𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 102: Salcedo

23 0 0
                                    


🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

*****Jenas

Tinungo ko ang kinatatayuan nila Papa at Papang 😁 cool tong magpinsan kong tatay para kaming tropa tropa lang

"Bakit po Pang?" tanong ko kay Papang kifer, nginuso nya ang isang lugar kung saan 😅 bakit nandito si Saenz?

"Tingnan mo yang pinsan mo kasama si Saenz" sagot ni Papang "Badshot talaga sakin yang lalaki na yan" 🥹 bakit naman ganon Pang?

"Tol, sabi ko na sayo malaki na si Aluza, kung pag hihigpitan mo ang anak mo mag re rebelde sya lalo" paliwanag ni Papa

"Mabait naman po si Saenz" sagot ko

"Anong mabait?" tanong ni Papang "Hindi talaga ako makapaniwalang sya yung mabait at hindi si Jancen" diskumpiyadong wika ni Papang "Pakiramdam ko ha highbloodin ako" tinapik ni Papa si Papang

"Kukuhanan muna kita ng pineapple juice" wika ni Papa at umalis

"Hindi ka ba naniniwala sakin Pang? sa paliwanag at sinabi ko tungkol sa tunay kong trabaho?" tanong ko

"Naniniwala ako, at sinuportahan kita don anak, kahit pa sa lahat ng tao bukod sayo, kay Aiola, Aluza at Cerrah ang may alam sa tunay na trabaho nyo ni Aluza at Cerrah pero hibdi talaga ako makapaniwala na si Saenz ang gumagawa ng lahat na positibo sa bayam na to at si Jancen na inakala naming mabait ang masama" sagot ni Papang "Haaayyy"

"Siguro dala lang iyon ng hinanakit mo nuon kay Saenz Pang?" tanong ko

"Isa pa yun!' sigaw ni Papang "Kung mabait yang si Saenz dapat hindi nya iniwan si Aluza na halos mabaliw ang anak ko sa pangungulila sa kanya"

"Siguro naduwag syang umamin" sagot ko "Naging Pussy sya 😂" napatingin sa aking si Papang

"Bastos ng bunganga nitong bata na to" nakangusong sagot ni Papang

"Dapat nga naiintindihan mo ang kalagayan nya kasi naging Pussy ka rin diba? yung hindi mo naamin kay Tita Meg na mahal mo rin sya" biro ko

"Shhhh.." sita ni Papang "Salbahe ka" nag cross arms si Papang habang nakatitig sa kanila "Haaayy... Ngayon ko napatunayan na totoo ang Karma" napangisi ako nag e emote si Papang 😂 "Lahat ng ginawa ko sa mga mommy ng mga anak ko ay nangyayari sa kanila, Jusmio Mahabangin" natawa ako sa expression ni Papang

"Oh" lumapit sa amin si Papa at binigay kay Papang ang tubig "Sinabi ko na sayo insan, Suportahan mo nalang ang kaligayahan ng mga anak mo, Hayaan mo na sila ang gumuhit sa sarili nilang tadhana, wag mong gayahin si Abuelo Agustus na kinintrol lahat ng desisyon nyong magkakapatid"

"Haayyy" napa face palm si Papang "Isa pa yun si Abuelo Agustus, di na nakontentong pinakialaman ang lovelife ng mga magulang natin, pati ako, sina Sabrina at Sharina ay sinira rin nya"

"Kaya nga hayaan mong maging maligaya ang mga anak mo, Hindi masamang magbigay ka ng pangaral sa kanila ang masama kontrolin mo ang buhay nila kahit nasa hustong gulang na sila"

"Tama si Papa" sagot ko "Let them"

"Kierr bastos bunganga ng anak mo" tunuro ako ni Papang habang sinusumbong ako 😳

"Luh" sagot ko habang tinitingnan ako ni Papa

"Sabi nya Pussy daw ako" sumbong ni Papang

"Saan mo natutunan yan" hinambalos ako ni Papa

"Joke lang yun Pa" sagot ko na umilag at tumawa "Papang naman KJ"

"Pagalitan mo yan insan" wika ni Papang "Puntahan ko lang yung dalawa nang makausap ng masinsinan"

Habang sinesermonan ako ni Papa ay nakatanaw lang ako sa kinaroroonan nila Aluza na tila wala akong naririnig na sermon ni Papa

Oo nga si Abuelo Agustus, ang matapobreng Mestizo mula España, Ang ama ng kambal na sina Moon at Sun. Sya ang dahilan kung bakit nagkabuhol buhol ang buhay pag ibig ng pamilya namin 🤦🏻‍♂️ ahhh... buti nalang at hindi na namin naabutang mag pipinsan si Abuelo.

Ang history ng Pamilya ko ay napaka gulo, sa sobrang gulo para na kaming sinulid na nagka buhol buhol. Mabuti nalang at naputol ang paghihirap ng pamilya nang ipanganak si Tita Solenn ang bunsong kapatid nila Papang Kifer, Tita Sabrina at Tita Sharina nang mamatay si Abuelo 🤦🏻‍♂️

Kung alam nyo ang background ng mga lolo at Lola namin talagang maloloka kayo.

"Jenas nakikinig ka ba?" tanong ni Papa

"Ha?" tanong ko "Opo Pa, hindi ko na uulitin" sagot ko

"Mabuti naman" sagot ni Papa "Sige na puntahan mo na si Cerrah at baka nilamog na yon ng mga kapatid at pinsan mo"

Nagkatawanan kami ni Papa, ewan ko ba kung bakit suki ng yakap ang asawa ko. Alam ko Maganda at cute si Cerrah pero bakit naman nilalamutak sya? 🥹

#5 🅹🅴🅽🅰🆂.   (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon