Ina's POV
Hindi namin namalayan ang dalawang linggo. Wow! Exam na ba talaga namin sa susunod na araw!? U
"Babe. Parang may iba talaga." Natatawa na ako dito sa damuhong to. Hanggang ngayon kasi, wala paring alam.
Realtalk na napaka slow :3
"Anung iba?" Kunwaring hindi ko alam. Wala lang! Hahaha. Sadyang pinagkaisahan talaga siya nung magpinsan.
FLASHBACK
2 days ago"So what will be our next step?" Narinig kong sabi ni Jay. Di na ako umalma dahil busy ako kakatext kung nasan na ba yung feeling tao na yun.
By the way, tuluyan nang nagkaayos ang magpinsan. Thanks talaga at hindi sila nagpatayan nung nagkaussp sila. Halos mabale na kaya ang kamay ko kakapigil kay Tia na lumapit sa kanila :3
"Mukha namang wala na tayong maitatago e." Natatawang sabi ni Darren. Paano, andito kasi ang buong barkada, meaning yung grupo namin. Well, except kay Cliff. :3
"Teka, asan babe mo!?" Tanong sakin ni Tia. Mukhang dun lang rin napansin ng lahat ang absence ni Cliff.
"Luh? Sinu yun!?" Sabay irap ko. Pasimple kong tinignan ang phone ko at nalaman kong di pa rin siya nagrereply.. Tsk! "..di ko kilala yun!"
Naririnig ko na ang tawanan nila at balak ko na ring sumabay, yun nga lang..
"Aray! Tia!" Ang gaga binigyan ako ng isang solid na batok.
"Anung di mo kilala! Baka mamatay ka kapag nawala sayo yun!" Tsk! Panira naman ng moment to. Hindi nalang ako umimik sa sinabi niya. Totoo naman kasi. Kunwari nalang, galit na galit ako.
"..ahem! Well! Someone's not on the boat!" Panglokong sabi ni Jay. Lately, nagiging jolly na ulit siya. Lakas ng epekto ni Darren! samahan pa ng medyo bumabalik na rin sila sa dati ni Tia.
"Walang magsasabi neto sa kaniya. Kasalanan niya, wala siya!" Pagmamaktol ko. Aba! Sinuswerte naman talaga ang lalaking yun no!? Aabsent absent tapos magpapakwento!?
Nakita kong umirap si Tia at nagapir naman ang magpinsan. Nako! Mukhang si Tia talaga maglalaglag sakin e :3 di bale, galit ako.
END OF FLASHBACK
Now you know.
Ako talaga ang promotor. What's new! Galit ako nun e! I-flood mo ba naman ng text tapos walang paramdam!? Aba matinde!Andito kami sa room ngayon at naghihintay sa teacher namin. English ulit ang subject namin, tutal naman yun ang paboritong subject ni author. Joke! Nasa harap naman namin yung dalawang ito na parang seryoso ang pinaguusapan. :3
Heto ngayon si Cliff, katabi ko at panay lang ang kwento sa mga napapansin niyang pagbabago sa mga nakapaligid sa kaniya.. "Tapos, heto pa yung magpinsan, iba aura nila ngayon. Parang ang gaan. Di tulad dati, magsama lang sila sa isang lugar tensyonado na ang lahat." Satsat na naman niya. "..tapos si Anna parang di na masyado nagtatago ngayon.." Well, that's for Anna. Malamang alam rin namin ni Tia, ang siste lang e. Nakajacket pa rin naman siya sadyang hindi nalang yung may hood. Ngayon, expose na ang mukha niya, madalas na rin siyang nakangiti.
"Well, di pa namin nakakausap si Anna tungkol dyan.." That's true. Complicate lately ang status ng pinsan ko kaya hindi na muna isiningit ni Anna ang drama niya. Pero ang huling alam ko, nagkita sila ni Luis.
"..babe, satin ba walanga nagbago?" Grabe! Talagang takang taka niyang tanong sakin. At wow! Mukhang wala talaga siyang idea. :3
Gusto ko sanang sabihin na, meron! Di ka na masyado nagkwekwento!?:/ "..wala naman.."
BINABASA MO ANG
Meet my Terror Love Tutor ( COMPLETED)
Teen FictionHIGH LIGHT RANK ACHIEVE : #4 IN #MASAKIT Alam ko namang bobo ako, pero hindi sa academics. KUNDI SA LOVE. May ganun bang tao? Oo! ako nga diba. LOOKING PO NG LOVE TUTOR! CHAR. -_- I am so pretty to be sure na alam ko ang pinag-kaiba ng love sa cr...