyo sa sitwasyong pwede niyo namang hindi maranasan, ang kailangan lang ay ang pagtanggap sa tunay na hamon ng buhay.

Marami sa amin sa selda ang wala ng dalaw, masakit man isipin ngunit kami ay mukhang nalimutan na.. at isa yan sa mga realidad dito sa pihitan na dapat naming tanggapin. Sa katunayan nga ay mas mahirap pa ang sitwasyon niyo sa labas, dahil kami ay nalilimutan ng HINDI SINASADYA habang kayo ay may PILIT  kinakalimutan. O di naman kaya ay DAPAT KALIMUTAN.

Maloloko niyo ang ibang tao ngunit hinding-hindi ang sarili niyo, kaya niyong magpanggap na hindi niyo nakikita ang tunay na sitwasyon ngunit wala na kayong control sa tunay na estado ng puso niyo. Kung may kasong nagsasabing krimen ang pagsasabi ng ‘ok lang ako’ ay paniguradong kasama naming kayong lahat dito ngayon, dahil pilit niyong pinapaniwala ang ibang tao maging ang sarili niyong ok lang kayo sa mga sitwasyong hindi naman talaga..

Bakit? Kasi binibilanggo niyo ang sarili niyo sa rehas na kayo lang rin naman ang may gawa.

Nakakatawa mang isipin ngunit marami ang nagyayaring ganyan, hinahamon ko kayo! magpakatotoo kayo! Kahit marami ang hindi kaya.. Kahit marami ang hindi talaga.. at Kahit marami ang hindi dapat..  Subukan niyong ibahin ang sarili niyo sa kanila.

Isa pang nakakatawa,  kaming mga taong bilanggo ay pilit na namumuhay na kagaya niyo sa loob ng rehas, Kahit alam naming mahirap.. at hindi talaga naming iyun magagawa.. Pero kayo namang mga taong laya, enjoy na enjoy niyo ang pamumuhay na kagaya namin, nakakulong hindi sa salang pagpatay o pagkuha kundi dahil sa mga ala-alang dapat ay inaalala nalang at mga damdaming dapat ay winawakasan na. MAY MGA BAGAY SA MUNDO NA MAS MAIGI NANG MARAMDAMAN NALANG KAYSA SA MAALALA ULIT. Lalo na kung ang dulot lang ulit nito ay sakit.

Kung kayo ay may kalayaan maging masaya gawin niyo!

Kung may paraan para mapalaya ang sarili niyo, gawin niyo!

Wag niyo nang hintayin na maski ang dapat maging solusyon ay problema na rin.

Wag niyong tignan ang kalating baso ng tubig bilang kalahating bawas, tignan niyo ito bilang kalahating puno. Puno ng mga oportunidad at kalayaang magmahal…

Wag niyo sanang palampasin ang pagkakataong makalaya at maging masaya kasama ang tunay na nagmamahal sa inyo, dahil hindi niyo alam kung ano ang mawawala sa inyo kapag inisip nilang bilangguan ka at gusto na rin nilang kumawala.

Ang mensaheng ito ay sana maibaon niyo hindi lang sa paglabas dito sa bilibid, kundi sa bawat desisyon na inyong gagawin. Maraming salamat.! J

END OF SPEECH. 

---------------------

Author's POV

Sa lahat ng matyagang nagbasa nito, SALAMAT. Ang mensaheng ito ay para na rin sa inyo :)  Dont be a prisoner guys! enough with the pains,  say hello to smiles, happiness! :)  and syempreee!!!!! FREEDOOOOOMMM!! :)) 

Meet my Terror Love Tutor ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon