𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 3: Power House

121 5 0
                                        


🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

*****Jenas

Natigilan ang tropa nang ipatawag kami sa conference room, duon ay naka upo sa harapan ang mga bagong recruits. Habang naglalakad kami papasok ay matama kong tiningnan ang asawa ko na nakipag eye contact din sa akin. Hindi ko nagustuhan ang biglaang desisyon nya na pag anib sa bureau ng wala akong pahintulot kaya naman nag uusok na ang ilong kong pagalitan sya. Sinadya kong hindi umupo sa tabi nya, sya ang may kasalanan kaya sya ang dapat manlambing sakin. eeekk!

"Welcome back Civet" wika ni Ren. Hindi kami umimik sa sarcastic na bati ni Ren sa amin, napansin ko lang, simula ng maging Superior namin si Ren ay parang nagiging Yvone style na rin sya, mahilig na syang manorpresa sa amin o sinasadya lang nyang ipa suspense ang lahat ng pag uusapan namin para makaganti? Nang nagtatago kasi ang mga Civet Elite nuong kinubkob ng mga kalaban ang bureau at tanging si Ren ang nagpaiwan at nagpanggap na bumaliktad upang makapag bigay ng impormasyon sa amin.
Sa katapangang taglay nya bilang kaisa isang babaeng naka infiltrate sa baluarte ng kalaban ay napag desisyonan naming sya ang maging Superior ng grupo, deserve ni Ren iyon, literal na 50/50 sya nuong panahong iyon, literal na pain, sya ang nagsilbing tainga at mata namin nuong hindi pa kami makagalaw, sya ang nag organize at nag sustento sa mga pangangailangan namin, malaki ang papel na ginampanan nya hindi lang sa sector ng Civet Elite kundi sa buong bureau, 13 sector ang matagumpay nyang nabibigyan ng impormasyon kaya naman walang ni isa sa bureau ang pumalag nang mag pin point nalang kami ng papalit kay Salvador bilang panibagong leader at tactician ng grupo.

"Ren ano bang plano mo? bakit mo tinanggap ang mga girls sa grupo kahit alam mo namang delikado?" prangka kong tanong, napatingin ang lahat sa sinabi ko

"Bok, grabe naman yung entrance mo, di pa tayo nag pi-pray" biro ni Sendo pero hindi ako nagpatinag

"Alam mong importante sila sa buhay namin bakit hahayaan mo lang na mapahamak sila?" tanong ko

"Power House" sagot ni Ren, Power House. Alam namin ang tungkol sa Power House New Generation Black Technology. "Hindi lingid sa kaalaman nyo ang tungkol sa mga Power House, Ang pagkamatay nina Scar at Shark ay maliit na galos lamang sa kalaban. Ayon sa intel, Hindi sila ang tunay na big fish sa pond, accessory lang sila sa sindikatong kinakalaban natin" paliwanag ni Ren

"Anong connection ng mga Power House sa pag recruit mo kina Cerrah?" tanong ko, tahimik lang ang buong kwarto sa palitan namin ng tanong at sagot ni Ren.

"1995 - Nag simula ang New Generation Black Technology kung saan kumuha sila ng limang 1995 babies mula sa pamilya ng mga tauhan nila" paliwanag ni Ren

"Si Fiona Cardinal - Ang ama niyang si Francis Cardinal ay nasa Child Trafficking Syndicate, ate mo Flare" tumingin si Ren kay Flare

"Si Andrea Aralagon - Ang ama niyang si Javier Aralagon naman ay miyembro ng sindikatong may hawak sa sex slavery, Ex GF mo Sendo" tumaas lang kilay ni Sendo, ngumisi si Ren "Hindi pala, inasawa mo nga pala muna si Smile bago mo inamin sa kanya na si Andrea ang mahal mo"

"What the fvck?" gulat na tanong ni Sendo "Kailangan i mention yun Ren?" di makapaniwalang tanong ni Sendo

"Totoo naman" sabat ni Smile

"Matagal na yun bakit binabalik nyo pa? past is past na nga diba?" inis na tanong ni Sendo

"Tama na ang away, makinig na kayo sakin" wika ni Ren

"Sinimulan mo kasi" inis na sagot ni Sendo

"Tama na bok" awat ni Chase

#5 🅹🅴🅽🅰🆂.   (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon