🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀*****Jenas
"Babe I miss you!" bungad sakin ni Silent nang puntahan ko sya sa bahay nila, pinulupot nya agad sa akin ang mga kamay nya sa braso ko at naging clingy. Humarap sya sa akin at nag pa cute "Bakit palagi ka nalang busy?" tanong nya, ngumiti ako at hinawakan ang pisngi nya.
"Pasensya na Babe, hindi ko naman pwedeng kalimutan ang negosyo ko dahil para din naman sa future natin to" sagot ko, humawak sya sa dibdib nya
"Awwwww..." malambing at mahaba nyang react na tila na touch sa sinabi ko "Ang sweet mo naman babe" yumakap sya sa akin at humalik sa labi ko.
"Sana maintindihan mo na kaya ako palaging busy dahil gusto kong ma provide yung buhay na kinalakihan mo at gusto kong hindi magkulang sa magiging mga anak natin" palusot ko
"You're so sweet Babe" kinikilig na wika ni Silent "Ang sarap sa pandinig na kasama ako sa plans mo sa future at mas nakakatouch yung may balak kang magka anak sa akin"
"Syempre naman" sagot ko "Kaya sana wag kang mag tataka kung palagi akong nasa out of town every weekend"
"Okay Babe" sagot ni Silent. Madali lang naman kausap si Silent, hindi sya matanong, hindi rin mapilit lalong lalo na hindi mahigpit sa karelasyon.
*****
Naging smooth ang misyon ko sa buong linggo, Walang nag hinala, walang kahit anong anomalya. Nasa loob na ako ng sasakyan at handang bumalik sa training camp nang may ma receive akong message mula kay Ren, nang buksan ko ang image ay nakita ko si Cerrah, wala syang malay at naka tayo habang naka gapos ang mga kamay. Agad kong tinawagan si Ren"Rivera" matipid na sagot ni Ren sa tawag ko
"Anong ginawa mo kay Cerrah?" tanong ko
"Captive namin sya" sagot ni Ren "Actually Captive namin silang lahat"
"Nasan sila?" tanong ko, aminado ako na napagdaanan namin ang mahihirap na training ni Salvador sa amin sa gubat, sa dagat, sa ere at sa training camp pero iba ngayon, sa pamumuno ni Ren sa Sector ng Civet Elite maraming nag iba, marami syang iniba maraming in upgrade, maraming twist
"Sa Parthenon" sagot nya, Parthenon? tanong ko sa isip ko "Gusto nyong iligtas sila Cerrah? pumunta kayo dito at patunayan nyong hindi pa kayo laos"
"Ano bang gusto kong patunayan namin Ren?" tanong ko, hindi ako galit. Nagtataka lang ako sa kinikilos ni Ren, matalino at madiskarte syang babae kaya nga nuong panahon na pinalabas ng mga kalaban na pugante kami ay bukod tangi lang si Ren na naiwan sa lungga ng mga kalaban, hindi parin namin inaalis ang tiwala namin sa kanya kahit na isa sa batas ni Salvador ay hindi dapat kami magtiwala sa kahit kanino kahit kadugo mo pa. Alam kong may alam si Ren na ayaw nyang sabihin sa amin, alam kong may dahilan sya kung bakit kailangang ma involve kaming mga batikan sa Civet sa training ng mga newbie members namin.
"Sabihin mo sa mga kasama mo, You need to rescue those women before dawn" wika ni Ren at nag end call
*****
"Before dawn?!" sigaw nina Flare at Chase
"18:30 na" wika ni Saenz "Sisikat ang araw bukas ng alas-sais y media ng umaga"
BINABASA MO ANG
#5 🅹🅴🅽🅰🆂. (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th Story
Teen FictionIsang taon matapos manganak si Cerrah ay pumasok siya sa Bureau bilang undercover agent dahilan para magkalabuan sila ng asawa nyang si Jenas. Nagkataong sa unang misyon ni Cerrah ay makakapareha nya si Jenas ngunit kikilos sila ng magkahiwalay. May...