𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 64: Friend Problem

185 7 4
                                    


🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

***** outside Mission

*****Jenas

Habang nasa camp site sina Cerrah ay may nag substitute sa kanila na mula sa sector ng Angels, Mabuti nalang at magaling sila sa prostetics dahil nagawa nilang kopyahin ang mukha nina Cerrah, Avyghale at Smile para magpanggap upang hindi maghinala ang mga tao kung bakit sabay sabay silang nawala.

Magkahawak kamay kami ni Silent na pumasok sa building nang makasalubong namin sa Smile na nag ma mop 😑 oo nga pala, hindi sya ang tunay na Smile

"Good Morning Ma'am" bati ng nagpapanggap bilang Smile

"Good Morning" nakangiting bati ni Silent sa kanya

"Good Morning sir" bati nya sa akin, tumungo lang ako bilang sagot

"Babe" tumingin sa akin si Silent kaya tinitigan ko rin sya habang naglalakad "Ganyan ka ba talaga? Silent type?" tanong nya, ngumiti ako

"Kaya nga si Silent ang nagustuhan ko ei, kasi compatible yung pangalan mo sa ugali ko" kinindatan ko sya, napangiti si Silent at mahina akong kinurot sa tagiliran

"Bolero ka talaga" nakangiti nyang sagot sakin "Ewan ko ba kung bakit kahit alam kong bolero ka ay na fo fall parin ako sa pambobola mo"

"Hindi naman kita binobola, totoo ang sinasabi ko" sagot ko, Nang mapatapat kami sa reception ay binati kami ni Avyghale

"Good Morning Ma'am, Sir" bati ni Avy, sabay kaming napatingin sa kanya kaya naman naalala kong hindi rin sya ang tunay na Avyghale

"Good Morning" nakangiting bati ni Silent at nang bahagya kaming nakalagpas ay muli syang tiningnan "Gia" tawag ni Silent, napatingin kami ni Gia este ni Avyghale este, napailing iling ako, di ko kilala kung anong tunay na pangalan ng substitute ni Avy "Do you have a problem?" tanong ni Silent

"Po?" tanong ni alyas Gia, napahigpit ang kapit ko kay Silent

"Babe" mahinahon kong tawag "Lahat naman siguro tayo may dinadalang problema" ngumiti si Silent sa akin at kay Alyas Gia

"Don't get me wrong Gia, wala akong masamang ibig sabihin napansin ko lang kasi na parang may malaki kang problema" sagot ni Silent "Para kasing nag iba yung mukha mo" napakagat ako sa labi patay!

"Naku ma'am! siguro dahil sa make up na gamit ko" sagot ni Alyas Gia "Naubos na kasi yung branded na make up na gamit ko tapos wala pa akong pera pambili kaya gumamit muna ako ng galing jan sa tabi tabi" palusot nya

"Ganon ba? Pasensya na kung hindi kita matutulungan na paagahin ang sahod nyo ah, alam nyona, protocol ng company ang dapat masunod. I hope next time makabili ka na ulit ng branded na make up" nakangiting sagot ni Silent

"Yes Ma'am" sagot ni Gia. Nang pumasok kami sa elevatorkung saan ang pwede lang gumamit ng part na iyon ay mga big boss ay kinausap ko si Silent

"Why don't you just give her money to buy new cosmetics?" tanong ko. Curious lang naman 😁 alam kong hindi na nya obligasyon ang gastusin ng mga empleyado nya gusto ko lang malaman kung ano ang isasagot nya

"Being an employee to our company gives them the opportunity to have a salary better than good" sagot ni Silent "Meaning, she can afford branded cosmetics unless may mas importanteng bagay pa syang pinag lalaanan" sagot ni Silent

"Kung sabagay tama ka" sagot ko, medyo observer din tong si Silent ah "Hayaan mo na sya, baka hinihintay na tayo ni Sinister sa itaas"

"Siguro galit na yon kasi palagi nalang tayong late sa mga meeting" natatawang sagot nya

#5 🅹🅴🅽🅰🆂.   (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon