STARING IS..

3.1K 72 7
                                    

CHAPTER 2

Altia's POV













Hindi ko alam kung may balat ba talaga sa pwet si Ina, para malasin kami ng ganito. Opo, kaklase namin lahat ng napagtanungan namin. Mula kay kuya Skeleton king hanggang sa letchugas na kuyang pogi na may kaderder na ugali.














Nakaupo kami ngayon sa upuan malamang! Andito sa bandang likod, second to the last row? at sa kamalas malasan nasa likod ko yung kuyang pogi na may kaderder nga na ugali.












"Nasa likod mo pala crush m---" agad kong tinakpan ang makating bibig ni Ina at napatingin nang masama sa likuran.






Nakita ko nga yung crush ko este yung may kaderder na ugali na nakapikit at naka headset.

















"Tsk. Masamang estudyante." bulong ko sa sarili ko. Tama bang matulog sa class room?












"Ok, I think everybody is here, let's here something about yournew classmate. Ms. Xavier and Ms. Batario?"













agad namang tumayo si Ina, prepared kasi yan. Nagpra-practice habang nasa byahe kami. Ako? -_- bahala na, papababa muna ako ng blood pressure dito.













"Hi, I am Ina Marie Co Batario" sabay bow kelan pa naging japanese to? "I'm here with my bestfriend and we're kind." Parang hindi naman ganyang yung sinasabi nya kanina? "I'm looking forward na maging magkakaibigan tayo. " sabay bow ulit at balik sa upuan. Nakasmile siya the whole time, pero itong mga classmate namin parang lahat problemado.














Tumayo na ako nang matapos na ito. Napatingin ako sa nilalang na may kaderder na ugali at naka tingin lang siya sakin na naka poker face.














"Altia Jacler Xavier." anak ng sampalok naman oh! nakakatamad magpakilala kung ganyan lahat ng mga mukha nila sakin. "nice meeting you all." sabay alis ko na at balik sa upuan ko.












"OK! sila lang naman ang bago niyong mga classmate, please students , let them feel they're welcome sa class natin. " para namang kinilabutan ako dun sa request ni mam, sarap sumigaw ng NO NEED!








***

KALAGITNAAN NG ENGLISH LECTURE














"ako lang ba o parang may mali." bulong sakin ni Ina, umikot naman ang tingin ko sa mga classmate ko.











Me : 😑😑😑😑😑😑😑













"TALAGANG MAY MALI." paano ko nasabi? SERIOUSLY? kami lang yata nakikinig sa kaniya, as in! Si Mr. skeleton king nandun at enjoy na enjoy sa paglalaptop. Yung mahaderang babae sa runway? ayun at nagsusulay habang nakatingin sa salamin DUH!!! ginawa pang cr tong room, wala namang nagbago sa aura ni Harry potter, nakatingin siya sa window at mukhang pasan na naman ang daigdig, meron naman kaming classmate na, binabato nang papel yung basurahan tapos mag "yes!" kapag naka shoot. -_- ano ba namang room to.













MABABALING na sana yung mata ko nung ang susunod ko na palang makikita ay yung lalaking hindi gentleman.















"STARING IS RUDE."












Eww. Feeler.
😒😒😒😒😒😒😒




















DUGS.. DUGS.. DUGS.. DUGS..













Magtigil ka puso ka! kaaway natin YAN! 😡











Classmate ko pala siya, tapos hindi man lang kami tinulungan? waaaalllaaaang ka-gentleman gentle man sa katawan!!!!!












Ibinalik ko nalang sa harapan ang tingin ko at seryosong nakinig.













"Hindi niya mapapapansin na nakatingin ka sa kaniya, kung hindi rin siya nakatingin sayo."














Tinignan ko lang siya ng masama si Ina, at tinawanan niya lang ako. Timang talaga to.














***
A/N:
MAIKLI BA? Sorry 😅😅

For you, Rhycesx. Dahil nagparamdam ka na naman ulit :) enjoy reading :)

 Dahil nagparamdam ka na naman ulit :) enjoy reading :)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I like this counter part nang cover ko. Hindi ko lang alam kung pano gagamitin. 😅😅

***

Meet my Terror Love Tutor ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon