𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 30: 10,000 Hours

98 3 0
                                    


🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀
Sound trip Guyz,
10,000 hours By: Dan + Shay , Justin Bieber
🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

*****Jenas

Ilang araw din kaming naging focus ng asawa ko sa kanya kanya naming misyon, ako ang mapaibig si Silent at si Cerrah para makuha ang loob ni Sinister. Nagkaroon sila ng out of town meeting  and team building for 2 weeks kaya naman sobra ko syang na miss. 😣 Gusto ko syang sundan sa Subic pero bawal 😭😭 gusto ko syang tawagan sa cellphone nya pero bawal parin 😭

"Ginagawa nyan dito?" tanong ni Sylfaen kay Chase habang may sinusubong lollipop, tahimik lang akong nakikinig sa kanila kahit alam kong ako ang pinag uusapan nila.

"Nami miss si Cerrah" sagot ni Chase, inilapag ni Chase ang isang tasa ng kape sa mesa na kaharap ko. Kukunin ko sana ito nang unahan ako ni Coco

"Thanks Chase" nakangiting pasalamant ni Coco sa boyfriend nya, tumingin ako ng walang emosyon kay Coco, grabe sya, wala syang awa. Ngumiti sa akin si Coco

"Nagkape ka na kanina Rivera, hindi ka pwedeng mag kape ng magkape baka mag palpitate ka" paalala ni Coco, humigop ito ng kaunti at nakatayong tumitig sakin, sina Chase at Sylfaen ay ganon din.

"Sana maintindihan mo kung bakit di kita pinapayagang tawagan si Cerrah gamit ang cellphone number mo gayun din ang number namin, baka mag hinala sila kung bakit may contact kayo sa isa't isa" mahinahong paliwanag sakin ni Chase, tumungo tungo lang ako at nag ok sign 👌🏻👌🏻 "Dumito ka muna hanggang mamayang gabi, pakiramdam ko kasi lutang ka eh"

"Bakit kaya ganon" bumalik sa pag tingin sa monitor si Coco "May something sa Sinister Demetria na yon, everytime na nasa paligid sya ni Cerrah ay hindi tayo maka access sa kanya"

"Yan din ang pinoproblema ko, kapag kasama naman ni Jenas si Silent ay nakaka access tayo kay Jenas pero kay Cerrah wala talaga" sagot ni Chase.

"Kaya nga nag aalala ako eh" sagot ko

"Wag kang mag alala, kasama naman sa team building lahat ng empleyado sa negosyo ni Sinister, kahit na receptionist at Janitress na sila Smile at Avyghale ay kasama parin sila, nanduon din si Sendo nag ma manman.

*****Kinagabihan

*****Cerrah

Nasa suit na ako nang may tumawag sa akin mula sa reception ng hotel na tinutuluyan namin.

"Hello Ms. BuenaVista?" tanong ng reception

"Hello, this is me" sagot ko

"May parcel po na dumating dito, nakapangalan po sa yo" wika ng receptionist, nagtaka ako. Ako? may parcel? di naman ako nag online shopping ah?

"Ahm, aahh sige bababa ako, kukunin ko jan" sagot ko. Agad akong nag bihis para kunin sa ibaba ang parcel 'ko daw?'  Nang makababa ako ay lumapit agad ako sa recetionist

"Ma'am papirma nalang po" pamilyar ang boses ng lalaking nag deliver ng parcel, pagtingin ko ay si Sendo ito. Pinirmahan ko ang hawak nyang papel at bago umalis ay kinindatan nya ako.

Nang bumalik ako sa kwarto ko ay agad kong binuksan ang parcel, maylaman itong isang di keypad na cellphone, tiningnan ko ang contacts nito. Iisang number lang ang nakalagay kaya kinontact ko ito.

#5 🅹🅴🅽🅰🆂.   (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon