𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 45: Kids

87 7 5
                                    


🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

*****Jenas

Hindi ko alam ang plano ng bureau pero para kasing deja vecu alam nyo yon? yung feeling mo alam mo na yung susunod na mangyayari?

Naglalakad ako sa corridor nang makita ko si Cerrah, lahat kaming mga Civet ay pinaunlakan ulit sa isang meeting, napakagat ako ng labi at kabadong lumapit sa kanya. Kahit na nag usap na kami nuong nakaraan ay muli syang naging cold sa akin

"Good Morning Mrs. Rivera" mahina kong bati pero imbes na pakialaman ko ang peace of mind nya ay binilisan ko nalang ang lakad palayo sa kanya, bale, binati ko lang sya. Grabe, sobrang na mi miss ko na talaga ang asawa ko. Nang buksan ko ang pinto ng conference room ay nanduon na ang mga katrabaho ko, at sibrang gugulo parin nila. Naglakad ako papunta sa bakanteng upuan "Grabe ang init naman dito" reklamo ko at umupo sa tabi ni Chase "Bakit ayaw nyong buksan ang aircon?" tanong ko, ngumisi lang si Chase at tinuro si Sendo, Smile, Segen at Sagara sa sulok na nag di discusyonan.

"Seryoso ka talaga Sendo?! pinadlock mo ang plug ng aircon?" tanong ni Sagara

"Sayang nga sa kuryente" sagot ni Sendo

"May kadamutang taglay" sabat ni Segen

"Sendo buksan mo yung aircon pawis na pawis na si Smile" wika ni Diether, biglang umayos ng upo si Sendo at hinagis kay Diether ang susi ng padlock

"Si Smile lang pala katapat mo eii" wika ni Sagara "Under"

"Pak u man" sagot ni Sendo

"Saenz bakit mo kinain yung mani ko?!" sigaw ni Aluza. Napatingin kami sa kanila, galit na galit si Aluza kay Saenz na tumatawa lang habang hinahagis ang mani at shinu shoot sa bibig, ang mga nakarinig naman ay natatawa dahil green ang naisip nila

"Oo nga Saenz, why did you eat her mani!" sigaw ni Sylfaen, sinampal sya ni Avyghale sa bibig

"Kailan ba yung sahod? wala na kong allowance" narinig ko naman si Arel na nag salita sa likod ko, 😓 hindi ako matahimik, kahit saang anggulo kakulitan nila ang napapansin ko. "Yoko na mag work!" hinagis nya ang mga nakaayos na files sa mesa nya "Gusto ko na ang maging haciendero" nag slow motion pa sa paningin ko ang paglapat ng mga papel sa sahig

"Gagi bok makita ka ni Ren na nagtatapon ng reports mababartolina ka ng wala sa oras" pananakot ni Chase

"Joke lang" sagot ni Argel at nag simulang damputin ang mga papel

"Turuan kita ng technique para lumaki pera mo" sabat ni Chase, this time napatingin naman ako kay Chase

"Talaga?" tanong ni Argel atsinalansan ang mga papel "Turuan mo nga ko magpalaki ng pera, ang hirap mag intermittent fasting eh"

"Paano ba naman kasi kumakain ka ng marami pag may sweldo tapos tubig tubig na lang pag petsa de peligro" sagot ni Chase, napangisi ako sa buwelta nya

"Wala kong jowa edi sarili ko nalang i spoiled ko" sagot ni Argel

"Bigyan mo nga ko ng 20, 50 tsaka 100" utos ni Chase, kumuha ng perang papel si Argel sa pitaka nya at binigay kay Chase "Watch me" tinupi ni Chase ang mga perang papel kung saan tanging makikita ang mga mukha sa mga ito, pagkatapos ay inilapat sa tissue at kinumutan ng tissue "Matulog kayo ng maaga ng lumaki kayo ah" tinapik tapik nya ang mga nakahigang pera. 😑 napa face palm ako,

#5 🅹🅴🅽🅰🆂.   (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon