𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 97: Advice

15 0 0
                                    


🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

Pumutok ang balita sa buong bureau ang pag request ng ama ni khalee na ilibing si Sinister sa tabi ng namayapang si Reverie.. Marami itong pinaliwanag at kinuwento na syng nag linis ng pangalan at imahe ni Khalee sa amin lalo na sa akin at kay Silent. Dahil duin ay lumambot ang puso namin para kay Khalee.

Isang linggo na ang lumipas buhat nang magising si Jenas. Nang magising sya ay na discharge na ako, Pero until now hindi parin nakikipag usap sa akin ang asawa ko. May mga panahong lumalapit ako sa kanya pero lumalayo sya sa akin at sinusubsob nya ang sarili nya sa trabaho.

Nakakalungkot man ay walang dapat sisihin sa pag iwas ng asawa ko dahil ako ang puno't dulo ng lahat. Wala akong ibang mahingan ng payo kundi ang Superior naming si Ren kaya naman bago ako umuwi sa unit ko ay sinadya ko si Ren na kausapin sa opisina nya.

*****@Office

"Make yourself an example Dear" mahinahong wika ni Ren habang nakaupo sa swivel chair nya at ako naman ay nakaupo sa upuan sa harap ng kesa nya "Same kayo na may portion ng memories ang nawala dahil sa nanochip, at aminin mo Cerrah, Until now hindi mo maalala ang tungkol sa mommy at kuya mo ganon din ang pinag samahan nyo ni Astrid nuong bata kayo diba?" duon ay lalong naguilty ako. Grabe, unang banat palang ni Ren parang mapapako na ang pwet ko sa upuan sa sobrang guilty 😭😭😭😭😭 "Ganoon din si Jenas. Please understand your husband's situation, ilang taon palang buhat nang kargahin nya ang nanochip, mahaba habang panahon pa na pagtitiis ang gugugulin nyo para maalala nya ang lahat. If you want his memories back, give him what he needs not what you want"

"What he need?" tanong ko

"Yes.. He needs your patience, love, care, understanding... He needs those from you, and only you- can give it" sagot ni Ren

"I'm such a selfish woman Ren" napa facepalm ako "Do you think I am selfish? hindi ko inisip ang kalagayan ni Jenas sa pinag daanan ko kahit alam kong same kami ng nangyari, same successor ng nanochip, same nawalan ng ala-ala pero... pinressure ko sya na alalahanin ang lahat"

"Not to mention na experience mo rin yung stress nuon pinipilit ka ni Astrid about sa friendship nyo and na pressure kang alalahanin pero hindi mo talaga magawa" pag dagdag ni Ren.

"Oh hush! with your pangongonsensya Ren" malungkot na sagot ko. Gusto kong lapirutin ng kamay ko ang nguso ni Ren para matahimik na pero iniisip ako, ako ang sumadya na pubtahan sya para sa payo nya kaya wala ako sa lugar para mag inaso 😭😭 Tumayo si Ten at umikot sabay tapik nito sa likod ko

"Do you know what I really think about you Cerrah?" tanong ni Ren "Yes, for me you are selfish, but does it matter? As a matter of fact, as long as your husband don't think that about you it will always doesn't matter. For Jenas you are not selfish and it's up to you na patunayan sa kanya at sa ibang tao na hindi ka talaga selfish" pilit akong ngumiti, na realize ko ako talaga ang mali, hilig kong gumawa ng issue at palakihin ang simpleng misunderstandings na hahantong sa isang gulo.

"Thank you Ren" sagot ko

"I hope my advice helps you" wika ni Ren

"Yes Ren, it does" sagot ko.

🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

Theme Song:
On This Day
By: David Pomeranz

🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

*

***Jenas

Nang magising ako ay wala si Cerrah sa tabi ko, Naikwento sakin ni Chase na tinabihan ako ng asawa ko nuong naka admit sya at nagkataong nasa trabaho sya nang gumising ako kaya wala sya. Hindi lang ako sumagot, nag react at nag salita hanggang sa pinilit kong magpa discharge nang mismong araw ding iyon.

Naging lublob ako sa trabaho para madivert ang problema ko. Hindi ko alam, since gumising ako kahit alam kong nalinis na ang kasalanan ko nang malaman naming hindi talaga kami nag sex ni Silent ay parang mabigat parin ang kalooban ko. Siguro kaya ayaw kong harapin si Cerrah dahil natatakot ako na isang mali lang ay mawalan nanaman sya ng tiwala sa akin. Masakit sa kalooban ko yung nagalit sya dahil alam nyang nag kukunwari lang ako na may naaalala sa nakaraan namin. Ano bang magagawa ko? ayaw ko syang malungkot at masaktan kaya nag sinungaling ako.

"Malapit mo na palitan si Ren nyan" biro ni Sendo sabay upo sa desk ko

"Wala naman akong balak maging superior ng Civet" seryosong sagot ko at pilit na hinihila ang folder na inupuan ni Sendo, reference ko iyon sa ine encode kong data sa computer ko.

"Alam ko, pero sa sipag mo mag trabaho kahit wala kang balak maging leader ay baka bumuo pa ng 14th sector ang bureau at ikaw ang ilagay na Superior" biro ulit ni Sendo. Huminto ako sa pagta type sa computer.

"Kung magiging superior ba ako ng 14th Sector magpapalipat ka under my leadership?" tanong ko. Di alam ni Sendo kung seryoso ako o pinapatungan lang ang biro nya kasi yung mukha ko ay seryoso eh.

"Depende sa pangalan ng Sector mo, Kung hindi mo lang din naman ipapangalan sa akin ay wag nalang" poker face na sagot ni Sendo "Ayaw ko nga mapasailalim sa isang boring at wasted na leader kagaya mo" 🫥🙃 ganyan, super blanko ang expression ni Sendo

"Haayy" huminga ako ng malalim "Bakit ba kuhang kuha mo ang inis ko Sendo" bagot na tanong ko at bumalik sa pag ta trabaho "Gulatin mo nga ako"

"Pakuluin ko dugo mo dre" sagot ni Sendo

"Uminom ka na ba ng gamot mo sa topak?" tanong ko

"Di pa nga eh" 😆 kengkoy na mukha ni Sendo at tumayo sa desk ko "Buddy relax relax din pag may time"

"Pano ba yan wala akong time" bagot na sagot ko "Alam mo para maging productive ka? pagtimplahan mo ako ng kape" utos ko.

Kahit nasa malayo ay napansin ko si Cerrah na may bitbit na coffee mug, naglalakad sya papunta sa amin pero nag patay malisya lang ako.

"May time ka ba na kausapin ako?" mahinang tanong ni Cerrah, nag ubo-ubuhan na si Sendo

"Ayan na yung kape mo, free delivery" wika ni Sendo "Alis na ko kumpare at kumare" tinapik ni Sendo ang balikat ni Cerrah "Ayusin nyo ang problema nyo bitches" at umalis.

Nilapag ni Cerrah ang kape sa desk ko

"Favorite mo, black coffee" wika nya.

"Salamat" sagot ko at nagsimulang mag trabaho ulit. Wala akong lakas ng loob na tingnan sya sa mata. Natahimik lang kaming dalawa at pakiramdam ko ay pagpapawisan ako ng malamig, nanonood labg sya sa ginagawa ko "Ahm, waoa ka bang work?"

"Meron pero parang gusto kong mag under time masama kasi ang pakiramdam ko" sagot ni Cerrah at natahimik muli kami. Maya-maya "Sige Jenas aalis na ako" paalam ni Cerrah. Imbes na sundan ko sya ay hinayaan ko nalang syang makaalis.

#5 🅹🅴🅽🅰🆂.   (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon