𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 48: Operational Context

54 3 0
                                    


🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

*****Cerrah

"Ah?? girls..." parang diskumpiyadong wika ni Smile, tumingin kami sa likod namin kung saan nakatanaw si Smile at talagang nabigla kami sa nakita namin.

"Oh- my- G" nakangangang wika ni Smile. Kahit kami ay nakanganga rin

"Tsk!" ani Astrid

"Sabi ko na eh" wika ko. Isang malawak na training ground ang tumambad sa amin kung saan may actual version ng mga obstacle na hinarap namin kanina, tumingala ako sa langit, sa tagal ng ginugol namin sa obstacle ay malapit nang mag gabi. Biglang mayroong palaso ang tumama sa inaapakan naming sahig na kahoy, bahagya kaming napaatras

"Seriously?!" tanong ni Aluza, luminga linga ako kung saan banda ang pinag mulan ng arrow, sobrang bilis ng pangyayari, lumapit si Astrid at kinuha ang naka tali na papel sa arrow

"Sa mga tent sa ibaba daw muna tayo magpalipas ng gabi, mayroon nang mga damit pamalit at pagkain sa selected tent natin" wika ni Astrid matapos mabasa ang nilalaman ng sulat.

"Talagang balak nilang patagalin ang training natin" wika ni Coco habang tinatahak namin ang open field papunta sa mga tent na naka assemble "Akala ko petiks lang tayo" isa isa naming tiningnan ang tent namin, bawat isang tent ay mayroong laman na complete gear, airsoft gun at mga Meal Ready to Eat o kilala sa tawag na MRE "MRE flameless heater supply instruction" basa ni Coco sa isang pakete ng pagkain "Ikaw na mag basa girl pagod na ako" binigay nya sa akin ang MRE nya

"Step 1: Tear off the bag from the top sleeve, Step 2: Put the meal pouch inside the heater bag, Step 3: Add 120 ml water into the heater bag Step 4: Fold the heater bag with the open label, Step 5: Waiting for 10 minutes and enjoy the food" basa ko

"Saan tayo kukuha ng tubig?" tanong ni Coco

"Di ko alam" sagot ko at luminga linga, napansin ko si Astrid na kumuha ng itak sa loob ng tent nya pagkatapos ay pumunta sa mga bamboo at pinagtataga ito, bumalik syang may bitbit na kawayan at nang itaob nya ito ay may tumulong tubig, isa isa kaming uminom sa dinala nyang manamis namis na tubig. Lumalabas ang pagiging leader ni Astrid sa amin

"Dumito lang kayo, maghahanap lang ako ng bukal o ilog sa paligid" wika ko, gusto kong makatulong sa grupo para hindi maging pabigat lang

"Teka gabi na, baka mapahamak ka sa daan" awat ni Coco

"Tao lang ang magpapahamak sa atin dito, hindi nila tayo hahayaang malapa ng kung anong ligaw na hayop" sagot ko "Mag iiwan ako ng mga bato sa dadaanan ko, sundan nyo nalang ang kinaroroonan ko kung hindi pa rin ako makabalik after one and a half hours"

"Mag iingat ka Cerrah" wika ni Astrid, tumingin ako sa kanya at bahagyang ngumiti, ngumiti rin sya sa akin

"Salamat" wika ko at tinalikuran sila, may galit ako kay Astrid dahil sa paglilihim nya sa totoong nangyari sa nakaraan ko pero... hindi parin maaalis na minahal ko sya bilang kaibigan ko. Siguro kailangan ko lang ng sapat na oras na tanggapin ang lahat ng nangyari bago ko sya kausaping muli.

Habang tinatahak ko ang papadilim na daanan ng gubat ay nag iiwan ako ng mumunting bato sa dinadaanan ko hanggang sa makarinig ako ng tunog ng umaagos na anyong tubig.

"Ilog" wika ko at tumakbo ako nang natatanaw ko na ang isang ilog ay biglang may dumamba sa akin dahilan para ma out balance ako. "Shit!" wika ko at humarap sa nilalang na dumagan sa akin

"Hindi maganda sa isang babae ang nag mumura" wika ni...

"Jenas?" tanong ko, umayos sya ng tayo at inalalayan din akong maka tayo "Bakit ka nandito?"

#5 🅹🅴🅽🅰🆂.   (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon